Chapter 8: Stuck With You

545 9 0
                                    

Naglalakad kami sa cafeteria nang mapansing may isang grupo na tila ba'y may tinutukso sa di kalayuan. Bullies na naman. Ang iingay. Hindi na natapos. Naglakad ako palapit sa grupo at kinalabit sila. Nagulat naman ang kinalabit ko at agad na nagbigay raan. Bilang student council, it's our duty to ensure the peace around Academia lalo na't may hidwaan ang Elites at Prosaic.

"Ano na naman ba to?" Sabi ko sakanila na halatang irita boses ko. Bilang student council kasi kami din ang dapat magpanatili ng peace and order sa organisasyon ng Academia.

Nakita ko sa gitna ng bilog si Jamie na halos maiyak na sa takot.

"Vi, si Jamie Cruz naman yan eh. Isa mga mamamatay tao dito sa Academia." Wika ng isang babae na may halong pandidiri sa pangalan ni Jamie.

"So? May proof kayo?" Wika ko nagulat naman si Jamie sa sinabi ko at parang nanlaki ang mata niya. Nilabas ko ang panyo sa bulsa ko at inabot sakanya.

"Magpunas ka. Elite ka tapos ang dumi ng uniform mo." Wika ko sakanya sabay irap. Humarap naman ako sa grupo.

"Bakit? Siya ba ang pumatay sakin? Siya ba ang may kagagawan? Kamay at katauhan ba niya?" Tanong ko sakanila habang nakacross arms. Napailing naman sila.

"But she's the sis—"

"So?" Pinutol ko ang isa na sasabat pa.

"Clean it up now! Nakakairita ang ingay at kalat." Sabi ko sabay talikod at iling.

"Feels good to see you back in track." Bulong ni Hillary habang nagsslow clap.

"Baliw. It's my duty and totoong nakakairita." Sabi ko sakanya habang natatawa. Umagree naman silang dalawa ni Angel sa sinabi ko.

Maya maya may lumapit sa table namin.

"Hi, Vi and Vi's friend. Baka gusto niyo bumili ng brownies and cookies samin." Wika ng isang babae. Naka-grey coat ito at grey skirt. Prosaic to. Kapag Elite kasi black coat and skirt so malaki ang difference. Ano kaya ginagawa ng isang ito sa cafeteria ng Elites?

"No thanks! Hindi kasi ako kumakain ng nuts." Sabi ko na nakapout pa. Totoo namang hindi ako kumakain ng nuts.

"Pass/No thanks." Tipid na sagot naman ni Angel and Hillary bago tuluyang umalis ang nagbebenta sa amin ng brownies.

"Andito na naman mga Prosaic sa cafeteria natin. Nakakairita." Sabi ni Hillary. Napalingon ako at napansin ang mga nakagrey uniform sa paligid. Oo nga noh. Dito kasi sa Academia hindi usual na institution lamang. Hinahati ang high school department sa Elites at Prosaic. Elites ang mga let's say mga galing sa mga kilalang pamilya at matatalino. You have to have both and not just one. Ang mga Prosaic naman ang mga pinaghalong mayayaman pero mabababa ang grade or nagkaroon ka ng malaking violation sa school in short siraulong hindi nagseseryoso sa pagaaral at pati na rin ang mga hindi galing sa mayaman na pamilya. Discrimination? Matagal nang ganyan ang sistema dito at hindi naman nagkakaroon pa ng malaking gulo. Tuwing may events naman like foundation week at recruitment week ay wala namang hidwaan so all is well.

"Si Kevin oh." Wika ni Hillary sabay turo sa di kalayuan. Napairap naman si Angel. Si Kevin ang example ng mayaman pero loko loko.

"Elite na sana siya kaso ayan nahalo sa mga Prosaic kasi ang baba na nga ng grades, puro away pa dito sa Uni." Sabi ni Angel habang umiiling. Kapag elites kasi sabi nila binibigyan ng magandang recommendation sa college pero kapag prosaic kailangan talagang magsikap kaya malaking sayang kung nagsimula ka bilang Elite pero bumagsak bilang Prosaic. Remember, you have to have both money and brains kaya mataas din tingin ng karamihan sa syudad tungkol sa Academia dahil sa standards nito.

Napatingin ako kay Kevin na kulay pula ang buhok tusok tusok pa at puro hikaw sa tenga. Hopeless. Ilang beses na yang sinita at sinanction ng council, prefect at principal kaso hopeless. Pasalamat nalang siya may pambayad pamilya niya kundi baka nakick out na iyan. Lapitin pa ng gulo ito.

Diaries Of Miss PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon