CHAPTER 12

6 1 0
                                    


"Paano kung may mahal na siyang iba? Paano kung masaya na siya sa iba?" I asked.

"Bakit? Sinabi niya ba mismo na may mahal na siyang iba at hindi na ikaw yun?" he answered. Hindi niya sinabi na hindi na niya ako mahal but. . .

"But he told me that he doesn't want me back" mahinang tugon ko. Tumingin naman siya sakin at seryoso akong tinanong.

"Does he mean it? Words can be fabricated but not what the heart really felt, Sammie"

Nandito parin ako sa San Remigio and it was my 3rd day already. Nakwento ko kay Dale yung tungkol sa amin ni Devvion at kung paano ko siya niloko. Nabanggit ko rin na nagkita na kami at nandito siya sa pilipinas ngayon pero hindi na niya ako gustong makita or should I say isinusumpa na niya ako?

"Alam mo Sammie kung ako si Devvion at ginawa mo rin yun sakin aba syempre naman magagalit talaga ako dahil wala akong maisip na sapat na dahilan para gawin mo yun sakin, to think na nagawa mo yun just because of longing?" iiling-iling na saad niya.

"that's why I want to talk to him. I want to tell him that I regret everything I did. I want to let him know that he is really the one I wanted and I love him. I do love him so much" I said seriously pero napatigil ako sa nakita ko sa di kalayuan samin. I saw Devvion blankly looking at me.

Agad kong niyaya si Dale na umalis doon dahil ayokong makita ang malalamig na titig ni Devvon. Gosh! What is he doing here? Siya ang dahilan kung bat ako nandito. Gusto kong mag-isip isip kung susuko na ba ako o ipaglalaban ko pa yung pagmamahal ko pero tangina! Yung taong dahilan kung bat ako nandito ay nandto rin ngayon damn!

Hihilain ko na sana si Dala nang biglang lumingon ito sa likod niya dahil sa pagtawag ni Devvion. WTF! Magkakilala sila? Oh! Damn it! Napakamapaglaro talaga ng tadhana! Sa halip na ako ang humila papalayo ay ako pa ang hinila ni Dale palapit kay Dev.

"Dude. . . what brought you here? Akala ko ba New York ka ngayon?" Dale asked without even noticing the awkwardness I felt.

"Change of plans" Maiksing sagot ni Devvion. Tumingin naman ito saglit at muling tumingin kay Dale.

"I thought it was only Athena? Why are you with other bitch now?" What did he just called me? a bitch?

"Excuse me, I'm not a bitch" nakataas ang kilay ko habang madiin akong nakatingin sa mata niyang blangko.

"Ah yes, not a bitch but a player" tatango tango nitong sabi. Nagpabalik-balik naman ang tingin ni Dale samin habang ako ay nakataas lang ang isang kilay kay Devvion habang nakahalukipkip.

"Hey what's with you two? Magkakilala ba kayong dalawa? You're acting like you know each other for a long time" natatawang tanong ni Dale. Ngumisi naman si Devvion at nagsalita.

"Of course I know her. Bakit ko naman makakalimutan ang taong nanloko sakin?" makahulugang sabi ni Devvion. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi niya, samantalang gulat na gulat namang napatingin sa akin si Dale.

"Let's talk, Devvion" I said coldly. Narinig ko pa ang tanong ni Dale pero hindi ko nalang ito pinansin.

"Wala na tayong dapat pag-usapan Saphirra. And I don't want to hear any shit of yours!" giit nito bago tuluyang umalis. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad na pabalik sa cottage ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Near at HeartWhere stories live. Discover now