10

331 7 0
                                    

Another bitin chapter y'all✌

______________________________

"What?" May konting pagkairitang tanong ni Ash.

Matthew moved closer to make an eye contact with Allison, almost making her understand to just go with the flow.

"She was with me last night," inulit ni Matthew.

Nanlalaki ang mga mata ng mga kaibigan ni Allison, kahit si Allison mismo.

"Matthew," saway ni Allison.

Ash gritted his teeth and immediately grabbed Matthew with the collar of his shirt. "Anong ginawa mo?" Madiin at seryosong tanong nito.

Matthew only answered him with a smirk. Kaya naman mas napikon pa si Ash at hinigpitan pa ang pagkahawak sa collar. Sinubukan namang pigilan ng mga nasa paligid nila si Ash pero hindi talaga nagpaawat.

"Sumagot ka!"

"Ash, tumigil ka na! Wala naman siyang ginawang masama!" Sambit ni Allison while contemplating whether to tell them the truth or not.

Siya ang nagsimula ng gulong 'to. Siya dapat ang tatapos. Hindi na dapat nagsalita pa ang mokong na 'to eh! Sabi ni Allison sa isipan niya.

"I didn't know driving someone home safely is already a heinous crime to you," biglang sabi ni Matthew.

Medyo nag-loose ang grip ni Ash kay Matthew.

"Anong sinasabi ng mokong na 'to Allison?"

Tama nga naman si Matthew. Hindi naman kasinungalingan ang sinabi niya. Hinatid nga naman siya ni Matthew sa kanila nang gabing iyon. Ligtas. Walang galos. Buhay.

"Nagsasabi siya ng totoo," sagot ni Allison.

This time, binitiwan na ni Ash si Matthew.

"Then why didn't you tell us?" Tanong ni Treena.

"My mind was a mess that time. Matthew just found me walking along the streets kaya pinasabay niya na lang ako at hinatid pauwi. Yun lang yun."

Huminga nang malalim si Ash bago naglakad palabas nang walang sinasabi.

"Ash, wait lang!" Sigaw ni Allison. Hinabol nya ito.

Naiwan naman si Treena at Matthew. May kakaunti ding mga estudyanteng gulat pa sa pangyayari. Pinakalma namam sila ni Treena, telling them na ganun lang talaga si Ash at pagpasensyahan na muna. Nakiusap din siyang sana walang magsumbong sa guidance office.

"I'm sorry about that, Matthew," sabi ni Treena.

"It's fine. I understand," simpleng sagot ni Matthew at bumalik na sa upuan niya.

"See you around then," sabi ni Treena bago lumabas sa classroom at habulin ang dalawa pang kaibigan.

___________________________

Nakaupo si Ash sa isa sa mga benches ng school grassfield nila habang hawak ang phone niya. Busy ito at tila nasa sariling mundo habang nilalaro ang online game na kinaa-adikan niya.

"Ash, hear me out please," pakiusap ni Allison na ilang minuto na ding naghihintay sa tabi ni Ash para kausapin siya. "I just wanted some alone time para makapagisip-isip ako. I didn't mean to make you guys worry."

"Allison, the point is that sana hindi ka basta-basta nagtitiwala kung kani-kanino. Hindi ba't binalaan na kita tungkol kay Matthew? He's bad news, Allison. I hope you won't trust him that easily. I'd really appreciate it if you take my advice."

Tumayo ito at naglakad na papalayo.

Allison's POV

I wanted to tell them what really happened pero hindi pwede. Lalo lang sila maga-alala. They might even think na nababaliw na ako dahil sa obsession ko sa vampires. Now that I think of it, base sa na-experience ko...the sudden vampire encounter...I don't know if I should trust them anymore. I'm having second thoughts. Mapagkakatiwalaan nga ba ang mga bampirang ito? Bumalik nga ba si Matthew para makasama ulit ako? Or does he have any other intentions?




Bitin? I know...shhhhh

♡cptnleilala

Fang FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon