A/N: Short chapter ahead
"Grabe akala ko waves lang maganda doon pero pati mga lalaki. Dami hunks..."
Kitang kita ko na medyo naging tan si Hillary dahil sa pagbeach niya nung weekend. Kinwento lang niya kung gaano kasaya pumarty doon at may mga gwapo din daw and so on and so forth pero humupa ang kwentuhan nang pumasok ang homeroom teacher namin.
"Goodmorning, Class D!" Wika ni Mrs. Torres at binati siya ng ilan pero ang ilan ay tahimik lang.
"As you all know, may Mr and Ms Campus ang foundation week. Last year representative natin si Ms. De Vega at hindi naman siya nabigo na manalo." Parang proud na proud pa si Hillary at naghair flip pa. Natawa nalang kami ni Angel sa gestures niya. Maganda naman kasi talaga si Hillary, sexy pa and overflowing ang confidence.
"Nominations tayo today for Mr and Ms Campus. Sino gusto magstart?" Tinaas naman ni Hillary kamay niya at tinuro siya ni Mrs Torres.
"I willingly nominate, Montenegre for Ms. Campus." Wika nito at napangiti naman ang homeroom teacher namin hinatak ko naman Hillary.
"Bakit ako? Ayoko ng ganyan. Bakit hindi nalang si Angel?" Wika ko.
"Hindi pwede si Angel kasi diba sumali na siya noong first year tayo? Ikaw never pa. Sayang naman." Wika ni Hillary at tumungo naman si Angel. Nag-apir pa sila at nagngitian. Pinagkaisahan pa ko.
"Ayoko. Ayoko too much limelight ang Ms. Campus at hindi ako sanay sa pageant pageant." Pagrereklamo ko pero natawa lang si Hillary.
"Vi, honestly, sumali ka man o hindi sa Ms. Campus, nasayo pa din limelight ng Academia ano ka ba." Wika ni Hillary na natatawa pa.
"Oo nga, Vi. Diba nagrurunway ka na dati. Kaya mo yan." Dagdag pa ni Angel.
"Oo pero sa brands naman kasi namin yon at rampa lang yung walang salita salita or talent portion or spotlight talaga na sa akin lang ganon ay basta." Di ko na maexplain basta ayaw ko.
Ending, ako ang nanalo sa Ms Campus nominations para sa section namin.
"For Mr Campus? Sino magnonominate?" Tanong ni Mrs Torres.
"I willingly nominate, Castro for Mr. Campus." Suhestyon naman ni Joshua na kinagulat ko. Natawa naman si Angel at Hillary.
"Pinagttripan niyo ba ako?" I glared at the two and they just shrugged their shoulders habang nagpipigil ng tawa.
"Good choice, Sy. Magandang may newbie naman na makapasok sa Mr. Campus."
After class, naglakad na kami papuntang cafeteria para sa lunch break.
"I can't believe na you guys set me up." Sabi ko sakanilang tatlo at natawa naman sila. Isa isa ko silang binatok.
"Ano ba pumasok sa kokote niyo?" Tanong ko sakanila.
"Hindi ka ba nagbabasa ng messages sa groupchat natin sa facebook, Vi?" Tanong ni Hillary. Nagmemessage pala sila doon. Masyado kasi akong preoccupied lately na hindi ko na nachcheck ang messages ko sa social network. Dance practice sa gabi tapos nagrereview pa ako for exams. Tapos mga inaayos namin ng student council.
"Well, sinabihan kasi ako ni Mrs Torres na magbobotohan na and she wanted someone na new. Na hindi pa nakikita ng mga tao magpageant. Someone close to me daw so parang may light bulb na umilaw sa utak ko that time." Kwento ni Hillary at napakunot naman ako ng noo.
"Eh bakit si Castro pa?" Tanong ko.
"Seems fun lang, Vi and something new nga diba?" Sabi naman ni Joshua.
"Fun my ass. It aint." Natawa nalang sila. Ugh. Ayaw ko talaga makapares yang si Castro sa pageant. Ayaw ko na nga magpageant what more pa kaya na kasama pa ang mayabang na blondie na iyon.
"Kung ako sayo, Vi. Magiisip na ko ng talent portion remember pairing ang talent portion kapag sa Mr. and Ms. Campus." Wika ni Hillary na nakangisi pa. Oo nga pala.
"Alam niyo...onti nalang iisipin ko na nagmamatchmaking kayo." Sabi ko sakanila at natawa lang sila.
Bigla namang may tunawag sakin sa di kalayuan at nakita ko ang Mara-Clara twins. Lumapit naman sila bigla sakin at tunayo ako sa lamesa namin.
"Vi, you know naman the rules in the student hand book diba?" Tanong sakin ni Clara at nagnod lang ako as answer.
"Ganito kasi yun, sinabihan kami ng Principal na bakit daw parang may mga estudyante na hindi sumusunod sa code of conduct..." Si Mara naman nagsalita pero dinugtungan ni Clara.
"We already told the newbies about this. Pumayag naman ang kaklase namin na si James to cut his hair in accordance to the rules..."
"Si Zion naman ay napagsabihan na din ni President Andrew at sa kabutihang palad sumunod naman agad siya look." Turo ni Mara sa isang part ng cafeteria. Nagulat ako ng napansin na nakaclean cut na ang buhok ni Zion at James at wala na silang suot na earrings at ang uniform nila ay nakaayos na din sa dresscode. Actually, they looked so much better.
"The only problem is the other three." Sabi ni Clara.
"You see sinabihan na namin sila kaso hindi sila sumusunod talaga. Hindi nga kami pinansin ni Castro eh. Yung dalawa naman nginitian lang kami." Sabi ni Mara na may pag-irap pa.
"Since ikaw ang in charge sa Class D, it's your responsibility to take care of them Vi. Sure naman akong ayaw mong bumaba credentials mo as Secretary of the Student body diba?" Tanong ni Clara at agad akong napailing.
"I'll talk to them..." Sabi ko pero hopeless yan. They're stubborn as hell lalo na yang si blondie.
"Kapag hindi daw naging maayos ang daloy ng student body ng Elites ay hindi daw bibigyan ng Chancellor ang student council ng magandang recommendation for college." Nanlaki naman mata ko sa sinabi ni Mara. Nang dahil sa onting pasaway malalagot pa ang buong student council.
"Sige gawan ko ng paraan." Sabi ko sakanila at nagnod naman sila agad.
"Sige, Vi. We believe in you." Sabi ni Clara bago sila magbye at kumaway na paalis. Umupo agad ako sa table namin at sumulyap sa kabilang table kung saan nagtatawanan ang lima. Mukhang tinutukso pa nila si Zion at James.
"Goodluck on your mission, Vi." Sabi ni Joshua na natatawa pa. Inirapan ko lang siya. Nakikinig din pala sila sa usapan namin.
Goodluck talaga.
After lunch naglakad na ako papunta sa room. Magisa lang ako kasi si Joshua mineet mga kabarkada niya sa basketball team. Si Hillary naman pumunta ng shopping center sa campus para bumili ng moisturizer. Si Angel naman may meeting with the science club.
Bigla namang natanaw ko si Chief Bogo sa hindi kalayuan tumatakbo.
"Madame, sumunod muna kayo samin at ieevacuate namin kayo sa premises ng Academia." Sabi niya na nagmamadali at ginuguide ako palabas ng campus.
"Ano meron, Chief?" Pagtataka ko pero biglang naging alerto lahat ng guards. Napapalibutan ako ngayon ng 6 na guards. Napapatingin na sakin lahat ng estudyante. Hindi pa kasi tapos ang lunch break kaya karamihan ay nasa labas pa ng room.
"May nareceive kaming tip, madame. Bilisan nalang ho natin." Sabi niya at wala na kong nagawa kundi bilisan ang paglalakad.
"Ano meron? Anong tip?" Pagtataka ko pero pinasok agad nila ako sa van namin. At nagdrive na sila palayo ng University.
Nagulat ako ng bigla nilang hinawakan ang kamay ko at nakita kong nakangiti si Chief Bogo bago tinakpan ng panyo ang ilong ko at unti unti nang nagdilim ang paningin ko.
Am I being kidnapped? Traydor ka rin pala, Chief. Tumulo ang luha sa isa kong mata bago ako tuluyang nawalan na ng malay.
BINABASA MO ANG
Diaries Of Miss Perfect
Fiksi Remaja[COMPLETED] "Sometimes we are faced with problems to learn a hard and good lesson that will change our lives." Maria Victoria Beau Montenegre or Vi for short, the one and only heiress of the Montenegre group of companies, secretary of the student bo...