6

640 19 5
                                    

Mabibitin kayo dito for sure😂 but you asked for it~

________________________


Allison's POV

Minsan, may mga pagkakataon talagang pumapalpak ka sa buhay, subalit hindi iyon dahilan para sumuko ka sa iyong mga hangarin. Tulad na lamang sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon, kung saan sinusubukan ko sanang mag-trespass sa dati naming tirahan.

Sa kasamaang palad, may nakahuli sa aking maitim na balak. Huminto ako for a while...but I will never give up on my goals. Ano namang masama kung makikitambay lang ako sa dati naming village? Wala naman akong balak bombahin ang buong lugar ah, gusto ko lang tumambay. Kaya naman, kahit ilang beses niya pa akong pinigilan, tuloy pa din ako sa pag-akyat, hanggang sa nakamit ko na ang aking goal.

"HOY!"

Patuloy na sumigaw ang lalaking iyon, pero hindi ko lang pinansin. Nagmadali akong tumakbo nang naka-paa habang bitbit ang shoes ko.

Tuwang-tuwa na sana ako nang medyo nakalayo na ako, but damn it! May susi siya sa gate!

Agad niya namang pinaharurot ang kotse niya papalapit sa akin.

I'm so screwed.

"HOY! Hindi mo ba alam na trespassing yang ginagawa mo?"

I froze in my spot. Hindi man lang ako lumingon sa kanya. I uttered not a single word.

"May karatula sa labas, ang laki-laki. Hindi mo man lang ba nabasa yun?"

"Nabasa ko," simple kong sagot.

"Oh nabasa mo naman pala. Ba't di mo nagawang sundin?"

Huminga ako nang malalim at nagsimulang magsalita. "Ganito kasi yan. Lumaki ako sa village na ito. Saksi ang bawat puno at mga halaman sa paglaki ko. Gusto ko lang balikan. Makikitambay lang naman ako saglit. Aalis din ako agad. So chill ka lang."

Tahimik siya for a while.

Kaya naman, napagdesisyunan ko nang humarap sakanya.

Wow.

Bakit lately, umaambon ng kagwapuhan sa mundong ito?

Ano 'to? Bakit parang isa siya sa mga gwapong anime characters na lumabas mula sa TV? Lord, mabait ba ako sa past life ko at ito ang gantimpalang iyong inabot sa akin? Napakabait mo po.

"Miss? Hello? Miss? Nakikinig ka pa ba?"

"Huh?" bigla akong napabalik sa realidad.

Ay, oo nga pala. Siya yung langyang nagpaharurot ng kotse patungo sa akin, as if wanting to kill me or something.

"Kailangan mo nang umuwi sa inyo. Delikado ang lugar na ito."

I sighed at lumapit sa kotse niya.

"Kuya, wala akong pakialam kahit gaano pa kadelikado ang lugar na ito, basta't ang goal ko lang sa ngayon ay ang masaksihan ang lugar na ito even before I die."

"Miss, pwede ba 'wag ka nang makulit?"

Pinili kong hindi na lang muna siya pakinggan. Tumalikod ako at nagpatuloy sa paglalakad. Pfft. Sino ba siya para diktahan ako kung ano ang dapat kong gawin? Wala akong pakialam kahit patayin pa ako ng kung anong hayop dito. Besides, ano pa ba ang rason ko para mabuhay sa mundong ito? Oh yeah, si mama nga pala. But no, meron na siyang Stefan, and I guess hindi niya na ako kailangan.

"Miss." Halos mapatalon ako sa gulat nang kalabitin ako ng lalaki na nasa kotse kanina.

"Look," sabi ko. "I had a really bad day today. 'Wag ka nang dumagdag."

Fang FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon