Chapter XXXIV

13.2K 278 13
                                    

Nanginginig akong nakakapit sa handle ng aking maleta. My other hand is clasped on my chest.

Pagkatapos ng tawag kanina ay mabilis kong kinalma ang sarili para mag-isip ng sariling plano.

I am on my own now.

Hindi ako pwedeng magsumbong sa mga pulis dahil nakasalalay ang buhay ni Kiel. And God knows who else they're planning to kill! Hindi ko kakayaning mawalan ulit ng mahal sa buhay!

Mabilis akong nag-impake at tumawag sa isang hotel para doon pansamantalang tumuloy. I need to go far away from home.

Kung itetext nila sa akin na kailangan ko nang gawin ang pinapagawa nila, malalaman iyon nina Kiel. Pero kung matagal na akong wala sa mansyon, hindi na sila magtataka sa mga lakad ko at hindi nila mapapansin kung aalis man ako.

Kinakalma ko ang sarili sa loob ng elevator ng isang hotel. Kanina pa tumatawag sa akin si Kiel pero hindi ko sinasagot.

Hindi ko pa siya kayang makausap dahil panigurado akong mapapansin niya ang panginginig ng boses ko sa matinding takot. Kahit hanggang ngayon ay iba pa rin ang kaba ko.

Lalong kumalabog ang dibdib ko nang makita si Kiel pagbukas ng elevator. Seryoso itong nakatingin sa akin. He's not just serious. He's angry. Kita iyon sa kanyang nag-aapoy na mga mata.

Pumasok siya sa elevator at nakatalikod na pinindot ang close button.

Nang makuntento ay mabilis itong dumalo sa akin. The man doesn't care about personal space. Malapit ang mukha nito sa akin. While his hands are on the elevator wall, trapping me between his arms.

My bare shoulders touched the cold metal wall. "P-paano mo nalaman na narito ako?" Gulat kong tanong.

"Why are you here, hmm?" Kalmadong tanong nito, hindi pinansin ang naunang tanong ko. Kitang kita ang pag depina ng kanyang mga panga. He's angry but he's suppressing it.

Lumunok ako para mapigilan ang panginginig ng boses. "I... I need to leave the mansion. May kailangan akong asikasuhin."

His face tilted. I bit my lip. "And you need to bring this much clothes?" Ginamit niya ang kanyang ulo para ituro ang aking maleta. "Kailangan mo pang lumipat sa hotel para lang gawin ang dapat mong gawin?"

"Malapit ang hotel na ito sa inaasikaso ko, Kiel, please," Sabi ko sa maliit na boses. Tinatago ang posibilidad na manginig iyon dahil sa kaba.

"Why aren't you answering your phone? You made me worry." Malambing na tanong nito. Mariin kong hinihiling sa langit na sana'y hindi niya marinig ang malakas na pag kabog ng aking dibdib.

"I- I..." Hindi ko matuloy. He's making this hard for me! Please, Kiel.

"Hmm?" Pikit na tanong nito. The tip of his nose brushed on my cheek. "I... I'm b-breaking up with you. I need some space."

Kahit ako ay hindi makapaniwala sa sariling kagusutuhan. I never thought I'd say that to him. Ever. Dahil hindi ko kayang mawala siya sa akin.

Pero sa sitwasyon ngayon, ang paghingi ko ng espasyo sa aming dalawa ay makakatulong para hindi rin siya mawala sa akin. It's for his own safety.

"Why do you need space for this?" His jaw violently moved. "No," dugtong nito.

"It's not a question, Kiel!"

"You can't leave me," aniya. "And that is also not a question."

"What's bothering you? I can fix everything. You don't have to do this." Sa wakas ay nakahanap ako ng pagkakataon para gamitin laban sa kanya ang kanyang mga katuwiran.

Buong lakas kong inipon ang natitirang enerhiya sa katawan ko para itulak siya palayo sa akin. Nagpatianod naman siya sa aking pwersa.

Hinagod niya ang kanyang buhok at mariin na pumikit. Tila iniisip at naguguluhan sa aking mga kinikilos at walang kwentang mga pagdedesisyon.

"Yan ang ayoko, Kiel, e. Lahat nalang inaasa ko sayo. Lahat nalang inaako mo! I can do things on my own, you know! Don't you think I'm capable?" I tried to sound angry and I succeed. Because he looked surprised.

"No, baby," bulong niya na para bang inaamo ako. "That's not what I meant."

"No, I know! You feel like you always need to watch me! Kasi hindi ko kayang mag-isa." Walang preno kong sabi. "Hindi ba?" I probed to make him guilty. I'm sorry, Kiel. Sana mapatawad mo ako.

"Well, guess what, Kiel. I'm not eleven anymore. I'm an adult now. Hindi na ako bata."

Iniwas ko ang tingin sa kanya nang narinig ko ang pag bukas ng elevator. Hudyat na nasa tamang palapag na ako. Mahigpit kong hinawakan ang maleta ko at nag martsa palabas ng elevator.

Akala ko hindi na niya ako susundan pero lumabas din siya doon at hinuli ang braso ko.

"Ano ba—" Pinutol niya ako, "Is this what you need?" Tanong niya.

Bahgya akong nagulat dahil mukhang papabayaan ako nito. Halong gulat, lungkot at tuwa ang nararamdaman ko. "H-ha?" Tanong ko, kahit malinaw namang nakarating sa akin ang tanong niya.

"I'm asking... if this is what you really need?" Kalmado ito ngunit bakas sa mukha ang pag-aalala.

"Yes," simpleng sagot ko.

When this is all over, I promise I won't leave you again, Kiel. Pangako, mamumuhay tayo ng masaya at payapa.  I will give myself to you, pangako iyan. Dahan dahan siyang tumango at mabagal na tinanggal ang kamay sa aking braso. But please, stay with me. Kahit alam kong naguguluhan ka ngayon. Trust me, please.

"If that's what you want, then." Pinal na sabi nito.

Ako naman ang tumango at mabilis na naglakad palayo sa kanya. Kagat labing pinipigilan ang nagbabadyang mga luha.

GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon