Chapter XXXV

15.3K 272 21
                                    


Hindi ko alam kung paano ako nakatulog nang gabing iyon. Parang iniyak ko ang lahat dahil sa pinaghalo-halong mga dahilan.

Lungkot dahil hindi ko maitago sa sarili ang pangungulila kay Kiel. Gusto ko siyang puntahan para yakapin at hindi na humiwalay ulit. Gusto ko siyang kausapin at humingi ng tawad sa lahat ng mga nasabi at nagawa ko.

Gusto kong ipaliwanag lahat sa kanya.

At takot... sa kahihinatnan ng lahat ng ito.

Sa gitna ng mga iniisip, tumunog na ang aking telepono. "Hello," namamaos kong sagot.

"Akala ko malinaw ang usapan natin?" The man said from the other line. "Akala ko ba malinaw kong sinabi na hindi mo pwedeng ipagsabi ito. Lalo na kay Kiel?"

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat at tumingin sa aking paligid. Alam kong malabong may nagmamatyag sa akin ngayon sa loob ng hotel room ko pero nagawa ko pa ring iikot ang mga mata sa paligid dahil sa takot.

"I didn't say anything to him! I promise!" Agap ko.

The man clicked his tongue many times. Para bang disappointed sa akin. "Kaya ba kasama mo siya kahapon sa hotel?" I knew it! Pinapasundan ako! "Huwag mo akong niloloko!" Gigil na sabi nito.

Napatayo ako sa takot at balisa. "No! You have to believe me! Sinundan niya lang ako rito! Pero wala akong sinabi sa kanya tungkol sa iyo o sa inyo!" Paliwanag ko na tunog pagmamakaawa na.

"Nagbago na ang isip ko, Aristelle. Hindi ko na maaaring ipagawa sayo ng basta basta ang mga gusto kong iutos sa iyo. Lalo na't hindi ko alam kung nagsasabi ka ng totoo." My throat felt very dry kahit kanina pa ako lunok ng lunok sa sarili kong laway.

"Kailangan mong makipag kita sa akin ng personal." Tumawa ito sa kanyang sinabi.

Matindi ang pag-iling ko kahit hindi ako nakikita nito. "No, please. I promise, Kiel won't be a problem to us. Wala na kami! Hindi na niya ako guguluhin pa!" I said almost hysterical.

"Kung totoo nga iyan, makipag kita ka sa akin. Doon ko malalaman kung totoo ba ang sinasabi mo o nagsisinungaling ka lang."

No, no! Umiikot ang tyan ko sa kaba, parang nahihilo ako at gusto kong himatayin dahil sa kanyang hinihiling. "Kapag may sumunod sa'yo, Aristelle. Malilintikan ka sa akin."

That was his final words before he ended the call. Mabilis akong bumagsak sa sahig dahil sa panlalambot ng mga tuhod sa takot at umiyak.

I'm scared. Ramdam ko iyon kahapon pa pero ngayon ko lang iyon inamin sa sarili. Natatakot ako.

I feel like death is knocking on my door. Pakiramdam ko ay naglalakad ako papalapit sa bagay na makakapagpatapos ng buhay ko.

Gustong gusto kong umiyak at mag sumbong kay Kiel. Gusto kong iiyak lahat sa kanya ang nangyayari sa akin. Lahat ng takot at lungkot ko, gusto kong isumbong sa kanya.

I know how protective he is with me. Kaya't alam kong alam niya ang gagawin niya pag dating dito.

But no. I can't risk it. Hindi ko kayang manganib ang buhay niya dahil lamang sa kaduwagan ko. For once, I need to get up and fight all these alone.

Kinalma ko ang sarili. Paulit ulit akong humihinga ng malalim at pinapalitan ng positibo ang nasa isipan.

Nakatulala lamang ako sa higaan. Pinag-iisipan ang lahat ng mga posibleng mangyari, at mga bagay na dapat kong gawin sa oras na makipag kita ako sa lalaking iyon.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay tumunog na ang aking telepono para sa isang mensahe. Address iyon ng lugar na pagkikitaan namin. Kasama ng address ay ang oras. It was tonight at ten.

Agad akong ginapang ng takot at kaba na agad kong inaalis para kumalma.

Tinignan ko ang orasan sa aking relo, alas otso na ng gabi. Paniguradong sinadya nilang sabihin iyon sa akin ng ganitong oras para hindi na ako makapag plano pa ng kung ano para mahuli sila, o para makatakas ako sa sitwasyong ito.

Mabilis akong nag handa ng sarili, Tahimik kong tinignan ang sarili sa salamin.

Let's say you'd die tonight, Aris. Are you happy with your life? Are you happy with the life you lived? Kontento ka na bang hanggang dito nalang lahat ng ito?

Bahagya akong natawa sa sariling mga tanong. Dumaan sa isip ang mga bagay na pinagsisisihan. Mga bagay na dapat ay sinabi at ginawa ko para sa mga taong mahal sa buhay.

Pumasok sa isip ko kung paano ako nasira nang mawala ang kapatid. Kung paano nalungkot ang mga magulang dahil doon. Hindi ko maaaring hayaan na mangyari ulit iyon sa kanila.

Pati sayo, Kiel. Hindi ko hahayaang mawalan ka muli ng mahal sa buhay.

Yes, Aris. You're right. Hindi ka pa masaya sa buhay na lumipas sa iyo.

So let's do this and let's stay alive.

Stay alive, Aristelle.

GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon