"Ate your dog is so cute!!! Can I visit more often?" Sabi ni Bettina na nasa backseat."No, Bettina. Just shut up sakit mo sa ulo." Sabi ni Brent habang nagmamaneho.
"You shut up and just drive, Kuya! Epal mo like forever!" Sagot naman ni Bettina kay Brent. Buong biyahe nagbabangayan ang magkapatid.
Kahapon kasi nagsurprise visit si Bettina sa Mansion at nagovernight pa ito doon. Halos buong gabi niya nilalaro si Blondie kaya ending hindi ko din siya masyadong nakabonding. Tuwang tuwa naman si Lolo dahil daw lumalaki lalo ang pamilya namin.
"What time pala game mo?" Tanong ko kay Brent parehas kasi kaming may game ngayon kaso sa Ynares ako samantalang sa Araneta naman siya.
"11. Ano ba tapos niyo?" Oh no.
"11 din." Sabi ko at sumimangot pa. Paano ako nito makakaabot sa laro nila baka mamaya patapos na ang maabutan ko.
"30 minutes away lang naman Ynares. Kaya yan, Beau." Sabi ni Brent at hinawakan ang kamay ko.
"Makakabot ka ate! Just focus on your game now ha!" Sabi naman ni Bettina.
"Yes, Bettina. Dederetso ako sa Araneta after ng game namin." Sabi ko. May school bus naman daw na ihahatid kami papunta sa Araneta kaso aabot ba ako? Ayaw ko naman madisappoint sa akin si Brent. Best of three pa naman laban ngayon.
Nakarating kami ng Ynares.
"Sige bye guys! Hintayin mo ko Brent ha!" Sabi ko sakanya at nagpaalam na sakanila.
Nagjog ako papunta sa teammates ko sa Ynares.
"Just in time! Warm up na tayo!" Sigaw ni coach at nagwarm up na kami. Nagsimula naman ang game ng saktong 9:00. Good! Aabot ako nito tiwala lang.
Sa first set ay kami ang nanalo. Natambakan namin sila by 7 points.
"Tuloy niyo lang, team! Bantayan niyo si 3 ah mabilis kumilos eh." Sabi ni coach at tumango lang kami bago nagsimula ulit.
Sa second set ay sila ang nanalo. Parang mas lumalakas pa sila at namomotivate. Narinig ko naman cheers ni Hillary at James sa bleachers kaya ginanahan pa ako lalo.
Nang magthird set na ay mas naging smooth ang daloy ng bigayan namin ng teammates ko.
"David salo!" Sabi ko sa isang setter. Sinet naman niya ito at nagkunware akong papalo pero biglang dinrop ni Angel ang bola sa butas sa kabilang court. Point!
"Nice one, team." Nanalo kami sa third set at nagkaroon ng 5minute break.
"One more set at mananalo na kayo. Pahinga ka kaya nuna Montenegre." Sabi ni coach pero umiling ako agad.
"No coach kayang kaya ko!" Sabi ko sakanya at nagOK sign pa.
"Anong oras na?" Tanong ko bigla sa assistant coach namin.
"10:15. Bakit?" Pagtataka nito at umiling lang ako.
"Wala po." Sabi ko at pumwesto na agad. Shocks kailangan namin makuha itong set na ito para makaalis na kami.
Napapalingon ako sa mga kaibigan kong nasa bleachers maya't maya. Parang nadidistract ako. Aabot kaya ako sa game ni Brent. Wala na akong ibang gusto kundi bumawi sa suporta ni Brent sa akin.
"Get your head in the game Montenegre!" Sigaw ni Coach at ayon natalo kami sa fourth set kaya may fifth set pa tuloy.
Pumikit ako nang mariin at uminom ng tubig.
"Game!" Sabi ko at pumwesto agad. Kailangan namin manalo at dapat matapos na tong laro!
