15

308 6 0
                                    

Allison's POV

The night was freezing. The street lights flickered in purple and blue of sorts. And unlike any of our usual rides, Ash was quiet as an ant. Buong biyahe namin, wala siyang kibo. Ang awkward ng atmosphere dito sa loob ng sasakyan, and the silence was suffocating.
Wala din si Treena ngayon para sumabay sa amin pauwi kasi may appointment siya with her dentist. So it was just Ash and I. Pero hindi ganito.
Alam kong galit siya pero never ko pa siyang nakitang ganito. Never niya pang in-ignore ang existence ko kahit pa may hindi kami pagkakaintindihan. I tried to talk to him habang nasa biyahe, but he did not respond. And it just saddens me.

Binuksan ko ang pintuan ng kotse niya para lumabas na't nakarating na kami sa bahay.

"Wait."

Sa wakas at nagsalita na din 'tong mokong na 'to.

"Akala ko ba hindi mo na ako kakausapin? Parang kanina lang, pinagmukha mo akong tanga. Nagsasalita ako mag-isa tapos di mo man lang sagutin yung mga tanong ko?"

Once again, hindi siya nagsalita. Instead, he pulled me in for a hug that I actually needed. And Ash, my best friend was the only one who could pull out that kind of hug.

"Na-miss ko 'to," sabi ko. "Na-miss ko yung hugs ng best friend ko."

Then, he quickly pulled away from the yakap. He gave me a smile. A small one.

"Allison, andito lang kami para sayo no matter what happens. You know that, right?"

Tumango ako.

He, then, nodded back at me and immediately went back into his car.

______________________________

"SABIHIN MO SA AKIN, NASAAN SIYA?!? NASAAN ANG KAPATID MO?!?" Pagdidiin ng lalaking nagmamay-ari ng nakakairitang boses na tila ba pinipilit yung pagkapaos.

"I-I can't tell you that."

"DON'T YOU DARE LIE TO MY FACE. I'LL GIVE YOU THREE DAYS, KRISTA. ORAS NA HINDI SUMUNOD SA USAPAN YANG KAPATID MO, YOU KNOW THE CONSEQUENCES."

"H-Hindi niya kayo bibiguin. I'm sure of that."

Nakahinga naman ng malalim si Krista nang bitiwan ng lalaki ang leeg niya.

"Siguraduhin mo lang. Don't make me come back for your punishment, Krista. I want that human in our den within three days. That's all I can give you." Sabi ng lalaki bago tumalikod at bigla nalang nag-disappear into thin air.

_____________________________

"Ano nanaman ang ginagawa mo dito?" Naiiritang sabi ni Allison kay Matthew na kumportableng naglalaro ng phone niya sa kama ni Allison.

Hindi ito sumagot. Nagpatuloy lang ito sa paglalaro.

"Hoy. Alam mo bang trespassing na yang ginagawa mo??? Pwede kitang kasuhan"

"Pwede pero alam kong hindi mo naman gagawin," maiksi nitong sabi bago tumalikod at naglaro pa din.

Napabuntong-hininga si Allison at agad na hinila si Matthew paalis ng kama niya. "Hindi tayo close na basta-basta ka na lang pumapasok sa kwarto ko without my permission. Now get out."

"You do realize na kahit paalisin mo ako dito, babalik at babalik pa din ako, diba?"

Allison sighed in annoyance. "I'll call the police then."

"Okay, but you do know that I can do this---"

And before Allison knew it, he turned into thin air again, touching her face in his icy cool air form.

"Bakit ba ginagawa mo 'to? Can't you just leave me alone?"

He came back again in his human form.

"Nope. I need to protect you. That's why I'm beside you 24/7."







Sorry. I need to cut it from here. *Yawns* I need some sleep. Antok na ako mga pare. May pasok pa tomorrow.

Love y'all.

Sincerely,
cptnleilala

Fang FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon