Anim na taon na ang nakalipas simula nung hiniwalayan ako ni Devvion. Sa anim taon na ang nakalipas heto parin ako hindi makalaya sa nakaraan.
Nabubuhay ako sa nakaraan. At ang aking katawan lamang ang nasa kasalukuyan. Nguni tang puso't isipan ko ay nasa alaala namin sa nakaraan. Nakaraan na gusto kong takasan dahil pagod na akong masaktan. Ginusto kong takasan pero wala akong maisip na paraan. Ninais kong lumisan pero hindi ko magawa, dahil sa isipan ko isa parin itong sariwang alaala. Sinubukan kong tumakbo pero di ko magawa dahil sa bawat pagtakbo ko lagi akong nadadapa dahil pilit akong hinihila ng mga alaala naming masaya. Sinasabi na 'dito ka lang dahil dito kapiling mo pa siya' 'dito ka lang dahil sa kasalukuyan baka may kapiling na siyang iba'.
Kahit anong gawin ko para kalimutan siya di ko magawa. Kahit ilang beses kong sinubukan na ituon ang atensyon ko sa iba, nananatiling siya parin ang sinisigaw ng puso ko. Kahit anong gawin ko para kalimutan na ang lahat ng alaala namin, pilit parin ako nitong binabangungot. . . lalo na ang huli naming pag-uusap.
Sa anim na taon nay un wala akong balita sa kanya. Wala akong natatanggap na message or tawag. Wala akong natatanggap na regalo. Yes, it's my fault. I broke him and I know galit siya sakin at sinusumpa niyang huwag na akong makita.
Isa na akong fashion designer ngayon. Marami akong mga clients na artista both local and international. Meron na rin akong sariling rental ng gowns. Meron na akong boutique sa iba't ibang lugar. Lahat ng pangarap ko nakamit ko na maliban nalang sa isa, si Genne Devvion Wilkerson.
Napagtanto ko kung gaano ko kamahal si Devvion isang buwan makalipas ang break-up namin. Mahal ko si Blake pero narealize ko na mas mahal ko si Devvion. I talked to Blake then and told him everything. Yes, he got mad but end up understanding me. I broke up with him with a smile. I broke up with him without pain. Natatandaan ko pa ang sinabi niya sakin noon.
"Some of the toughest things in this world are to really want someone and not have them around you. Those are the times when you don't know what to do. All you can do for is wait. I wish that you'll meet him soon, Sammie."
--
Nandito kami ngayon sa isang beach to attend ate Abbie's wedding. Almost 3 years na rin silang engaged ni kuya Lukas pero ngayon lang nila naisipan magpakasal. Actually last last year pa sana pero nagkaroon ng problem sa family ni kuya Lukas. Nagkasakit kasi ang mama niya at kailangan nila itong ipagamot as soon as possible. Nang maging okay na si tita Cherry ay binalak na nilang ituloy ang kasal. Beach wedding ang napili ni ate at kuya para sa kasal nila. Dito daw kasi sa beach na to sila unang nagkakilala kaya gusto nilang dito rin ganapin ang kasal. I am the maid of honor of course. Ako nga pala ang nagdesign ng wedding gown ni ate, si kyla (ung baklang friend ko since college) ang caterer, at si ate Haelee naman ang nagsuggest ng mga foods and beverages.
Kasalukuyang inaayusan si ate sa isang room nang bigla akong nilapitan ni kuya Lukas. I gave him my greetings. He smiled at me and handed me a small box with a card on it. He asked me to give it to my sister and I said yes. I went to my sister and knocked the door.
"come in" sigaw niya, pumasok naman ako at agad siyang ngnitian at hinalikan sa cheeks.
"Here, pinapaabot ni kuya Lukas" I handed her the box, she opened it and we saw a gold infinity necklace. Napangiti kami pareho ni ate. I volunteered to put the necklace on her.
"Hindi ako makapaniwalang ikakasal na ako babysis" saad ni ate kaya naman napatingin na rin ako sa kanya dun sa salamin. I smiled at her.
"Me too ate. Dati ay halos isumpa mona lahat ng lalaki but now, look? You just found the right man for you." Ngumiti naman siya sakin at agad hinawakan ang kamay ko. I hugged her at ganun din ang ginawa niya.
"I missed you babysis. I miss the cheerful Saphirra Amethyst" hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko sa sinabi niya. Yes, I'm not the cheerful Sammie they used to know. Simula kasi nang mawala sakin si Devvion parang hindi ko na magawang maging masaya ng totoo. Its too hard to carry a smile since I lost the love of my life.
"Hindi ko sasabihin na tama ang ginawa mong panloloko sa kanya babysis, sobrang mali kasi yun eh. Isang pagkakamali na maaaring makasira sa isang bagay na ayaw mong masira." Alam ko ate, at iyon ang bagay na labis kong pinagsisisihan.
"I want him back." I said. But this time, its not my sister who answered me back.
"Fight for him then, sister. But don't forget that a heart full of pain is much more dangerous than any fully loaded weapon." Agad na pinunasan ni kuya Jon ang luha ko bago niyakap.
"Ay, ano ba? Nasira na tuloy make up natin babysis" sabi ni ate habang tumawa ng mahina. Napatawa naman kami ni kuya.
"How I miss you both. Dati ako lang baby niyo pero si kuya may ate Haelee at baby Dustin na, si ate naman may kuya Lukas na. Hayys." Nakangusong sabi ko nakinatawa naman nila.
"You'll always be our baby and princess, Sammie. Wag kang mag-alala di magbabago yun" natatawang sabi ni kuya na ikinatango naman ni ate. I hugged them once more before leaving the room.
Nang matapos ang ceremony ay dumiretso na kami sa area na kung saan ipagpapatuloy ang celebration. Sa ngayon ay isasayaw ng groom ang bride.
"And to witness the sweet dance of our newly-wed couple, I am calling for the famous singer to sing for them. Please come forward Mr. Genne Devvion Wilkerson." Announce ng emcee na si Sheena.
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa narinig ko. Ilang beses ko pang binulungan ang sarili ko nab aka kapangalan lang niya. Pero napatigil ako nang makita ko ang lalaking nakatayo sa harapan ngayon habang may hawak na mikropono. It was him, it was really him. Natigilan ako ng dumapo ang tingin niya sakin ngunit agad din itong lumipat sa kinauupuan nila ate. He looked at me like a stranger. He looked at me like he doesn't know me. Tumingin ako kay ate, ngunit nginitian lang ako nito. Hinanap ko naman si kuya kasama ang asawa niyang si ate Haelee at ang anak nilang si dustin pero nagthumbs-up lang siya. Muli akong tumingin sa harap, ngayon ay nakangiti siya habang hinihintay ang intro ng instruments.
I can't help but to stare at him as he began singing my favorite song, A thousand Years. Hindi ko mapigilang humanga sa boses niya. It was cold yet hypnotizing. Bakit di ko man lang alam na magaling siyang kumanta?
Buong kanta ay nakatitig lang ako sa kanya, at hindi ko inaasahan na muling babalik ang masasayang usapan naming noon. At parang mas lalo pa akong nainlove ngayon. Umalis na siya sa harapan at muling bumalik sa pwesto niya. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Sheena, Britney, at Kyla.
"I love you for a thousand years" kanta ni Britney na may halong pang-aasar.
"Waaaah I didn't expect it na favorite song mo yung kakantahin niya hehehe" tili naman ni Sheena.
"Mga gaga, napakamalisyosa niyo" Sambit naman ni kyla. Pinanood ko lang silang nagbabangayan nang bigla silang tumigil at tumingin sakin.
"Mahal mo pa 'no?" tanong ni sheena na agad ko namang tinanguan.
"Do you want him back?" si Britney naman ngayon.
"I always wanted him back." Seryosong sagot ko. Ngumiti lang silang tatlo sakin. Pero yung ngiti nila ay may halong kalungkutan. Nagtaka naman ako at magtatanong sana nang magsalita si Kyla.
"As long as we wanted to support my, dear, we couldn't. magmove on ka nalang girl" malungkot na sabi ni kyla. Tumawa naman ako ng mahina sa sinabi nila. Di ko sila maintindihan eh.
"What's with you?" I said while laughing, they sighed and pointed a direction. Yung direction na tinungo ni Devvion kanina. Hindi ko mapigilang lumingon. Napatigil nalang ako sa pagtawa sa nakita ko.
Devvion is happy. Devvion is smiling. Devvion is laughing. But not because of me. He's happy because of the woman he's with. The woman he is touching. The woman he's holding hands with.
He is now with other woman. He is with someone he is inlove with.
YOU ARE READING
Near at Heart
Ficción General"I believe in the immeasurable power of love; that true love can endure any circumstance and reach across any distance." -eMxJayn