Chapter 21: Nightmares of the Past

433 9 0
                                    



"Vi, uwi na ko since wala naman tayong dance training ngayon." Wika ni Hillary at nagbeso lang ako sakanya bago ito lumabas na ng room.

Napatingin naman ako kay Angel na nagbabasa ngayon ng libro at hindi pa nagaayos ng gamit.

"Miss Perfect, magtraining na kami." Sabi naman ni Brent bago umalis. Tumango lang ako sakanya at sumenyas na na lumayas na siya sa harapan ko.

"Angel, hindi ka pa uuwi?" Tanong ko at umiling naman siya.

"Uhh...magaaral pa sana ako kasi diba may quiz agad bukas. Hindi naman ako makakaconcentrate sa bahay." Wika nito. Iyong kuya kasi ni Angel eh kakauwi lang daw galing sa out of the country trip nito with friends. Pasaway din kasi ang kuya niya. Let's say opposite sila ni Angel. At malamang iniisip nito na kukulitin siya ng kuya niya buong araw.

"Tamang tama iintayin ko si Brent ngayon. Gusto mo sumama sa gymnasium?" Tanong ko. Nagisip muna siya ng ilang sandali bago pumayag.

Pagdating namin sa gymnasium ay pinili namin maupo sa bleachers na malayo sa court since magrereview pa si Angel.

Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong lumipat sa amin si Brent. Naging routine na namin ang paghatid sundo niya sa akin. Hindi din naman naging mahirap para kay Brent kasi saktong tuwing may dance training ako ay may basketball practice naman siya. Nataon lang na wala kaming practice ngayon kasi inaayos pa ng coach namin ang routine since nawala na si Julie na isa sa mga center.

Nilabas ko ang planner ko at nagsketch lang ako ng pwede naming costume sa field demo ng class. Nang matapos ko ang sketch napangiti ako at kinalabit ko si Angel. Tumingin naman ito sa akin kaya inabot ko ang sketch ko.

"Okay ba siya para sa field demo natin?" Tanong ko.

"Oo, Vi! Ang ganda niya." Wika ni Angel habang tinititigan ang gawa ko. Bigla namang may humablot nito sakanya.

"Ayos to ah. Pero ang iksi ng palda." Puna ni Brent kaya hinatak ko sakanya ang planner ko.

"Epal ka na naman. Magtraining na kayo." Sabi ko at inirapan pa siya.

"Water break namin eh." Wika niya at inabot ang tuwalya sa akin.

"Papunas likod ko." Sabi niya. Umiling lang ako at pinunasan likod niya.

"Laki laki mo na hirap na hirap ka magpunas lagi ng likod mo." Sabi ko sakanya at nang matapos ay binalik ko na ang towel niya.

"Thanks, miss perfect." Sabi niya bago nagjog pabalik ng court.

"Business lang ba?" Pagtatanong bigla ni Angel sa tabi ko at ngumiwi lang ako.

"Oo naman. Lagi talaga siyang nagpapapunas ng likod niya di daw niya maabot." Wika ko. Lagi kasing ganyan si Brent. Minsan, di ko nga alam kung 17 ba talaga to o 7 lang eh. Napailing nalang ako habang iniisip.

"Haynako, Vi!" Sabi ni Angel. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at bumalik na sa pagssketch. Nang matapos ako ay sakto din namang natapos na ang training ng boys.

"Uwi na tayo." Sabi ni Brent at hinatak na ako para bumaba ng bleachers.

"Teka si Angel." Sabi ko at bumeso kay Angel ng saglit bago sumunod kay Brent. Nakita ko namang nilapitan siya ni Joshua kaya kampante akong may makakasama ito.

"Brent, mag bihis ka kaya muna pawis na pawis ka na oh." Sabi ko kasi totoo naman.

"Sa kotse na. Tshirt nalang. Magiintay ka pa ng matagal eh." Sabi niya at umirap nalang ako.

"I'm fine naman maghintay saka kasama ko si Angel." Sabi ko pero nagpatuloy pa din siya sa paglalakad. Pumasok kami sa kotse at binuksan na niya ang makina. Kinuha niya ang tshirt sa bag niya at hinubad na ang tshirt niya.

Diaries Of Miss PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon