Chapter XVI

19.7K 383 16
                                    

"You're coming home tomorrow?"

Tumango ako habang nililigpit ang mga nagkalat na gamit sa hotel, "yup!"

"Where's your art work? I want to see it." Nang lingunin ko siya ay nakapangalumbaba ito habang nakaharap sa kanyang camera.

I can't let him see my work. Una, dahil baka marami siyang tanong kung sino ang lalaking iyon. He might think the boy is my first love, and I can't get over my puppy love or something like that!

Pangalawa, wala sa akin ang gawa ko. Pinaiwan ko yung painting sa condo ni Stella.

She looks impressed and surprised nang makita ang gawa ko. I don't know why. Sa totoo lang ay mas nagulat pa ako sa reaksyon niya. Bago pa nga ako umalis ay pinaalalahanan niya akong huwag masyadong ma-attach sa lalaking patuloy kong napapanaginipan.

"Wala sa akin, e. I'll show you next time." Ngumuso ito at tumango. We ended the video call around one in the morning dahil may meeting raw siya ng six sa kanilang opisina.

Nang humiga ako ay agad akong hinila ng antok. The white ceiling from my hotel room became a beautiful blue sky.

"Tara, doon tayo sa ilalim ng puno!" Tinuro ko ang isang malaking Narra tree sa kasamang lalaki. He's wearing a white shirt and some khaki shorts. The wind is messing his hair. Pero hindi niya iyon inaayos dahil sa mga hawak.

Tumango ito habang nakangiti. Bitbit niya ang basket at isang manipis na tela pang sapin.

I smiled back at inagaw ang sapin sa kanya para tulungan siya. "Ako na ang magbibitbit nito!" I giggled and ran towards the big tree. Gamit ang maliliit na kamay ay nilatag ko doon ang manipis na sapin. Nang makasunod siya sa akin ay nilapag niya doon ang dalang basket na may lamang mga pagkain.

"Who prepared these?" Tinuro niya ang basket na kakalapag niya lang.

Tinaas ko ang kamay ko, "Me!"

"Hmm. I don't think so. Si Nanay Thelma siguro."

Inayos niya ang sapin na aking nilatag. I crossed my arms and pouted. Hindi siya naniwala sa akin!

Imposible ba talagang ako ang naghanda noon? But he's right. Nanay Thelma did all these. Gusto ko nga sanang tumulong pero baka masira ko lang ang lasa ng mga hinahanda niya.

Nakita niya akong nakasimangot. Tumawa ito gamit ang kanyang mababang boses. "Sige na nga. Ikaw na ang naghanda nito."

Pinatong niya ang kanyang kamay sa aking ulo. Hinawakan ko rin ang kamay niyang nakapatong doon.

He smiled at iniling na lamang ang ulo.

Nilabas namin ang nasa loob ng basket. Ilang sandwiches, fruits at canned softdrinks ang nasa loob noon. Ang mga tinapay at prutas ay nakalagay sa mga Tupperware.

Sinimulan kong kainin ang mga prutas doon while he was busy opening the lids for me.

Sa pagod ko sa ginawang paglalakad ay para akong patay gutom! Buti pa siya at parang hindi man lang napagod kahit siya ang nagbitbit ng lahat ng gamit.

Pinulot ko ang isang lata ng softdrink at pinipilit na buksan iyon. But my little frail hands weren't helping.

Kinuha niya agad iyon mula sa akin. "Do you always drink this? Sa susunod ay juice nalang ang inumin mo."

Tinitigan niya ang lata at para bang nagdadalawang isip kung bubuksan iyon. "Bakit naman?" I pouted.

"Masama ito sa katawan." Ganoon ba iyon? Tumango ako at abot tenga ang ngiti.

"This would be your last, then?" I nodded again, "this would be my last," pag-uulit ko at tinanggap ang nakabukas na lata ng softdrink.

Nalukot ang mukha ko nang uminom doon. It's cold, delicious and fizzy! Just the way I like it! Sayang lang at huli ko na ito.

GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon