17

269 5 0
                                    

Allison's POV

Lutang ako nang makarating kami sa parking lot ng school. Pano naman kasi, itong si Matthew, pinaharurot ng takbo yung motorsiklo niya! Walang hiyang kaskasero 'to!

"Woah, woah, woah, careful," ani niya ng muntik na akong madapa dahil sa hilo.

"Bwiset ka! Nahilo ako dun sa pagpapaharurot mo ng motor. Alam mo namang ang daming twists and twirls sa daanan eh."

Inalalayan niya ako habang naglalakad kami. Madaming nakatingin sa amin pero binalewala ko lamang iyon because I couldn't get myself together. It was my first time riding a motorcycle like that.

"I'm really sorry," ani nitong si Matthew.

"Hindi na ako ulit sasakay dun. That'll be the last."

"Don't worry. I'll bring my car next time."

I rolled my eyes at him. "There will be no next time,"mabilis kong rebuttal bago ako mabilis na naglakad papalayo sa kanya.

Sinong hindi maiinis sa isang bampirang nagb-barge in na lang bigla sa kwarto mo at bigla ka nalang ihahatid sa school na ipinahaharurot ang isang sizzling hot motorcycle niya? Oo na, bet ko talaga yung motor na yun! But damn! I was scared to death!

"Hey," oh come on. "Look, I'm really sorry. I didn't mean to scare you like that."

Hindi ako sumagot.

"We'll talk later," sagot ko sa kanya."Late na tayo."

___________________________

Mabilis na natapos ang marathon of lessons sa klase nina Treena. And before they knew it, nag-ring na ang bell, signal na break time na. Agad namang tumayo si Treena at nag-stretch ng kanyang mga braso na tila ba kakagising lamang.

"Aww shoot. Stupid calculus sucked my brain out!" Bulalas ni Treena.

Sa kalagitnaan ng senaryong ito ay lumabas na din si Ash na walang sabi-sabi sa best friend niyang si Treena. Halata pa din ang pagka-badtrip nito.

Nahuli naman ng mga mata ni Treena ang paglabas ng kaibigan mula sa classroom nila, kaya naman agad-agad niya itong sinundan.

"Hey Ash!"

Ni hindi ito lumingon.

"Hey, alam kong you're in a bad mood. Pero pansinin mo naman ako uy."

Hindi pa din ito sumagot. Bagkus ay nagpatuloy lamang ito sa paglalakad.

Sinundan na lamang ito ni Treena hanggang sa makarating sa cafeteria at naupo sa favorite spot nilang magb-bestfriends.



"Tingnan nga natin kung talaga bang tinalikuran na tayo ni Allison para sa baguhang yun," biglang sabi ni Ash.

Natawa naman si Treena sa sinabi nito. "Oh Ash, you do realize that you're overreacting right now, right?"

"That bastard must've done something to lure Allison. Alam mo namang hindi palakaibigan si Allison sa ibang lalaki di ba? Plus, nakalimutan mo na ba yung unang beses niyong maka-encounter yung Matthew na yun? Hindi ba't si Allison agad tinarget niya? Oh don't be such an idiot, Treena."

"Well, may point ka nga dun. Pero hindi mo naman kailangang ma-badtrip buong araw dahil lang sa ganung bagay."

"This is a serious matter, Treena!"

"And by means of seriousness, we mean you, actually, are now indirectly and unconsciously professing your true feelings for Allison," Treena said with a smirk.

"That is absolutely wrong. Nag-aalala lang ako para kay Allison. You know I'd do the same if you were in the same situation as hers."

Treena sighed. "Okay then. Tinext ko na din si Allison. She'll come."

Tumango si Ash. "I'll go get some food."

______________________________


"Matthew, hindi mo naman ako kailangang samahan sa cafeteria. Sina Ash and Treena lang naman ang nandoon. I'll be fine," ani ni Allison.

"Hindi natin alam kung kailan sila aatake, Allison. Mabuti na ang sigurado," sagot ni Matthew.

Napabuntong-hininga naman si Allison. "Okay, fine. Just don't do anything reckless."

"Says the one who actually broke into the dangerous lair of vampires."

Inirapan na lamang ito ni Allison at agad na binuksan ang pinto ng cafeteria kung saan agad na natutok ang atensyon sa kanila. Marami ding kumuha ng litrato. Tulad ng entrada nila kanina sa parking lot, madami ang napatingin. Iba-iba ang mga reaksyon at opinyon. Binalewala na lamang ito ni Allison sapagkat sanay na siya sa mga masasamang comments tungkol sa kanya.

Nagpatuloy nalang siya sa paglalakad. Nakabuntot lang si Matthew sa kanya habang papunta sa table nina Treena.

"Allison," naka-cross ang arms ni Treena at nakataas ang isang kilay. "Explain."

"Okay whoa, why does it feel like I'll be on a hot seat today?"

Naupo si Allison habang si Matthew naman ay nakatayo lamang sa tabi niya.

"So he's like your new personal body guard now?" Pagtuturo ni Treena kay Matthew.

"Umm...sort of," awkward na napangiti si Allison.

"Maupo ka nga, Matthew," sabi ni Treena.

Ngumiti si Matthew at agad na umupo sa tabi ni Allison. "Thanks."

"So--"

Napahinto sa pananalita si Treena nang biglang dumating si Ash at malakas na ibinagsak ang tray ng pagkain sa table.

"Oh? Why are you here? Akala ko ba nakalimutan mo na kami?"

Allison suddenly burst into laughter.

"Oh my gosh, Ash! What's with that face?"

"Whatever. I lost my appetite."

Paalis na sana si Ash nang bigla siyang tawagin ni Matthew.

"Hey Ash."

Huminto siya sa pwesto niya.

"Can we talk?"

Naglakad si Ash paalis sa cafeteria at agad naman itong sinundan ni Matthew.

"I'll be back."







Omg I really suck at writing in Filipino. Patawarin mo sana ako, ginoong Manuel L. Quezon! Oh diba? Bet! Kabisado ko buong pangalan mo hahahaha. Anyways, sana nagustuhan niyo! I'll be back to feed you guys with more chapters!

♡cptnleilala

Fang FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon