"Beau! Surf tayo gusto mo?" Tanong ni Brent sa akin kaya tumango ako. Kinuha niya agad ang surfboard sa isang parang shop."Marunong ka na ba?" Tanong niya sa akin. Natry ko na pero dalawang beses palang. Nagpupunta din kasi kami dito nila mommy dati.
"Natry ko na before tara." Sabi ko sakanya at kinuha na ang surfboard. Aaminin ko medyo may trauma pa din ako pero hindi ko alam at hindi siguro mapapaliwanag ng kahit sinong psychiatrist kung bakit kayang kaya ako pasayahin nitong Castro na to.
(Comment naman diyan kung alam niyo haha)
"Sure ka?" Tanong niya at tumango naman ako. Tumakbo naman kami papunta sa dagat. Humiga ako sa surfboard at nagpaddle palayo sa dalampasigan.
Nang may makita akong magandang alon ay agad akong tumayo at binalanse ang sarili ko pero wala bumagsak ako.
Hindi naman nakalayo ang surfboard dahil nakatali ito sa paa ko.
"Beau! Okay ka lang?" Bigla akong nagulat nang makita si Brent na nasa tabi ko na.
"Brent naman! Wag OA marunong ako lumangoy." Sabi ko sakanya at inirapan pa ito.
"Beau! Beau ang tawagan natin diba?!" Pangaasar niya na parang nagboboses babae pa. Sinamaan ko naman siya ng tingin nang marealize na ginagaya niya ako noong nagkaperiod ako.
"Sige ganito. Pagalingan ano." Paghahamon niya sa akin na nakangisi pa.
"Sige ba." Sabi ko at sumakay na sa surfboard ko.
"Sakto may paparating game!" Sabi niya at nagpaddle na papunta sa alon. Ganon din ang ginawa ko pero nang tumayo ako nagtagal lang ito ng ilang segundo bago ako bumagsak ulit.
"Loser!" Pangaasar sa akin ni Brent kaya binelatan ko naman siya. Kinurot lang niya ang pisngi ko pero inirapan ko siya.
"Isa pa." Sabi ko sakanya. Mapagtripan nga ito.
Sumakay agad siya ng surfboard at sinalubong ang alon pero nanatili ako sa pwesto ko. Nang dumating ang alon ay maganda ang tayo ni Brent pero lumingon lingon siya sa paligid kaya naout of balance siya at nahulog. Pagangat naman niya ay napatingin agad siya sa akin.
"Uto uto." Pangaasar ko sakanya kaya lumangoy siya papunta agad sa akin at kinurot pisngi ko.
"Ikaw talagang babae ka!" Sabi niya habang pinangigilan at natawa naman ako nang maalala ang mukha niya kanina.
"Yan! You look better smiling." Sabi ni Brent at hinalikan ng mabilis ang noo ko. Namula naman agad ang pisngi ko.
"Mga Castro!" Napalingon kami sa sumigaw at nakita na nandoon na ang mga kaibigan namin.
"Tara na. Nagaalala mga yan sayo eh." Sabi ni Brent at lumangoy na kami pabalik ng shore.
"Uy di kayo nagaaya magsurf." Sabi ni Hillary nang nakangisi pa. Isang malaking villa ang kinuha ni Brent para sa amin na may five bedrooms pero syempre ang pinakamalaking room ang sa amin nakatoka at bahala na daw ang walo maghatian sa kwarto.
"Vi, okay ka na?" Salubong sa akin ni Joshua. Ngumiti lang ako ng tipid at tumingin kay Brent. Ayaw ko kasi sanang pagusapan ang nangyari.
"Lunch na tayo." Sabi ni Brent at inakbayan na ako palayo sa kanila.
"Thank you." Bulong ko. Buti nalang nagets niya kaagad ang gusto ko iparating. Tumigil kami sa restaurant dito sa resort kung saan tanaw ang dagat. May isang mahabang lamesa at umupo na kami ni Brent doon. Sumunod naman na din ang mga kaibigan namin. Napansin ko naman na may ilang mga guests na nandoon mostly couples pero oonti lang. Sembreak ngayon pero onti lang nagbabakasyon sa resort namin. Shame.
Nagserve naman kaagad ang mga waiter ng pagkain. Sakto din dahil napagod ata ako kakalangoy at parang nagutom ako.
"Since friday ngayon, puntahan natin iyong pinupuntahan ng marami dito na parang pang-party." Sabi ni Joshua.
"Sounds fun!" Sabi naman ni Alex.
"Sabagay sulitin na natin stay natin dito. G ako." Sabi naman ni Hillary at tumango naman ang karamihan sa sinabi niya. Napatingin naman sa akin si Brent.
"What do you think?" Tanong niya sa akin. Honestly, okay lang sa akin kasi ayaw ko na talaga ng katahimikan o nang mafeel na magisa.
"Sure." Sabi ko.
"Yehey!" Sabi naman nila at pinagusapan na ni Hillary at Angel ang susuotin nila samantalang ang mga boys naman ay napagusapan kung may babae ba daw doon o ano.
"Ikaw, Vi? Ano susuotin mo?" Tanong ni Hillary sa akin. Napakunot naman ang noo ko.
"Well, hindj ko alam kung anong mga damit mayroon ako diyan kasi si Brent nagimpake." Sabi ko at napa-O naman bibig niya pero biglang nagseryoso mukha niya.
"I have a bad feeling about this. Punta ka sa room namin ni Angel if wala ka mapili ha." Sabi niya at tumango lang ako.
At tama nga si Hillary.
"Beau! Bakit naman puro pants at tshirt dinala mo!" Sigaw ko kay Brent na nasa banyo nagaayos.
"Eh yan lang gusto ko na damit mo eh. May dress naman akong pinili eh." Sabi niya at tiningnan ko ang dress na pinili niya. Maluwag ito na long sleeves.
"Aigoo! Mukha akong manang dito eh." Sabi ko at umiling nalang sakanya. Lumabas naman ako ng kwarto namin at dumeretso sa kwarto nila Hillary. Nadaanan ko pa sa living room ng villa si Joshua, Zion at Alex na naglalaro ng cellphone. Bilis naman ng mga to magayos.
Binuksan ko ang pinto nila Hillary at nakitang nagmamakeup na sila.
"Crisis." Sabi ko at umiling agad silang dalawa.
"Sabi na eh." Sabi ni Hillary bago ako hatakin para maupo sa kama nila.
"Hayaan mo kami bahala sayo, Vi." Sabi naman ni Angel. Si Hillary naman parang may hinahalukay sa maleta niya.
"Tama! You should look good. First official out of town slash night out natin ito so dapat lang maganda tayo. Baka may gwapo pa don nako." Sabi ni Hillary.
"Ikaw lang naghahanap ng boys sa atin Hillary wag ka nga." Sabi naman ni Angel kaya tiningnan siya ni Hillary at ngumiti ito nang parang nangaasar.
"So taken ka din? Kanino?" Tanong ni Hillary.
"Hindi ah. Sadyang wala lang akong time maghanap ng boys." Sabi ni Angel at umupo sa tabi ko.
"Suuus! Aminin mo lang na mahal mo pa din si Kevin." Pangaasar ni Hillary kaya binato siya ni Angel ng unan.
"Ano ka ba, Hill." Sabi ni Angel na halatang nagpipigil ng ngiti at lumabas ng room.
May nilabas lang si Hillary na damit at pinasuot niya ito sa akin. Sinuot ko naman ito. Nilagyan lang ako ni Hillary ng light make up at si Angel naman ay inayos ang buhok ko.
"Hurry up! Tagal niyo!" Sigaw ni Joshua habang kinakatok ang pintuan.
"Psh! Excited lang maghanap ng chicks yan eh." Sabi ni Hillary kaya natawa kami ni Angel. Nang matapos kami magayos ay lumabas na kami.
Kapansin-pansin namang natahimik ang mga lalaki.
"Quit drooling! Let's go." Sabi ni Hillary at naghair flip pa kaya natawa naman ang mga boys.
"Iksi ng dress mo." Bulong sa akin ni Brent kaya inirapan ko lang siya.
Nang makarating kami sa place ay hinarangan kami ng parang bouncers.
"IDs please." Sabi nito pero bigla siyang nilapitan ni Joshua.
"Joshua Kiel Sy." Sabi niya at parang nagulat ang mga bouncer. Bigla silang umusog at nagbigay daan sa amin.
"The power of names." Sabi ni Zion na natatawa. Pagupo namin sa table na mahaba ay agad na silang nagorder ng mga alak at pagkain.
"How about we play a game of truth or dare?" Biglang pagaaya ni Joshua at tumango naman kaming lahat.
Good thing I have friends like them.
BINABASA MO ANG
Diaries Of Miss Perfect
Roman pour Adolescents[COMPLETED] "Sometimes we are faced with problems to learn a hard and good lesson that will change our lives." Maria Victoria Beau Montenegre or Vi for short, the one and only heiress of the Montenegre group of companies, secretary of the student bo...