36

85 1 0
                                    

Allison's POV

Sinundan namin si Matthew sa di kalakihan at lumang gusali. Medyo kalawangin na ang pintuang pinasok namin.

Tambak na mga lumang papel at sirang desks ang agad na bumungad sa amin. May iilan ding defective office swivel chairs na pakalat-kalat.

Hindi na ako magtataka kung gabi-gabi'y namimyesta dito ang mga daga't ipis. Saksi ang mga nginatngat na papel kung sakali man.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa tapat ng lumang elevator. At first, I was hesitant to take a step in it. But I had to do it, so yolo.

I bit my lower lip in all nervousness.

"'Wag kang mag-alala. Ligtas 'tong sakyan," narinig kong bumulong si Matthew sa akin.

Tumango ako.

"Ground floor, please," sabi ni Matthew.

"Ground floor na 'to, 'di ba?" Tanong ni Ash.

Sinagot siya ng mapaglarong ngisi ni Matthew. "Or so you thought."

Nang nagsimulang umandar ang elevator, biglang kwinelyuhan ni Ash si Matthew.

"Enough with your guessing games, Matthew," inis na sabi nito.

The guy just chuckled in reply.

And before I knew it, we have already reached our destination. There was a beeping sound before the doors opened for our exit.

"Ash," I warned, glaring at him.

Binitawan naman agad ni Ash si Matthew nang magsalubong ang mga mata namin.

"Maligayang pagdating, aking mga panauhin."

Mabilis na nagtungo ang aking mga mata sa pamilyar na lalaki sa aming harapan.

"Mr. Rector?"

"Diba teacher mo siya?" Tanong ni Ash

Whaaaat? Yung boring biology teacher ko?

"Ms. Redberry." He acknowledged my presence.

Habang naglalakad kami patungo sa isang malawak na room ay pinagbabato ko ng mga katanungan si Matthew at Mr. Rector.

"Okay, how? What? Why? When? Where? Can someone please give me good a explanation 'bout this."

"Matthew Maxwell is a great friend of mine," nakangiting sabi ni Mr. Rector. Not the usual poker-faced biology teacher.

"Alam niya ba ang tungkol sayo?" Bulong ko kay Matthew.

"He's one of us," sagot nito.

Okay. What. The. Heck.

Naupo kami sa matte black couch sa loob ng malaking espasyo. Malayo ang pinagkaiba ng room na ito kumpara sa nadaanan namin kanina. This is far more clean, sophisticated and minimalistic.

Walang gaanong disenyo. Tanging ang personal belongings at furniture lamang ang bumubuhay dito. Pansin ko ding walang ni-isang bintana sa silid na ito. And it somehow made me feel some kind of suffocation.

"Have some tea," sabi ni Mr. Rector nang ilatag niya ang isang maliit na teapot sa ibabaw ng wooden center table.

"Thanks," mahina kong sabi.

"Naihanda na din ang mga kwarto niyo," ani ni Mr. Rector.

"Thank you so much for your help, Mr. Rector," pasasalamat ni Matthew.

"I knew so much about vampires yet I failed to recognize one that's right in front of me all along," sabi ko. "I guess I have yet to learn more about you guys."

"Mukhang marami ka pa ngang dapat alamin tungkol sa amin," natatawang sabi naman nito.

Ibinaba ko ang teapot at nagpasyang itanong na ang kanina ko pang dapat itinanong sa kanya.

"Mr. Rector, may I ask you something?"

"Sure."

"Naaalala mo pa po ba yung issue kay Kendra? Yung tungkol sa bangkay na nakita niya?"

"Mhmm. What about it?"

"I believe you know exactly what I'm trying to say. You avoided a lot of my questions that day."

He sighed. "It was only natural for vampires like us to hide our real identity."

"So was it you?"

"Allison," nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Matthew nang ipatong niya ang kamay niya sa kamay ko.

"Hayaan mo siya, Matthew," may pagbabanta naman sa mga mata ni Ash.

I chose to ignore the tension between the two and decided to continue my query with Mr. Rector. My curiosity is killing me.

"Ikaw ang may gawa n'un, hindi ba? Ikaw ang nagtago ng bangkay sa locker room. It was your victim, am I right?"

Hindi nakasagot si Mr. Rector dahil si Matthew na mismo ang sumagot sa mga katanungan ko.

"Hindi si Mr. Rector ang may gawa n'un. It was the elders' form of warning. That time, they already had an idea where the heir was. So they killed and left that girl's body in the locker room knowing that vampires like us will easily notice."

"Bakit nawala ang bangkay nang ganun kadali?"

"It was me," sagot ni Matthew. "Dinispatsya ko na ang bangkay bago pa man kayo makarating dun."

"And the poor deer on my thirteenth birthday party?" Tanong ko. "Ikaw ang may gawa nun?"

He nodded.

"So ikaw nga ang stalker ni Allison na hindi ko mahuli-huli," Ash scoffed.

"Ginawa ko lang naman yun para protektahan siya--"

"Blah, blah, blah. Lahat naman ng lumalabas sa bibig mong yan ay purong ka-cornihan at kabaduyan. Yan lang ba ang nasa bokabularyo mo?" Sagot ni Ash.

Pansin ko ang pagtitimpi sa mga mata ni Matthew. Mataas ang lebel ng patience ng isang 'to. Kasi kung hindi, malamang matagal na sila nagpatayan ni Ash, without me even knowing.

Hindi nito pinansin ang pang-iinsulto ni Ash, bagkus ay binago na lamang nito ang usapan.

"Tingin ko, kailangan na muna nilang magpahinga," sabi niya. "Can you lead us to our rooms now?"

Tumango si Mr. Rector.

Nagulat ako nang biglang nagbukas ang pintuan at lumantad ang isang pamilyar na mukha.

Wait. Sino nga ulit ito?

"Miguel!" Nakangiting sabi ni Matthew.

Oh, right. Siya yung bampirang nagligtas sa akin sa old village namin.

Pero hindi ba't patay na siya?

"It's nice to see you again, Ms. Redberry."









Natagalan ba masyado ang update? Huehuehue. Sorna :<

♡cptnleilala

Fang FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon