25

200 3 0
                                    

"Mom?" Ani ni Allison habang mahigpit na nakakapit sa phone niyang nakalagay malapit sa tenga. May pag-aalangan at takot sa tono ng boses niya na agad namang nahalata ni Victoria.

"Allison? Are you okay? Nasan ka na? Kanina ka pa namin hinihintay."

Napakagat si Allison sa lower lip niya at ibinaling ang tingin kay Matthew na isa ding binabalot ng pag-aalala.

"I'm on my way, mom," simpleng sagot ni Allison at agad ding ibinaba ang kanyang phone.

"Allison, I won't let you go in there alone," nag-aalalang sabi ni Matthew. "Delikado."

"Mas delikado kapag sumama ka pa sa akin," sagot ni Allison. "I'll be fine, Matthew. Just wait for me outside."

"Pero Allison--"

"Please don't follow me," mariing sabi ni Allison na agad namang naglakad sa pulang velvet na nakalatag sa sahig, leading to a big doorstep.

Huminga siya nang malalim habang hawak ang ginintuang door handle. She gathered up all the courage she could muster before finally deciding to open it up.

Bumungad sa kanya ang isang malaking hall na puno ng mga pula at itim na mga palamuti. Naglalakihan din ang mga ginintuang chandeliers sa mataas na kisame. Napansin ni Allison na walang mga upuan o mga lamesa man lang. Ang tanging upuang nakita niya ay ang higanteng gintong upuan sa unahang bahagi ng malaking silid.

"You look stunning, Allison," ani ni Victoria na agad lumapit kay Allison.

Medyo nabawasan ang kaba ni Allison mula sa mga titig ng mga taong nasa loob na tila ba'y isa siyang masarap na hapunan. At tulad ng mga mata nila, plus pula ang mga suot ng mga bisitang nakatayo sa kaliwa at kanan ng red carpet na kanyang nilalakaran.

"Mom," kinakabahang sabi ni Allison. "Are they really what I think they are?"

Tinitigan ni Victoria si Allison ng may pag-aalala, subalit walang lumabas na salita mula sa bibig nito.

"Say it," narinig ni Allison ang isang hindi pamilyar na boses. "What are we, Allison?"

"Mom, what's going on?"

Napayuko si Victoria. "I'm sorry, Allison." At agad naglakad papalayo sa kanya.

Napakunot-noo si Allison at agad ding tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. "Mom! 'Wag mo akong iwan dito! Please!" Pagmamakaawa niya.

"Oh dear, oh dear," lalong lumakas ang hindi pamilyar na boses na tila ba'y mas lumapit sa kung nasaan si Allison.

Inikot ni Allison ang tingin sa loob ng silid. She wondered if that voice came from one of her 'guests'. Pero ni-isa sa kanila'y walang imik. Alam ni Allison na kanina pa siya gusto tikman ng mga ito. Ang mga bampirang ito.

"Who are you?" Kinakabahang sabi ni Allison.

Agad namang nagsitaasan ang mga balahibo ni Allison nang biglang may dumaan sa kanyang napakabilis at napakalamig na hangin. Inakala niyang si Matthew ito. Subalit iba ang vibe ng isang ito. Bad news.

"Mom! Nasan ka?" She attempted to take a few steps towards the direction where her mom disappeared into. However, another spine-freezing flash of wind made her halt.

"Sit down on that chair that we prepared for you. Now," sabi ng boses.

"Why don't you just show yourself?" She challenged.

Isang malakas na halakhak naman ang isinagot ng boses. "Hmmm...feisty. I like it."

"If you're gonna kill me, just do it. Just promise me that my mom is safe," ani ni Allison.

At isa nanamang dumadagundong na halakhak.

______________________________

Hindi mapakali si Matthew na pabalik-balik na naglalakad sa labas ng malaking silid. Binabalot siya ng matinding kaba at pag-aalala para kay Allison. Sinabi niya sa sarili niyang oras na maramdaman niyang nasa panganib ang dalaga, hindi siya magdadalawang isip na sumugod sa loob ng silid para isa-isang puksain ang lahi ng Russian vampires ni Reneé Levoszky.

"Are you just gonna stand there and do nothing?"

Agad napalingon si Matthew mula sa kinaroroonan ng boses.

"Ate Krista?" Sabi niya. "Treena?"

Agad na lumapit si Krista sa kapatid at pinitik ang noo ni Matthew. "I can't believe you let her in there alone!"

"She told me not to follow her," pagdadahilan ni Matthew. "But I promised myself I'd storm in there and tear them all to pieces if they'd do something to her."

"She'll die in there," sabi ni Krista.

Papasok na sana si Matthew nang bigla siyang pigilan ni Treena.

"Wait," sabi nito.

Matthew gave her a questioning look.

"If you see Ash in there, please spare his life," pagmamakaawa ni Treena.

"Of course I'll save his life," sabi ni Matthew. "Wait. He's in there? But how?"

Lumapit si Krista at tiningnan si Matthew nang direkta sa kanyang mga mata.

"He's Reneé's true heir."





Malapit na ang katapusan. A few more pages and we're done! Magpapasalamat ulit ako sa lahat ng sumusuporta at sumusubaybay sa libro kong ito. I couldn't gather up the courage of updating and publishing more chapters if it weren't for y'all. Again, thank you so much and I hope to meet y'all until the very last page of this novel.

Love,
CPTNLEILALA

Fang FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon