1

2.2K 45 4
                                    

Nakatitig nanaman sa kawalan si Allison Redberry sa oras ng Biology class. Masyado kasing preoccupied ang utak niya sa kung kailan maglalabas ng second edition ang paborito niyang vampire novelist. Excited dahil sa gusto niyang lumawak pa ang kaalaman niya tungkol sa mga nilalang na ito.

Para kasi sakanya , napaka-interesting ng usaping ito kahit na maraming di naniniwala. Hindi totoo o kathang-isip lamang daw. 'Yun sabi ng karamihan.

Mali sila, ang kadalasang sinasabi ni Allison sa sarili.

Sa katunayan, hindi nga sakanya sapat ang mga nababasa niya't napapanood lamang na tungkol sa Vampires dahil alam niyang wala iyon sa kalingkingan ng kung ano talaga sila if you see them face to face.

She's a curious young lad who spent almost five years of her existence para lang mangalap ng impormasyon tungkol sa mga ito...

...just to see the vampire herself.

Nagsimula kasi ang curiosity niya n'ung thirteen pa lamang siya...

Flashback

Abala ang pamilya Redberry para sa thirteenth birthday ni Allison, habang siya nama'y nakatunganga lang at nakatanaw sa bintana ng kanyang kwarto. Naghihintay na lang siya na tawagin para simulan na ang party.

Bored siya kasi walang ibang batang imbitado sa party niya except kay Ash, ang nag-iisa niyang kaibigan na nakatira lang blocks away from their house. Hindi kasi siya pwedeng masyadong ma-expose sa napakaraming tao.

Dahil sa kumplikasyon ng baga niya,  di pwedeng masyadong mapagod. Marahil iyon ang dahilan ng overprotectiveness ng parents niya.

But she's grown sick and tired of it.

"Hey Allison!"

Lumingon siya sa kung saan nanggagaling ang boses.

At tama ang hinala niya.

Si Ash Black nga.

Ang nag-iisang batang lalaki sa street nila.

Kaibigan kasi ng mga magulang ni Allison ang single mom ni Ash, kaya naman siya lang ang nag-iisang kalaro ni Allison tuwing weekends at kung wala silang pasok.

Ash had the same hazelnut eyes as hers. Tulad nga ng pangalan niya, mala-ash brown din ang kulay ng buhok niya. Halos magkasing tangkad lang sila kahit ahead ng one year si Allison sa kanya.

"Oh, ano'ng ginagawa mo dito? Di ba sabi mo busy kang maglaro ng PSP mo?" pang-asar ni Allison na muling ibinaling ang atensyon sa labas ng bintana niyang overseeing sa kakahuyan na walang hanggan ang kalalaliman.

"Kaya nga. Kaso sabi ni mom at tita, puntahan raw kita dito kasi balita ko nabubulok ka na daw," pabiro namang sabi ni Ash.

"Whatever," kunwaring mataray na sambit ni Allison. "Why don't you just go back downstairs and stick your eyeballs on that PSP of yours?"

Naupo si Ash sa tabi ni Allison at kinurot ang ilong niya nang pabiro, "Kailan ka pa naging mataray, huh, Ms. Redberry?"

"Simula pa nang pinanganak ako, so will you just please leave me alone?"

"Ano ba kasi'ng tinitingnan mo diyan?" sumilip din si Ash sa kung saan nakabaling ang atensyon ni Allison.

"Iniisip ko kung magpapakamatay ba ako o tatalon ako mula dito pababa."

Nangunot ang noo ni Ash at ginulo ang buhok ni Allison in a friendly manner,"Baliw! Parehas din lang yun!"

"Magkaiba kaya."

Fang FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon