Chapter XXIII

13.2K 330 5
                                    

"Finally!" Sinalubong ko ng yakap si Jia nang makita siya sa pintuan ng aking unit.

After long years, she's finally here!

She's been wanting to come here in London to meet me. Pero dahil busy rin siya ay hindi matuloy tuloy.

Nang makahiwalay sa yakap ay pinaupo ko ito sa bagong ayos kong sala. "I missed you! Lalo kang gumaganda, ah. You're blooming!" Aniya.

Hinawakan ko ang pisngi ko. "Are you married?" Nanliit lalo ang kanyang singkit na mga mata dahil sa kanyang tanong.

"What? No!" Tumawa ito habang tinatanggap ang mga palo ko. How can I be married? Ni wala akong nagustuhang iba pagkatapos kay...

"Baka ikaw?" I said, diverting her attention from my love life! She smiled from ear to ear at itinaas ang kanyang kanang kamay na may singsing.

It's a diamond ring! She's getting married! "Oh my gosh, Jia!" Nagyakap ulit kami.

"Sinong nagtiis sa baluktot mong dila?" Tanong ko habang tinitingnan ang kanyang singsing. Hindi maitago ang kaunting inggit. Makakatanggap kaya ako ng ganito?

All I got was a ring tab from a softdrink can. Hmm...

"I know right! He's from Korea. Ipapakilala ko siya sayo next time!" Tumango ako.

"Is that why you've been bugging me to meet you? Para inggitin ako sa kasal mo?" Pabiro kong tinapon ang kanyang kamay na may singsing. Tumawa ito na lalong nagpasingkit ng kanyang mga mata.

I'm happy for her! Ang sabi nga niya sakin ay bumalik rin siya ng Korea, taon matapos kong umalis ng pilipinas.

"Of course! Pero hindi lang iyon ang dahilan... I kind of want to talk about something..." Sumeryoso ito. I shifted on my seat.

Tumaas ang kilay ko, hinihintay ang kanyang idudugtong. "Did you talked to... Kiel?"

Bumuka ang bibig ko, pero isinara ko ulit nang hindi makapag salita. "Or to Rianne? Rianne Lopez? Do you remember her?"

Dahan-dahan akong tumango. Oh no. Is Kiel really involved in Rianne's case?! Agad akong kinabahan. Are they... together now? Kumalat ang pait sa aking sistema.

"No... why?" Bumagsak ang balikat ko.

"I shouldn't tell you this, Aris... Dapat kay Kiel ito manggaling pero I can't take it anymore! May karapatan ka rin na makaalam!"

Tinikom ko ang bibig ko. Trying to prepare myself from hearing it. Pero sa kabilang banda ay ayokong marinig.

"A-ayokong marinig, Jia." I said to convince myself I really don't! Kumunot ang kanyang noo.

"Alam mo na ang tungkol kay Liam, hindi ba? Ipinagkait niya ang katotohanan sa amin. He didn't helped us, Jia. And I'm pretty sure I'm fine with him and Rianne going out... tutal wala na rin naman kami." Dahan dahan kong paliwanag. Bawat salita ay labas sa aking ilong.

It's been years. And I know I hated him. Pero masisisi ko ba ang sarili ko kung siya pa rin?

"Wait— what? Kiel and Rianne are dating?" Takang taka nitong tanong na ikina-taka ko rin.

Oh!

Para bang may kung anong party sa aking tyan na umaabot sa aking puso. They're not in a relationship!

Wait. Galit ako. Galit ka, Aristelle! Why are you happy about this!

"H-huh? Hindi ba iyon ang ibabalita mo sa akin?" I asked, picking my glass of water. Nauhaw bigla. Agad siyang umiling habang pinapanuod ang panginginig ng aking kamay.

"No. It's about Rianne, Kiel and... Kuya Liam." Kumunot ang noo ko. What? Anong ibig sabihin niya? Why is Liam suddenly coming out?

"Do you remember the story I told you about Kiel and Rianne? Na matindi ang ginagawang pagsunod ni Rianne kay Kiel noon? At bigla nalang siyang huminto at nawala?" Tumango ako. She told me this story in a cafe. Noong unang beses kong nakilala si Rianne.

"It turns out... Rianne witnessed Kiel and Kuya Liam's conversation. The night before Kuya Liam got shot!" Bumilis ang tibok ng aking puso! She what?!

