32

71 2 0
                                    

Allison' POV

The look on his eyes were a lot more different than the last time I saw him. Alam kong hindi si Ash ito. Hindi ito ang normal na Ash na nakilala ko. He's in there somewhere. But the vampire in him is trying to suppress the real him.

Hindi ako kumilos. Bagkus ay nakipagtitigan ako sa kanya, as if I'm trying to read him. I know I shouldn't, but I somehow did. Oras na takasan ko siya, hindi ko na muling makikita pa ang best friend ko.

He was looking at me like I was some kind of meal to him. But neither of us dared to flinch. Not one bit. Not until someone barged in.

Nilampaso nito ang mga natitira pang bampira sa paligid. Walang itinira maliban sa amin ni Ash.

"Allison?"

That's when Ash turned to face him.

"Matthew watch out!"

Sa isang iglap lang ay sinunggaban ni Ash si Matthew. Nadepensahan naman niya agad ang sarili niya, subalit hindi siya tinigilan ni Ash. Nanlilisik ang mga mata nito habang pinagbababalibag si Matthew. He wanted to kill him.

Hindi naman sumuko si Matthew. Imbes na gumanti pabalik, ilag lang ito nang ilag. This time, they were definitely going in circles.

Maya-maya ay napansin kong tila ba'y bumagal ang kilos ni Ash. To the point that he couldn't catch up on Matthew anymore. Humina na din ang mga atake niya. Yung para bang nawalan ng enerhiya.

That's when I realized na pinapagod lang pala ni Matthew si Ash.

Ash is a newly bloomed vampire. Wala pa siyang kontrol sa lakas at abilidad niya. That's why it's highly possible na manghina pa siya lalo na't wala pa siyang nainom na sapat na dugo ng tao.

Halos mapatalon naman ako nang bumagsak bigla si Ash sa sahig. Wala na itong malay. Kaya naman agad ko itong nilapitan.

"ASH!"

"Are you okay, Allison? Are you hurt somewhere? I'm so sorry." Lumapit si Matthew at inalalayan akong makatayo.

"I'm fine, Matthew. Si Ash, magiging okay lang ba siya?"

Tumango ito. "He'll wake up soon. But before that, kailangan na muna nating makaalis dito. It's still not safe here."

Sumang-ayon ako sa sinabi niya. Kaya naman dali-dali niyang binitbit si Ash sa likod niya. "Come on. Let me carry you."

"'Wag na. Kaya ko naman maglakad."

"You wouldn't be able to catch up with my speed. Besides, we must hurry up now."

Hindi naman na ako umangal pa. Hinayaan ko na lamang siya na iangat ang katawan ko at bitbitin ako. But when he began leaving the scene, I almost hitched a breath sa sobrang bilis ng kilos niya. Dinaig pa ang bullet train.

Ilang saglit lang ay nasa exit na kami ng building. Subalit bigla akong nagtaka nang bumagal si Matthew ng takbo noong papalapit na kami sa isang pamilyar na kotse.

"Matthew? Is everything okay?" Tanong ko.

Ibinaba niya kami ni Ash nang nasa tapat na mismo kami ng kotse. Inikot niya ito. Tinaggal niya ang itim na leather gloves niya at hinawakan ang sasakyan.

"Kotse ito ni mom," mahina kong sabi.

"They must've took her," seryosong sabi ni Matthew. "Ate Krista, Treena and her."




Marami pang chapters na nakaabang! So stay tuned!

♡cptnleilala

Fang FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon