Chapter XVIII

13.9K 327 2
                                    

Bumalik kami sa party ni Kiel. Aniya'y makihalubilo raw muna ako sa mga bisita ni Lola. Sumang-ayon naman ako. This is a party for Monteverdes. Pangit naman yata kung hindi ako makisama. "Where have you been?" Si Kassandra, sinalubong ako sa pintuan. "Nagpahangin lang."

People wearing formal clothes are everywhere. Magagara ang mga kasuotan at halatang may mga matatanyag na mga kompanya ang naririto. A world people wanted to be in.

"You must find him and escort him out." Si Daddy iyon, tumango sa kanya ang lalaking naka amerikana rin at may earpiece sa kaliwang tenga. Namukhaan kong si Demiro iyon. Ang head guard nang pamilya. May problema kaya?

"Sino yung kasama mo kanina?" Binalik ko ang tingin kay Kassandra. Sa dumadaan na waitress, kumuha ako ng juice at nagpasalamat. "Taga-AU iyon. Si—"

"Finally. Aristelle!" Napaatras kami ni Kassandra sa gulat dahil sa lalaking biglaan ang paglapit sa amin. Bahagyang natapon ang juice sa aking kamay. His voice was a bit loud kaya naman ang ilan ay tumingin sa aming gawi. His hand is holding a glass of alcohol. Kahit ang amoy niya ay matapang na rin dahil doon.

"S-sino po kayo?" Pinisil ni Kassandra ang kamay ko. "Huwag mo nang kausapin. I think he's drunk." Hinihila ako ni Kassandra paalis doon but I didn't moved because the man looks familiar. Kumirot ang ulo ko.

"Hindi mo ako natatandaan? Ha!" Binitawan ko ang kamay ni Kassandra para bahagyang hilutin ang ulo. What the hell, not now!

"Nawala lang si Liam, pati ako nakalimutan mo na?!" Sigaw pa nito. Kassandra and I jumped when he shouted. Tuluyan na naming naagaw ang atensyon ng lahat.

My throbbing head stopped, or I think it did "K-kilala mo ang Kuya ko?" I think I know him, pero hindi ko maalala! "Anong pangalan mo? Kaibigan mo ba siya?" I probed.

Ang mga lalaking pinsan ay dumalo sa amin. Kuya Fourth went to the drunk man, nakaharang ang kanang kamay sa dibdib ng lalaki, keeping his distance from us. Ganoon rin ang ginawa ni Cain. Magkabila sila para kung sakaling may gawin ang lalaki ay mabilis nila iyong mapipigilan.

But the violent man didn't scared me. I need my answers! "Who are you?!" I raised my voice.

"Kaia!" Saway ni Kaius sa aking gilid na hindi ko pinansin.

"Hindi ko alam kung matatawag ko nga bang kaibigan ang sarili ko. I ran away!" Iling niyang sabi na para bang nababaliw ito. I think he's too drunk to be in his right mind. Pero tumakbo siya? From what?

I even bothered to ask myself if it's possible that he's the man from my dreams, pero sigurado akong hindi siya iyon. For some reason, their aura isn't the same. The man from my dreams gives me assurance of safety. This man looks violent and drastic.

I saw Kiel behind him, darkly walking towards the commotion. He looks concerned, scared and angry.

The guy in front of me smirked. "Ralf Evangelista," pagpapakilala niya. Suddenly a loud thump went inside my head. Sobrang sakit nito kaya bahagya akong nawalan ng balanse. I heard Ate Agatha screaming my name when Kiel caught me.

Kinuha niya ang baso sa kamay ko at inilapag iyon sa katabing mesa. "Can you stand?" Mahinahon nyang tanong. His voice felt like medicine.

Tumango ako at agad na tumuwid ng tayo habang inaalalayan niya. His face looks serious and stiff. "Kieffer Elijah Alvirez," Ralf scoffed. Parang baliw na tumatawa ito habang papalapit sa amin.

Kiel hid me behind him while Kuya Fourth and Cain stopped Ralf from nearing us.

Bago pa tuluyang magkainitan ay dumating na ang kausap ni Daddy kanina, kasama ang mas marami pang mga guwardiya para palabasin si Ralf.

GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon