Chapter V

15.2K 386 0
                                    

Time went fast with Ethan. Not because I was enjoying myself. Dahil iyon sa aming kwentuhan. Naghihintay akong magkwento siya tungkol kay Kiel, ngunit hindi iyon dumating. Hindi na rin ako nagtanong pa dahil nahihiya rin naman ako.

He might say something to Kiel that would make him hate me more. Though I'm not sure if "hate" is the right word to describe what he has for me.

"Ayos. Kaunti nalang ang lilinisin!" Aniya at nag-unat ng katawan. Iginala ko ang tingin. Ang daming nabawas na kalat! Halos maayos na ang lahat. Books are already stacked. Handa nang ilagay sa kahon ang mga iyon. Scattered papers before are now inside a big trash bag.

Ang mga upuan ay patong patong na sa isang gilid. Nakapagwalis na rin kami at nakapagpunas ng mga gamit na sobra ang alikabok. I didn't know I can finish this is two days.

Bukas ay pwede ko na ilagay ang mga libro sa kahon at itapon ang mga pwedeng itapon.

Bago magpaalam at magpasalamat kay Ethan ay hiningi nito ang number ko. Binigay ko naman dahil nakakahiya naman kung hindi. Halos mas marami siyang nagawa sa akin dahil lagi niyang sinasabi ang "trabaho ito ng lalaki". He sounded like a little sexist for me, pero hindi ko nalang pinansin iyon. Maybe that's his way of being a gentleman.

After thanking him ay dumiretso ako sa opisina ni Mr. Caballero para ireport na maari ko na matapos iyon bukas. Kumatok ako ng isang beses at binuksan ang pintuan. "Good Afternoon, Sir," bati ko.

Sir Caballero slightly jumped from his seat when he saw me, "Miss Alcalde! Buti at napadaan ka! I have news for you!" Malaki ang ngiti nito. "Sit down, sit down!"

Dahan dahan akong pumasok at umupo sa kanyang harapan. "Bakit ang dumi ng damit mo?" Tanong nito, bahagyang nakayuko para tignan ako gamit ang kanyang salamin.

"Ah! Galing po ako sa storage room. Sinimulan ko na pong linisin. At sa tingin ko po ay matatapos ko na iyon bukas!" Balita ko. He clapped once, "that's great news!"

"Ano po yung ibabalita niyo, Sir?" I finally asked. Curiosity rising in my blood.

"Ah, yes! You're gonna love this." He gave a hearty laugh. "Our school is invited to participate in a big annual art event in London!"

Nanlaki ang mga mata ko! "P-po? Pero... wala naman po tayong art activities dito sa school? Kahit club po ay wala... base sa pagkakaalam ko."

He nodded, "That's right. But isn't it a big waste for our school to turn down big invitations like this? Sayang kung sasabihin ng school na wala tayong art club or art activities sa eskwelahan natin! Chances like these are very rare. Alam kong alam mo iyon." Tumango ako.

"Isipin mo iyon? Kasama ang school natin sa mga piling pinili na makasama sa event na iyon! This is history! So... the school board decided to open a new club. An art club!"

Nanlaki pa lalo ang mata ko. Ang mga kamay ay madramang tumakip sa aking bibig. Muntik na rin akong mapatayo sa gulat pero napigilan ko iyon. Lahat ng mga pangit na nangyari kahapon ay napalitan ng mga good news ngayon!

"The school president asked me to prepare a room, specially for that club." Dagdag niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili sa pag palakpak. I am loving this news! Natawa ito sa aking reaksyon.

Inilagay niya sa ere ang kanyang hintuturo. "Isa pa. Ang storage room na nililinis mo ngayon ay ang magiging storage room ng nasabing club. Kaya hindi masasayang ang pagpapagal mo."

Panay ang pasalamat ko sa kanya. Now I really want to finish cleaning it! "The club will be announced tomorrow. At huwag ka nang mag-abala pang sumali, because you're already a member. The very first member. Congratulations!"

GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon