Chapter XVII

12.6K 325 9
                                    

Sa hapag ay masayang nagkukwentuhan ang lahat. Wala si Daddy dahil inaasikaso niya ang mga bilin ni Lola Lucilda. Ganoon rin ang ibang mga tito ko. Kahit na nanay iyon ni Mommy ay si Daddy pa rin ang pumiling mag-aasikaso sa mga gagawin.

Sina Kassandra, Kaius, Kuya Cloud at si Mage ang kasama namin ngayon sa hapag. Dumaan lang sila sa aming mansyon ngayon para bumati at bumisita, pero aalis rin sila pagkatapos kumain para sa isang resort.

The Monteverde siblings booked the whole resort para doon magsasama sama ang lahat. Doon na rin kasi gaganapin ang sinabing party.

Ang iba ay galing sa iba't ibang mga bansa, ang iba naman ay galing sa mga probinsya. Of course, because every family is all managing their own companies.

Ngunit hindi ko lubos na maituon ang pansin sa kwentuhan kakaisip sa lalaking nasa panaginip. Nang mabawi ang tawanan dahil sa isang biro ay hindi na ako nakapag pigil. "Mommy, naaalala niyo po ba yung mga kaibigan ni Liam noon?"

Ang ngiti ng mga pinsan ay mabagal na nawala. Like I just said something that's not supposed to be discussed. "Like who, anak?" She carefully asked.

Kumunot ang noo ko sa pag-iisip. I don't know his name. Pati ang mukha niya ay hindi pa rin malinaw sa akin. In my dreams, his face is clear and I can describe every details of it. Pero kapag nagising na ay nawawala iyon.

His features become vague.

Umiling ako nang hindi maalala ang kanyang pangalan. "Ralf? You know Ralf, My?" Bigkas ko sa tanging pangalan na naalala.

I think she blinked three times before breaking our eye contact. Bumalik ito sa paghihiwa ng kanyang pagkain. "I just... remembered him recently. At bigla kong naisip kung bakit hindi ko na siya nakikita ngayon."

"Is he Kuya Liam's friend?" Singit ni Kassandra. "Because if he is, maybe he got depressed when Kuya Liam passed away, kaya umalis siya?" Salo niya sa aking tanong. She has a point. But why do I feel like mommy's keeping her mouth closed?

Hindi ko na dinagdagan pa ang tanong tungkol sa bagay na iyon. Nanatili na rin akong tahimik at ngumingiti na lamang sa kanilang usapan. After dinner, we all went to our living room. Natanaw ko ang naglalakihang mga sasakyan na nasa labas. Siguro naroon na ang mga gamit nila.

Doon na sila didiretso sa resort. We wanted to offer them rooms here pero sa laki ng Monteverde ay hindi lahat mabibigyan ng kwarto. Sa aming magpipinsan pa lang ay puno na ang mga kwarto.

Mage's cat-like eyes went on mine. Every time I look at my cousins, hindi ko maiwasang hindi sila purihin. Her features are so sharp ang thin. Para bang isa itong anime na naging tao. "See you at Lola's party, Ate Aris." Tumango ako at hinalikan ang kanyang pisngi.

The questions I wanted to fire remained as bullets.

***

Sa malaking salamin ay tinignan ko ang isang eleganteng dress na suot. A light blue wavy dress is perfectly hugging my figure. Hindi ito maikli ngunit hindi rin ito ganoon kahaba. All my cousins are already dressed. Ilang minuto nalang ay ipapatawag na ni Lola ang lahat para tumayo sa harapan ng mga panauhin.

I invited Kiel, but he said someone already invited him. Nagkibit balikat lamang ako. Someone in my family knows Kiel? Hindi ko alam kung sino at hindi ko na rin iyon natanong sa kanya.

Mabilis lumipas ang mga araw. My dreams are still the same. The guy is always there with me. Lagi ko ngang iniisip kung panaginip nga lang ba ang mga iyon o mga memoryang nakalimutan.

If it is just a dream, ayoko nang magising. Pero kung totoong nangyari nga ang mga iyon... why would I forget such lovely memories? I wanted to ask my parents about it but I feel like it'll bother them more.

GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon