13

284 6 0
                                    

"Well, well, well. Pinagkakaisahan niyo ba talaga ako?" Natatawang tanong ni Eric. Pero halatang medyo kabado sa tono nito.

Hindi pinansin ni Ash ang tanong nito. Sa halip ay kwinelyuhan niya ito't pinanlisikan ng mga mata. Kaya naman agad na napabitaw ito sa pagkahawak kay Allison.

"Fvcking bastard," Ash muttered.

Humalakhak lang si Eric.

"Let him go. Pwede namang idaan sa usapan, Ash," ani ni Matthew.

Ash threw his gaze at Matthew.

"Umalis ka sa harapan ko. Hindi ko kailangan ang opinyon mo," inis na sabi ni Ash.

"Ash," ani ni Allison. "Kumalma ka."

"Oh so ngayon kinakampihan mo na yang mokong na yan?!?" Sagot ni Ash.

"'Wag lang natin paguluhin ang sitwasyon. Please lang." Pagmamakaawa ni Allison.

Huminga si Ash nang malalim at tila ba medyo napakalma ng maamong mga mata ni Allison.

"Allison, hindi talaga 'to titigil 'pag di ko tinuruan ng leksyon. Nakakalimutan mo na ba ang mga pinagagagawa nitong hayop na 'to sayo? Muntik ka n'ang gawan ng masama!"

"Ash," ani ni Allison. "Kapag inulit niya pa, ako na mismo ang magrereport sa kanya sa pulis. Kaya naman ikaw Eric, pasalamat ka nga't pinatawad kita nung junior high school days natin kasi kung hindi, baka nabubulok ka na ngayon sa kulungan."

Patago namang napangiti si Matthew sa rebuttal ni Allison habang si Ash nama'y ginulo ang sariling buhok sa frustration.

"Bahala ka nga Allison. Ang tigas kasi talaga ng ulo mo. Di ka pa rin nagbabago," sagot ni Ash.

Binitiwan nito si Eric na agad tumakbo papalayo. Tila ba takot na takot ito na halos wala nang nasabi matapos ang sagutan nina Ash at Allison.

"See? Natakot din siya sa banta ko," pagmamalaki ni Allison.

"Yan din ang eksaktong sinabi mo sa kanya nung time na kinulong ka niya sa classroom at halos hubaran ka na niya. Pasalamat ka't napadaan ako doon dahil kung hindi, napatay ko sana yun," sambit ni Ash.

Allison rolled her eyes in annoyance. "Whatever. I'm going home."

"Take her home," ani ni Matthew.

"At sino ka naman para utusan ako?" Inis na sagot ni Ash.

"Okay then. Ako na lang kung ayaw mo."

"Kahit hindi mo ako utusan, talagang ihahatid ko siya pauwi. Kasi yun naman talaga ang kinagawian namin. So just get out of the way."

Ash immediately dragged Allison out of the scene, leaving Matthew with a smirk forming on his face.

________________________________

"Please! Parang awa mo na! Hindi ko na uulitin!!!"

"Awa? Wala ako n'un."

"Tama na please!!! Hindi ko na kaya!!! Magbabago na ako!"

"Oh please. Ilang beses mo na ba yang sinabi? Twice? Thrice? Oh I couldn't even count. You said you'd change, but you didn't. Instead, you've gotten worse. You think you're tough? No. You're that same stubborn little son of a bitch."

"PARANG AWA MO NA!!! PAKAWALAN MO NA AKO!"

"And you know what I do to people like you?





...I kill them."












Yep. Medyo maiksi yung part na 'to.😅
See y'all in the next chapters!

♡cptnleilala

Fang FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon