Chapter X

20.5K 384 26
                                    

Pagkatapos mag-usap usap ukol sa proyekto ay nagpaalam na kami para magtungo sa mga susunod na subject.

Rianne didn't even bother to say goodbye. Agad lang itong umalis. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon. I think it's better she's ignoring me instead of me ignoring her. At least it's her decision.

Habang nililigpit ko ang mga gamit ay hinampas nanaman ako ng pamaypay ni Enzo. "Alis na kami. Text mo kami bukas, okay? For our research." He winked while saying the word research.

Napailing ako habang nakangiti. They really have another plan other than research. Panigurado ay magsasaya rin ang mga ito doon! "Okay. See you."

"At kung pwede ay dalhin mo ang pinsan mo!" He giggled at sumang-ayon naman ang ibang mga kagrupo. That's not a bad idea. Pwede sigurong si Kaius nalang ang maghatid sa akin doon. He can be my chaperon too since I'm only seventeen.

I know I'm not gonna do anything stupid there, pero parang hindi ko kayang pagkatiwalaan ang sarili ko.

Kumaway na lamang ako sa kanila bago umalis papunta sa susunod na klase. Jia texted me saying she's already there.

Halos mabibigat na hinga ang inilalabas ko patungo sa susunod na silid. Kaklase ko si Kiel doon! What will I say if I see him? Should I say hi?

Should I report how I did with Rianne?

Napangiti ako ng kaunti. Somehow I like how things are now. Kahit maliit na bagay ay may mapag-uusapan kami ni Kiel. I'm actually thinking that he's slowly breaking his walls for me! Is that even possible?

Sa bungad pa lamang ng pinto ay kita ko na si Kiel. He's busy laughing with his friends. His gray hair is still the same. Iyon nga lang ay mas maayos ito ngayon kumpara noong huli ko siyang nakita.

The last time I'm with him, the cold breeze made his hair messy. Ngayon ay walang nanggugulo kaya mas maayos ito.

Nakasuot ito nang kulay itim na long sleeves polo. And damn. The color made him look even better! It complimented his skin color, as well as his hair. Ang dalawang butones ng kanyang polo ay nakabukas. Nakatupi rin ang mga manggas nito hanggang sa kanyang siko.

Papasok na sana ako pero may nakasabay ako sa pintuan ng silid kaya naman nagbangga ang aming mga braso.

He laughed while caressing his arm. Ganoon rin ang ginawa ako. "Una ka na, Aristelle."

Umiling ako sa lalaking kaklase. A curly guy named Jeff. Kaklase ko ito sa iilang mga subjects. But I think this is my first time interacting with him. He's tall but not as tall as Kiel and Kaius. O baka naman matangkad lang ito dahil sadyang maliit lang talaga ako.

"Sige na, mauna ka na," I insist. Before he could say no, umingay na ang classroom namin at umalingawngaw ang asaran.

"Uy, Jeff ha! Pinopormahan mo na ba si Aristelle?" A guy named Jason teased.

His cheeks blushed. Natawa naman ako doon at bahagyang yumuko para mauna nang pumasok sa loob. Hindi siguro kami matatapos kapag hindi pa ako naunang pumasok.

Hinanap ko si Jia para maupo sa kanyang tabi. But what caught my attention was Kiel. Blangko ang ekspresyon nitong nakatitig sa akin. Hi tilted his head with his lips slightly protruding.

Ang mga kausap niya ay maingay na nagkukwentuhan at nagtatawanan habang siya ay diretso ang mga mata sa akin, pagkatapos ay lumipat sa lalaking nakasabay ko sa pintuan.

"Sa wakas ay nagkaroon din ng lakas ng loob!" Nilingon ko ulit ang dalawa. Jason initiated a high five pero nahihiyang tinanggap iyon ni Jeff.

Nahihiya pa akong nilingon nito bago tuluyang umupo sa kanyang pwesto. Nangibabaw naman ang kanilang mga kantyawan sa buong silid.

GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon