Chapter XL

9.5K 272 19
                                    

Few days later, Aristelle finally went back to the Philippines.

Alam kong gusto ko na siyang umuwi rito ngunit ang kaniyang timing ay mukhang hindi maganda. I'd want her better in London now dahil mukhang magkakaroon ng gulo.

I even built my own publishing company, thinking it'll make her busy in London. Pero huli na ako. Nakauwi na siya at makikipag kita ako para sa kanilang kontrata.

Pinipigilan ko ang sarili kong ngumiti nang mapansin ang titig mo sa akin. I know you missed me too, and you're not being subtle, baby.

Her hair is longer now. Her facial features are still the same. They are still soft like how they're used to be. The way I liked it.

"Review the contract. If you have any requests or violent reactions, let us know. We can revise the contract to your liking." Pinanuod ko kung paano ito ngumuso habang binabasa iyon. Una pa lang ay alam ko nang mangyayari ito.

Alam kong hindi niya mababasa iyon ng maayos dahil ito ang unang pagkikita namin pagkatapos ng ilang taon. Kaya naman ginawan ko agad siya ng kopya ng kontaratang iyon.

"Oh, my goodness gracious! Did my brother proposed to you using a necklace?" Lorelai squealed in excitement.

Kunot ang mga noo, tinitigan ko ang kwintas niya. I tried so hard not to explode. Kaya naman nagtiim bagang na lamang ako. 

Good thing I know she wasn't engaged. Dahil kung hindi ko alam ay baka sumabog na ako dito para ipagsigawang sa akin siya dapat ikasal.

"That's your copy. Just contact me if you need something to be revised." Tumayo na ako para matigilan na ang mga iniisip. I need to get a grip.

"Oh! Y-you're leaving a-already?" Tumayo na rin sila Lorelai.

Yes, I need to go before I snatch that necklace off your neck.

I was very happy to see you again. Pero hindi pa rin malaman ang gagawin dahil natatakot akong masaksihan mo ang maaaring maging gulo. Ayokong madamay ka rito. I need a plan.

Ang plano ko ay lumayo muna sa'yo sandali hangga't hindi namin nahuhuli ang dapat managot sa nangyari kay Liam.

Pero tulad ng dati, hindi umaayon sa akin ang tadhana.

Pagkatapos ng meeting, I checked my phone and saw a message from you.

Are you free later? I want to talk about the contract.

Agad akong nagtipa ng sagot ngunit hindi ka na sumagot. I flooded you messages pero wala pa rin. That's when I decided to go to your mansion. I needed to make sure you're okay!

"I'm sorry, Kiel. Wala kaming alam," iyon ang unang linya ni Tita Harriette sa akin nang makausap ko sila sa loob ng opisina ni Tito Lucius.

You're not here. Sabi nila ay lumabas ka kasama si Lorelai. Kapag nasa akin ka na ulit, hindi ka na pwedeng umalis ng walang paalam, Aris. You better enjoy tonight because this might be your last night without permission going out.

Umiling ako at seryosong tinignan ang mag-asawa sa aking harapan. "Ayos lang po, Tito, Tita. Ako nga po ang dapat humingi ng tawad at hindi ko agad nasabi ang lahat sa inyo."

"Kung ako ang nasa sapatos mo, malamang ay maguguluhan din ako," pag-aamin ni Tito Lucius.

Tita Harriette reached for my hand, gently squeezing it. "Alam kong hindi naging madali sa'yo ang itago lahat ng ito, Kiel. Alam mong ikaw ang maaaring lumabas na masama rito ngunit hindi mo iyon pinansin at sinunod lamang ang hiling ni Liam."

GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon