Chapter III

15.8K 429 8
                                    

Hanggang sa panaginip ay sinundan ako ng mga mata ni Kiel. I couldn't forget how his eyes meet mine. Hindi ko makalimutan kung paano niya ako titigan gamit ang kulay abo niyang mga mata. I dreamed about being watched by him. 

Pinapanuod niya ang bawat kilos ko. Like a hawk, watching its prey. Pakiramdam ko ay tumataas ang balahibo ko sa tuwing naiisip ang mga mata niya!

"Good morning, Ma'am Kaia," the driver greeted, opening the car door for me. "Manong naman, sabi ko po huwag niyo na akong tawaging "ma'am" e!" Simangot ko. "Ayos na po sa akin ang Aris... or Kaia kung iyon po ang gusto niyo." Hinalungkat ko ang bag ko habang sinasabi iyon. Hindi pa rin talaga ako sanay kapag tinatawag ako sa ganoong paraan.

Titles like that always makes me feel distant to our workers. I liked to think that they're a part of our family now. Hindi lang dahil sa nagtatrabaho sila sa amin, kundi dahil matagal na rin naman sila rito. They all know everything about us. Isa pa, mas matatanda sila sa akin. Kung meron mang kailangang gumalang ay ako iyon.

These are some of the thoughts my father has instilled in me. I thank Him everyday for giving me a kind man as my father.

Tumawa na lamang ang driver sa sinabi ko at mabilis nang pinaandar ang sasakyan para makapunta sa eskwelahan.

My phone rang as I counted the trees outside. I sighed as I read the caller's name. Nagdalawang isip ako kung sasagutin iyon. Pero sa huli ay wala rin akong nagawa kundi tanggapin ang tawag. "Hello, Ate Stella," bati ko sa tawag.

She answered me with a sigh. Ngumuso lamang ako. I don't want to start my day with negativity, please! "Kamusta na, Ate?"

"Can we facetime?" Nagpaalam ako para magawa ang kanyang gusto.

"So... How are you?" Pag-uulit ko. She's wearing a red scarf. Ang ilong niya ay medyo mapula at ang mga mata ay halatang galing sa pagkakaiyak. Did she cried? I tried to plaster a smile. But all I could do was a faint smile.

"I miss him more every time I see you, Aristelle." Her little dimple showed when she smiled softly. Like her old smiles. But this time, it was different. Her face smiled but her eyes didn't.

"Ate, please... Stop torturing yourself." Mahina ang pagkakasabi ko. I don't know if that'll cheer her up or bring her down even more. Biglaan ko na lamang nalinya iyon sa kanya.

"I'm sorry. It's just..." Mariin itong pumikit at huminga ng malalim. Muli siyang ngumiti sa akin. "You really look like him."

I couldn't find the words para gumaan ang pakiramdam niya. Ang sarili ko nga ay hindi ko kayang amuhin kapag naaalala ko ang kapatid, e. "I know. But I think he's more beautiful. Lalo na siguro ngayon."

To tell you the truth, I don't have a clear memory of my childhood. I tried asking my psychiatrist about it. He said it was normal because I had a traumatic experience.

Minsan ay may mga pumapasok nalang sa isip ko pero hindi ko alam kung memorya ba ang mga iyon o isang panaginip lang.

Stella makes me feel that way sometimes. I would see images of us three laughing and playing together. Then I'd waste my time wondering if what I had was real or just a plain dream. Because sometimes, it can be very compelling. Kaya mas mahirap para sa akin na paniwalaang panaginip lamang ang mga iyon.

Kung pwede lang sana na hindi sagutin ang tawag ni Ate Stella, ganoon ang gagawin ko. I missed her so much but our conversations were always like this.

I miss the old her. The old bubbly Stella.

Halos bagsak ang pakiramdam ko nang pumasok na ako sa klase. Nawala ang magandang mood dahil sa tawag na natanggap. Now I just want to go home and sleep. "You okay?" Salubong na tanong sa akin ni Jia.

GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon