"Hello Academia de Valley University!" Sigaw ng guest host sa stage na ginawa sa isang parte ng open fields.Halo-halong hiyawan naman ng mga estudyante ang bumalot sa open fields. Nasa gitna ang mga estudyante suot-suot ang kani-kanilang mga costumes para sa field demo nila. Makikita mo ang makukulay at creativity ng mga costume nila. Ang iba ay may mga drums pang dala para sa kani-kanilang chants.
Makikita mo lahat nang mga Elites ng High School Department ng AVU sa paligid. Every end ng week ng July dinidiwang ang Foundation Week kumbaga Intramural tawag sa ibang universities pero Foundation Week ang tawag nito sa amin kasi dito din dinidiwang ang anniversary ng AVU.
"I bet you're all ecstatic and so excited for this year's Foundation Week. Aren't you?" Sigaw ng host at agaran namang nagcheer ang lahat.
Hindi lamang estudyante ng HS Department ang nandito kasi puwede din manood ang mga college students at outsiders as long as nakapagsignup ka sa registration na ginawa naming student council.
"Wow! How about we start the chants of the sections!" Sabi nito at nagsimula sa first year hanggang sa mga seniors.
Tumingin naman ako kay Hillary at napansin na nakayuko ito at nagdadasal. Bakas ang kaba sa bawat kilos niya. Actually, halos lahat ng nasa class namin ay nakayuko. Ngayon ko lang ata nakita ang class namin na natahimik ng matagal.
"Ganda ng design mo sa costume namin." Bulong sa akin ni Angel.
"Oo nga, Vi! Mas lalong maeemphasize ang steps sa costume." Sabi naman ni Marty habang tinitingnan ang costume.
Ang costume kasi namin ay blue na jogging pants na may white and gold line sa sides na may terno na jacket na ganon din ang istilo ngunit sa babae ang cropped. May white long sleeves sa loob. Nagpakulay naman kaming mga babae ng blonde na buhok pero washable naman at naka-pigtails kami na pa-bun lahat. Nagfacepaint din kami na kalahati ng mukha namin ay may gold na paint. (See thumbnail for better imagination.)
"Nakakainis naman itong face paint parang mangangati mukha ko." Pagrereklamo ni Brent at parang kinukotkot ang mukha nito kaya pinalo ko ang kamay niya.
"Don't do that. You'll ruin the pain sayang uniformity." Sabi ko sakanya at napabuntong hininga nalang siya.
After ng ribbon cutting ay nagproceed na ang lahat sa gymnasium para sa field demo. Umupo kami sa designated side namin sa bleachers.
"Tabi diyan." Sabi ni Brent sa lalaking nasa likod ko. Nilingon ko naman siya.
"Beau naman! Wag mo naman takutin kaklase natin. Mawala pa sa performance." Sita ko sakanya at nagbuntong hininga lamang pero hinatak pa din niya palayo ang lalaki at umupo sa likuran ko.
Marty - Brent - Alex
Angel - Me - Hillary
Girl - Joshua - GirlIyan tuloy ang naging set up kasi ayaw ni Brent na may malapit na lalaki. Oo, habang tumatagal mas lalo siyang nagiging possessive pero hindi naman ako naiinis unlike noong kami pa ni Austin na naiirita ako sakanya. Samantalang kay Brent natutuwa pa ako. Naiinis din kasi ako sa mga makukulit na lalaki eh.
"To all the seniors! Cheer naman diyan!" Bati ng host sa amin. May ilan na nagcheer pero ang section namin ay halatang kinakabahan na dahil nananahimik. First time lang kasi na nagoutside of the campus na practice pa kami at masasabi ko na talagang pinaghandaan pa from the routine to the costumes.
Noong weekends din ay may pinapunta si Mommy na designers ng Monte Grande clothing line para sukatan ako. Sinabi ba naman kasi ni Brent na sasali kami sa Mr. and Ms. Campus so ayun mas excited pa si mommy kaysa sa amin.
BINABASA MO ANG
Diaries Of Miss Perfect
Genç Kurgu[COMPLETED] "Sometimes we are faced with problems to learn a hard and good lesson that will change our lives." Maria Victoria Beau Montenegre or Vi for short, the one and only heiress of the Montenegre group of companies, secretary of the student bo...