"Angel, set!" Sigaw ko at sinet agad ni Angel. Pinalo ko ang bola palayo sa blocker. Di nila inexpect na kaya kong ilihis ang bola.
"David, salo!" Sigaw ko at pinasa sakanya. Drop! Point!
Nanalo kami sa laban at natambakan namin sila by 9 points. Naghuddle naman kami at nagyakapan.
"Grabe pala maglaro kapag nagmamadali." Pangaasar sa akin ni Angel kaya nanlaki ang mga mata ko at tumakbo papunta kela coach.
"Coach anong oras na?" Tanong ko.
"11:00 bakit?" Sagot nito. Shocks!
"Coach what time aalis ang bus papuntang Araneta?" Tanong ko.
"Siguro mga 11:30 pagkatapos niyo magayos." Sabi nito.
"Una na ko coach ha. Kita kita nalang sa Araneta." Sabi ko dito at kumaway na bago tumakbo papuntang lockers. Kinuha ko kaagad ang duffle bag ko at nagsuot ng jacket. Sana naman makaabot ako kahit second half manlang. Tumakbo ako sa bleachers at hinanap ang mga kaibigan ko.
"James! Hillary!" Sigaw ko sakanila habang tumatakbo papalapit. Napapatingin naman na ang mga tao sa akin dahil siguro sa pagmamadali ko.
"Padrive naman ako papuntang Araneta tara na bilis!" Sabi ko at hinatak na sila palabas ng stadium.
"Chill malapit lang ynares makakaabot tayo nito." Sabi ni James at napatingin ako sa orasan ng cellphone ko. 11:10 na agad?! Bilis ng oras ano ba yan!
Sumakay agad kami ng kotse ni James.
"Tara na James bilisan mo pa." 11:20 na. Natawa naman si James at Hillary sa reaction ko.
Tinginan ko ulit ang cellphone ko at binuksan ito.
10:50AM
Beau ❤️: Magsstart na game. See you later! Love u mwa"Huy nagsisimula na wala na ba tong ibibilis?" Tanong ko kaya napasandal na ako.
"Traffic, Vi. Aabot yan my god!" Sigaw ni Hillary sa akin. Bigla namang siningit ni James ang kotse sa lahat ng pwede masingitan. Yan good! 11:50 na ano ba yan. Nasa cubao naman na kami.
"Patay! Hindi na tayo makakasingit. May aksidente eh one way lang ito." Sabi ni James habang tinitingnan ang aksidente sa harapan. Ano ba yan, Lord! Bakit ayaw mo kong paabutin. Binuksan ko naman agad ang pintuan.
"Maglalakad na ako. Malapit naman na eh. Pakidala bag ko!" Sabi ko at nilagay ang cellphone ko sa secret pocket ng jacket ko bago tuluyang lumabas. Tumakbo naman ako papunta sa Araneta. Sinundan ko lang ang signboards sa paligid.
Nagulat naman ako nang may humatak sa dalawa kong braso at may tumigil na van sa gilid ko.
"Let go!" Sigaw ko at pinagsisipa ang mga ito. Natumba naman ang dalawa pero may tatlo pang lumabas sa van at kinuha ako. Mga naka-all black sila, masks at caps pa. Sinubukan kong pumiglas pero masyadong mahigpit ang hawak nila.
"Tulong!" Sigaw ko pero bigla nilang tinakpan bibig ko at hinagis ako sa loob ng van. Sobrang bilis ng pangyayare na wala agad nakareact na tao miski ako hindi ko to inexpect lahat.
Brent! Patawad.
"Happy to see me again?" Binaba ng isa ang mask niya at namukhaan ko ito na si...
Sebastian Cruz.
BINABASA MO ANG
Diaries Of Miss Perfect
Ficção Adolescente[COMPLETED] "Sometimes we are faced with problems to learn a hard and good lesson that will change our lives." Maria Victoria Beau Montenegre or Vi for short, the one and only heiress of the Montenegre group of companies, secretary of the student bo...