CHAPTER 2

5 1 0
                                    


Matapos naming magdinner ay agad na kaming pumunta sa mga kwarto namin. Magkatabi kami ni ate Abbie dahil sinusulit daw niya ang mga oras na magkasama kami kasi nga dito na ako mag-aaral. Di naman na ako umangal. Kasalukuyan kaming nagkwekwentuhan ni ate sa mga kagaguhan ni kuya noon nang biglang tumunog ang ringtone ng messenger ko na nagpapaalalang may nagmessage. Agad ko naman itong kinuha at binuksan.

'Genne Devvion Wilkerson waved at you! Tap to wave back' napangisi naman ako sa nakita ko. Is he trying to play games too? I waved back at him and start to have conversation with this stranger. Napansin ata ni ate ang walang humpay kong pagngisi kaya hindi na nito napigilan pang manahimik.

"Hey babysis, sino ba yang kachat mo? Another toy again?" nagtatakang tanong ni ate kaya naman agad kong pinakita yung phone ko sa kanya.

"Genne Devvion? Who's that?" muling tanong ni ate na sinagot ko lang ng ngisi.

"Isn't he handsome?" tanong ko kay ate habang busy parin sa pakikipagchat kay Mr. Stranger. Napailing nalang si ate sa tanong ko.

"Hay naku Saphirra Amethyst tigilan mon a yang paglalaro mo sa mga lalaki. Okay lang naman maging biiter ka e. But that thing na kailangan mong paglaruan ang damdamin nila? I don't like that. Ewan ko nalang kapag nakahanap ka na ng katapat mo. Matulog ka agad sis ha. Wag kang magpupuyat. Goodnight." Tumango lang ako kay ate tsaka hinalikan. Katapat? What does she mean? Napakibit balikat nalang ako at muling tinuon ang pansin sa lalaking kachat ko.

'I am 19 years old from Los Angeles, California. What about you?' Wow! So taga California pala to? Nice.

'Oh, I am 17 and will turn 18. I am from Philippines.' I said while playing small smiles on my lips. Ayoko munang sabihin sa kanya na nanirahan din ako sa California dahil baka mag-insist ito na puntahan ako.

We continued exchanging conversations. He asked me a lot of things regarding myself, my family, and so on. In short, he was getting to know me and so I am. Nalaman ko rin na wala na pala ang daddy niya. Literal na wala na. Hindi ko naman mapigilang malungkot. How does it feel to grew up without your dad beside you? Iniisip ko palang na busy ang daddy ko ay hindi ko na maiwasang makaramdam ng lungkot. How much more kung mawala na rin ito dito sa mundo? For sure, we'll suffer in depression. We grew up close with our family. Lagi din sinasabi samin nila lolo na huwag na huwag kaming magtatanim ng sama ng loob sa puso naming especially to one of our family members dahil sa araw at oras ng kagipitan ay kami lang din ang magdadamayan. Lagi din nila pinapaalalahanan ang mga magulang namin na huwag kaming hayaan lumaki na walang respeto at disiplina. They even taught us to get along with other people fairly whether it is poor or rich. Hindi nila kami hinayaan na lumaking walang alam pagdating sa gawaing bahay. Yes, naranasan na naming maglaba, maglinis ng bahay, magdilig ng mga halaman, mamalengke, and magluto. Hindi kami hinayaan na lumaking parang mga senyorito't senyorita. Tinuturing din namin na parang kapamilya ang mga katulong namin. We always find time to bond with each other. And I am so lucky to have a family like them. It's so perfect. Their love is so priceless, hindi ito kayang bilhin ng milyon milyon na pera. Teka! Bat ba ako napapakwento? Hihi napangiti nalang ako sa sarili ko. Maybe, I was just so proud of what I have.

Agad nagpaalam na sakin si Devvion dahil may work daw ito. I looked at the wall-clock. It's already 9:42 pm yet still not sleepy. I decided to stalk Devvion once again. Well, gwapo nga talaga siya. I really thought a while ago that he's a Hollywood actor. Damn! Sigurado akong marami ang nagkakandarapang babae sa lalking to. I shooked my head as a thought entered my mind. Laro lang Sammie. Wag mong hayaan na mahulog ka sa kanya. He will just definitely hurt you. He can easily cheat on you knowing that you're miles away. Besides, he's a boy and boys always loves to play with girls' feelings. Hindi ako tanga para magpaloko ulit sa isang lalaki. Hindi na ako yung Sammie na magtitiwala agad sa mga manlolokong lalaki na yan. They are nothing but cheaters and players. Well, they just messed up with a wrong girl. They want game? Then, I will give them the game they I wanted. They shouldn't underestimate me because I can play too. I can play very well.

10:38 na ng gabi nang maisipan kong matulog. But before that, I remembered again what lola said to me before when they found out how playgirl their grand daughter  is.

Kasalukuyan kaming nagvivideocall ni lola. Madalas namin itong gawin dahil hindi rin naman namin maitanggi na sobra namin silang namimiss. They wanted to visit us here in California but then tumutol si daddy. Hindi naman sa ayaw namin silang makita, but he just doesn't want them to get tired. Tama naman si daddy dahil nakakapagod nga talaga ang bumiyahe ng napakahaba. Kaya naman nangako nalang si dad na kami ang dadalaw dun once na makagraduate na ko ng highschool.

Nagalit sa akin si lola nang malaman niya ang ginagawa ko. kesyo daw hindi naman yun ang itinuturo nila. Well, alam ko naman. Hindi ako nagtanim ng sama ng loob dahil alam ko naman na may mali din sa ginawa ko. No one in our family had cheated on their lovers or hurts someone's feelings. Kaya siguro medyo disappointed ang lola ko nang malaman niyang naglalaro ako ng damdamin.

"Hindi porket sinaktan at niloko ka na noon ay magagawa mo nang manakit ng ibang tao na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka. Apo, huwag mong igaya sa taong nanakit sayo ang lahat ng tao. At huwag mong gawing dahilan ang taong nanakit sayo upang magtanim ng galit dyan sa puso mo. Tandaan mo ito Saphirra, sadyang may mga tao talaga na dumarating sa buhay natin upang bigyan tayo ng leksyon. Huwag kang matakot magmahal muli sapagkat kahit na masakit ay masarap makaramdam ng totoong pagmamahal."


Magagawa ko pa nga bang magmahal ulit at itapon lahat ng sama ng loob ko sa lalaking nanakit sakin?

Near at HeartWhere stories live. Discover now