Hinawakan ko ang dibdib ko, trying to make it calm before I palpitate. "Your Kuya Liam was delivering drugs, Aris!" 

"W-what?" Umiling ako habang naiiyak.

Hindi makapaniwala sa naririnig. Rianne is lying! My brother won't do that! That's insane!

Si Jia naman ay tumango. "Hindi nila alam na nandoon si Rianne at nakikinig. Pero nang marinig ang presensya ni Rianne ay nagpaliwanag sila. Kuya Liam didn't know it was drugs he's delivering. Nakabalot iyon at siya ang ginagawang delivery boy. Kapalit noon ang malalaking halaga."

The business... he wanted to build something for him and Stella! At iyon ang nahanap niyang paraan?!

Tumuloy siya nang hindi pa rin ako makapagsalita, "Yung araw na umalis si Rianne para mag-ibang bansa ay ang araw din ng pagkamatay ni Kuya Liam. Hinahanap siya ni Kiel para makatulong sa kaso, pero nakaalis na ito."

"B-but... Why didn't Kiel told us that?" Halos bulong lang ang nakaya ko.

"He doesn't want you to think of Kuya Liam as a bad guy, Aris. Ayaw niyang marumihan ang imahe ng kapatid mo sayo." Hindi ko na napigilan ang mga luha. Tinakpan ko ang aking bibig sa gulat. And all this time... I blamed and accused him! Pinakain ko ng maling impormasyon ang utak ko!

"Kuya Liam got shot after he confronted the syndicate who gave him the job. Nakailang deliver na kasi siya. It kinda makes him a part of the syndicate already. Knowing it was drugs or not, nakasali na siya sa mga dealings."

"Nagalit siya dahil hindi niya alam na droga pala ang mga iyon. He... threatened them na magsusumbong siya sa mga pulis kapag hindi siya pinayagang makaalis. He doesn't want to continue delivering, pero ayaw siyang payagan ng sindikato." Hindi ako makapaniwala! This sounds so brutal to me. It's my brother we're talking about! Gusto ko nang takpan ang mga tenga ko.

"I don't know if you saw Kiel that night but... nadali rin siya ng saksak noong araw na iyon. He tried helping Kuya Liam from the syndicates. Tinulungan niyang makatakas si Kuya Liam mula sa armadong mga lalaki. Kuya Liam did ran away, but he was shot while running." Muli akong umiling. Hindi ko na kayang makinig.

What happened is an outrage! Malayong malayo sa mga iniisip ko! At si Kiel... oh my g—. Inakusahan ko siya!

Ibinaon ko ang mukha ko sa aking mga palad. Humagulgol ako at tinanggap ang yakap ni Jia. "I'm sorry, Aris."

"Kiel told me not to tell you... Pinilit ko siya pero ayaw niyang ipasabi sa iyo. Siguro ay kumukuha siya ng tyempo sayo." Oh, no.

"Rianne also asked me where she can to meet you. Kaya narito rin siya. Nilapitan si Stella to tell her the real story."

Nanatili si Kiel sa tabi ni Liam hanggang huli! I remember seeing him that night in the hospital. Duguan ang kanyang damit... I thought it was Liam's blood, but it wasn't! It was his!

Hinayaan niyang masira ang tingin ko sa kanya kesa sa kuya ko! And, he's right. Kung nalaman ko ito noon ay talagang magagalit ako sa aking kapatid!

He really is a fool! Alila ito ng pag-ibig! Nalagay siya sa ganoong sitwasyon dahil sa paghahangad ng sobra! He should've waited to be capable of handling his own company. Hindi dapat siya nagmadali!

Nang bahagyang huminahon ay biglang bumukas ang aking unit. Tulala ako sa kakapasok lang na si Stella. Kasama si Rianne.

Nagpalipat lipat ang tingin ni Stella kay Jia at sa akin. Her eyes also looks swollen from crying. Walang salita itong lumapit sa akin para yumakap. "I'm sorry..." bulong niya, muli akong humagulgol.

We both found out the truth today. Masakit iyon sa parte niya, dahil maaaring siya ang dahilan kung bakit napasok si Liam sa trabahong iyon.

Masakit rin sa parte ko, dahil ang kapatid ko ay namatay sa illegal na paraan.

Lumipas ang mga oras na tahimik kaming apat. Pare-parehong hindi alam kung paano papagaanin ang lahat.

Pare-parehong hindi alam kung paano lulunukin at tatanggapin ang katotohanan.

GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon