CHAPTER 10

3 1 0
                                    


And suddenly, I realized that regrets comes at the end.

It was two weeks already after my sister's wedding, and I saw my ex for the first time. Tangina! Masakit pala talaga na makitang masaya na siya sa iba, masakit malaman na may mahal nang iba ang taong mahal mo. For almost 6 years, I always hope that it was still me, but then I'm not.

I sighed as I answered my lanline. Gusto ko pa naman sanang magpahinga muna pero mukhang may magpapadesign na naman ng outfit nila.

"Sammie Fonseca, speaking." I said.

"Sammie, this is Director Choi of AXZ Company. I heard about your designs and I would like to promote it, what can you say?" hindi na ako nagulat sa sinabi ni Sir Choi. Well, marami na rin ang nagpromote sa ilan sa mga designs ko.

"Okay, Mr. Choi. Let us talk about it then." I said and he agreed. He told me na magkita kami mamaya sa coffee shop malapit sa company nila.

--

Pagkapark ko ng sasakyan ko ay agad akong bumaba at kinuha ang mga gamit ko. Nagtungo ako sa loob ng café at hinanap ito, may nakita naman akong hindi katandaan na lalaki, siguro kaedad lang to ni kuya,nakataas ang kamay niya habang tinatawag ang pangalan ko. Nilapitan ko naman ito at napansin kong may kasama siya.

"I'm sorry I'm late. You must be Director Choi?" pagkumpirma ko na agad naman niyang sinagot ng oo.

"Ms. Fonseca, this is Ms. Marqueza, the model's manager." Tumango naman ako tsaka nagpakilala.

Ipinaliwanag ni Director Choi ang gusto niyang mangyari. May pinapirma rin itong contract na kung saan magiging designer ako ng clothing line nila. I grabbed the opportunity kasi sayang naman. Sinabi niya rin na may kinuha siyang isang singer at actress para maging model ng mga designs ko. And I will meet them by next week.

Nang matapos ang meeting ay agad naman akong nagpaalam para bisitahin ang main branch ng boutique ko na kasalukuyang minamanage ni Britney. Yes, I hired her because she's a graduate of Business Administration, besides, magaling din itong magmanage ng business. Nung una ay ayaw niya dahil daw mas gusto niyang magkaroon ng sarili niya pero nung sinabi kong hati kami sa shares na makukuha ay agad itong pumayag.

Pumasok ako sa boutique at agad naman akong sinalubong ng ngiti at greetings mula sa tauhan naming. I greeted them back.

"Nandito ba si Britney?" tanong ko sa isang saleslady

"Ah, yes ma'am. Nasa may men's wear po siya." Tumango nalang ako at nagpaalam na pupuntahan ko si Britney. Hindi pa man ako nakakalapit ay narinig ko na ang pamilyar na boses.

"Who's design are these?" tanong ni Devvion kay Britney. Halata naman ang pagkabored ni Britney at parang walang balak sagutin si Devvion. Naglakad naman ako palapit at nagsalita.

"It's mine. My design" I said directly. Sinulyapan naman ako ni Devvion bago binalik ang tingin sa damit.

"Not bad, Ms. Fonseca" sagot nito na nakapagpatigil sakin. Tumitig lang ako sa kanya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang halikan. Gusto kong sabihin na mahal ko pa siya.

"Finally, I've met you in person" wala sa sarili kong sambit. Tumingin lang ito sakin tsaka ngumisi.

"Well, I'm not glad to see you Saphirra Amethyst Fonseca, anyway, I'm honored to work with you." he said which made me confused.

"What?" I asked but he just gave me a shrug and left.

Pinanood lang namin siyang maglakad papalayo. Napabuntong hininga naman ako samantalang si Britney ay iiling-iling lang na nakatingin sakin.

I want to touch him, but I can't. We are so close yet so far.

Near at HeartWhere stories live. Discover now