CHAPTER 11

6 1 0
                                    

Matapos ang pagkikita namin ni Devvion sa boutique hindi na kami muling nagkausap or hindi na nagkrus ang landas namin. Ngayon ang photoshoot ng mga model para sa design ko. and as the designer, kailangan kong manood.

Maaga pa nung nakarating ako sa studio and only the photography team are here dahil inaayos nila yung set. Medyo excited akong makita yung mga model dahil hindi ko man lang sila nameet noon. I'm sure babagay sa kanila ung mga designs ko.

Umupo ako sa isang upuan doon at kinuha ang cellphone ko sa bag ko. I opened my Instagram account and began strolling. Kadalasan, mga designs ko ang nakapost dito. Malimit na akong magpost ng mga mukha ko dahil work na ang inaatupag ko ngayon.

I am busy scrolling when I heard the voice of Director Choi. Halatang may kausap ito na isang babaeng tinawag niyang Secretary Nim. Tumingin ako sa direction nila, nagulat ako nang magtama ang tingin namin ng kasama ni Mr. Choi.

"oh, I'm sorry Ms. Fonseca. Naghintay ka pa ata ng matagal." Sabi ni Mr. Choi nang mapansin niya ako. Umiling naman ako at ngumiti. Bakit niya kasama si Devvion? Hindi kaya. . . OMG! Siya ang model?!

"Okay, so let's start dahil marami pa akong gagawin" sabi ni Mr. Choi kaya naman tinawag na nila si Devvion at ang isa pa pang babae na magiging model namin. Nagpalit sila ng damit at halos di ko matanggal ang tingin ko sa kanya. Bumagay sa kanya ang mga designs ko and damn! He looks so gorgeous in his suit. Para siyang isang prinsipe. Nakarinig pa ako ng ilang papuri sa kanila na nginitian lang ni Dev.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa matapos ang photoshoot. Hanggang ngayon na busy siya sa kanyang phone ay titig na titig parin ako sa kanya. Kami lang dalawa ang naiwan dito ngayin dahil umalis na sila, maging ang manager ni Devvion ay may importante lang daw na kukunin sa Van. Nagulat ako nang lumingon siya sakin habang nakakunot ang noo.

"What?" inis na tanong nito. Umiling naman ako at tumingin sa ibang direksyon.

"Ano pang ginagawa mo dito? Tapos na ang photoshoot. Maaari ka nang umalis." Malamig na dagdag niya. Napalunok naman ako at nakaramdam ng kirot dahil sat ono ng pananalita nito na parang ayaw na ayaw niyang makasama ako sa iisang lugar.

"U-uhm. . Dev-" tumingin siya sakin ng seryoso at pinutol ang sasabihin ko.

"Its Genne. . Wag na wag mo akong tatawaging Devvion" his words are killing me.

"I'm sorry. Aalis na ako" mahinang sabi ko at tsaka tumayo ngunit tumigil ako nang magsalita siya ulit.

"Leave and stay gone. I don't want you back" matapos niyang sabihin yun ay dali dali akong nagtungo sa elevator. Dun ko na pinakawalan ang mga luha na kanina pang nagbabadya na tumulo.

Ang sakit pala talaga kapag sa taong mahal mo mismo manggaling na ayaw na niya, na suko na siya, na hindi na niya gustong bumalik ka sa kanya. Napatawa nalang ako ng mapakla. Ginusto ko to eh. Niloko ko siya so expected na ganito nalang ang galit niya sakin.

After what happened, I decided to have a short vacation for the mean time. Gusto pa akong samahan ng mga kaibigan ko pero hindi ako pumayag. I told them that I want to be alone. Wala naman silang nagawa kaya hinayaan na akong mag-isa. Gusto kong mag-isip isip dahil sobrang gulo na talaga ng isip ko. I need peace of mind kaya naman pumunta ako dito sa San Remigio.

Nakatanaw lang ako sa tabing dagat habang pinapanood ang mga taong masayang nagtatampisaw dito. I envy them. They went here to enjoy while I went here to escape temporarily.

"Ang sarap balikan ang lugar na to kapag kasama mo ang mahal mo" dinig kong sabi ng hindi pamilyar na boses. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang matangkad na lalaking may magandang hubog ng katawan. He has this blonde hair and gray eyes. Matipuno din akong kulay ng katawan nito. Binalik ko ang tingin ko sa malayo.

"Hi, I'm Dale Mendez." Bati nito nang tumabi siya sakin. Inilahad niya ang kamay niya at nginitian ako.

"Sammie Fonseca" I said which made him smile wider.

"I know." Sabi niya kaya tinignan ko siya ng nagtataka.

"Sinong hindi makakakilala sa isang famous na fashion designer?" tumango nalang ako, "So, bakit ka nandito? At nag-iisa?" tanong niya. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.

"Just need to reminisce, ikaw?" I asked back. Tumingin siya sakin at malungkot na ngumiti.

"it was our 5th anniversary and I want to celebrate it here where we first met" bahagya kong tinitigan ang mata niya. Nakita ko ang kalungkutan dito.

"But why are you alone? Diba dapat kasama mo siya? Nag-away kayo noh? Naku!" pabirong tanong ko para bawasan ang bigat ng usapan na ito pero hindi man lang ito tumawa. Sa halip ay tumanaw lang ito sa taas.

"She was there" mahinang sabi nito habang tinuturo ang kalawakan, "Happy 5th anniversary in heaven, Athena" bati nito sa kanyang kasintahan habang nakatingin sa langit.

Naikwento niya sakin ang nangyari sa girlfriend niya. May sakit daw ito and namatay daw ito sa mismong birthday niya last year. Dito siya nagpunta dahil daw ito ang gustong mangyari ni Athena. Kung sakali man daw na mawala na siya sa mundo ay dito i-celebrate ni Dale ang anniversary nila na kung saan napuno ng mga masasayang alaala nila na magkasama. Dito daw kasi sila unang nagkakilala, dito sila nagkaaminan, dito siya sinagot, at dito sila nagpunta nung first anniversary nila. Tinanong ko pa si Dale kung may balak pa ba siyang magmahal ulit ng ibang babae pero umiling lang ito at sinabing si Athena lang ang babaeng mamahalin niya kahit gusto daw ni Athena na humanap na siya ng ibang magpapasaya sa kanya. Tumatak pa ang sinabi nito sakin.

"Kung mahal mo talaga ang isang tao, kahit malayo pa ito sayo ng milya-milya o higit pa, hindi mo magagawang magmahal ng iba, because that's what true love is."

Near at HeartWhere stories live. Discover now