20

278 5 1
                                    

So before anything else mga minamahal na readers, gusto kong mag-sorry kasi very inactive ako dito sa Wattpad lately. Alam ko namang dumadami na din talaga ang readers ng story na ito (tho di ko in-expect), and I'm very thankful for that. Akalain mo yun?

Road to 5k reads na! Yun ay dahil sa tulong ninyong lahat. Sobrang busy lang talaga ako sa school these past few days. Anyways, babawi ako sainyo ngayong bakasyon hehehe.  Plano ko ngang magpa-giveaway ng konting gifts pag naka-abot ng at 7k reads itong Fang Factor (Tagalog Version) bago magbagong taon huehuehue. Basta stay tuned na lang. Maga-announce na lang ako ^_^

Nga pala, kung mapapansin niyo, tinanggal ko yung chapter names kasi hindi na ako natutuwa hahahaha charot lang! Naco-cornihan na kasi ako sa mga naisip kong titles na yun like wtf? Ganun na ba ako ka-corny gumawa ng cringey titles? Don't worry, ibabalik ko nalang yung chapter titles once naka-isip ako ng better ones.

So, without further ado, let's begin flipping the page to chapter 20!

_________________________


Allison's POV

Magdadalawang oras na kami dito sa women's department at hanggang ngayon ay wala pang napipiling damit si Treena. Nakailang balik na din siya sa fitting room at ni-isa sa mga sinuot niyang damit ay hindi man lang siya nakapili. Kanina pa ako nakaupo dito sa labas ng fitting room. Si Ash naman ay pinagtitripan na ang mga damit dito dala ng kainipan. Pinabili ko naman ng inumin si Matthew and for sure pabalik na din yun any time soon.

"How 'bout this?" Lumabas si Treena sa fitting room suot ang pulang palda at laced black top. And so far, sa lahat ng mga napili niya'y ito ang pinakamaganda para sa akin.

Well, I don't know. Baka dala din lang ng boredom at kainipan ko kaya  nagawa kong i-appreciate ang suot niya. Di ko trip ang mga ganoong klaseng mga damit kasi napaka-girly. Bagay lang talaga kay Treena dahil sa pangangatawan niya.

 Bagay lang talaga kay Treena dahil sa pangangatawan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang ganda. Bagay sayo," sagot ko sa kanya.

"Eyyy ilang beses mo na yang sinabi today eh."

"Magaganda naman talaga yung mga sinuot mo kanina. Lahat naman bagay kasi pang-model ang pangangatawan mo. Sadyang nagustuhan ko lang yung pagkaka-fit ng damit na yan sayo compared sa kanina."

Ngumiti na parang anghel si Treena. "OMG really?!"

"Mukha ba akong nagsisinungaling?"

"Hindi, but I want you to try this one first."

Sinensyasan niya ang saleslady. Hindi ko alam kung para saan pero tumango ito at nagmadaling pumunta kung saan. Ilang sandali lang ay bumalik ito dala-dala ang isang sleevless red wine-colored dress. Maihahalintulad ang figure ng dress sa drops of blood dahil sa extended laces sa back part nito. Mas maikli ang front part at may itim din na belt na may maliliit na pulang crystals sa waist line. And  cannot deny the fact na na-attract ako sa dress. Hindi ko nga lang pinahalata dahil alam ko nanaman ang plano nitong si Treena, and for sure ay hindi ng-hindi ito magpapapigil.

Fang FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon