Chapter 27: Foundation Week: SPORTS TALK

383 11 0
                                    



A/N: dito lalabas ang tunay na kulay ni Vi kapag galit siya.

Unang laro ang basketball for today. Kasabay nito ang futsal na gaganapin sa open fields dahil wala nang available na courts. Pinili ko manood nalang sa basketball since andito karamihan ng mga kaibigan namin.

Nagsimula na ang laban at first five si Sy, Valle, Diaz, Yap at Agustin. Kalaban nila ang section B na nanalo kanina sa section A. Bracketing system kasi ang ginawa and since kami ang nanalo sa field demo kahapon, advantage namin.

Class A vs Class B
(winners will fight against Class D)
Class E vs Class C
(winners will fight against above bracket)

Ganyan ang magiging bracketing system sa lahat ng sports kaya din gustong gusto naming manalo ng field demo. Mas hindi kasi mapapagod. Malas mo nalang kung hindi ka nakasama sa top three kasi paguran talaga.

Lamang ang Class B sa points sa first quarter at parang nagdidiwang na kaagad sila. Napailing naman ako sa mga reaction ng section nila. Hindi pa yan tapos guys. Kilala ko maglaro at ang game plan ni Joshua.

"Tss yayabang. Intayin niyo mamaya." Sabi ni Hillary at napangisi naman ako sa sigaw niya.

"Tagal na ni Joshua sa varsity team pero hindi pa din nila alam laro nito." Sabi naman ni Angel at napatango naman ako.

"Uy patapos na?" Sumulpot bigla si Kevin sa gilid namin. Uupo na sana siya sa side ni Angel nang bigla itong tumayo ulit at lumipat sa side ni Hillary.

"Nope. Kaka-second quarter palang." Sabi naman ni Hillary habang tutok na tutok sa laro. Napatingin naman ako kay Angel at napansing naglabas nalang ito ng cellphone at hindi na namansin masyado sa paligid.

Kailan kaya magpapansinan ang dalawang ito. Hindi na tuloy kumakain sa cafeteria ng elites si Kevin. Tinitiis nalang daw niya sa prosaic side para din makaiwas kay Angel.

Napansin ko naman na may sugat ito sa labi niya. Napaaway na naman siguro what's new.

"San mo yan nakuha?" Tanong ko sakanya at tinuro ang labi niya. Napahawak naman doon si Kevin at dinilaan ang dugo na tatakas na sana.

"Wala to. Alam mo niyo namang puro trouble ang mga prosaic." Wika niya kaya tumango nalang ako. Wala namang bago doon. Kaya din hindi sila binibigyan ng chance ng Academia kasi puro gulo ang prosaic at puro nagbabagsakan ang grades akala mo sila chito miranda, gloc 9 at francis m eh.

Nanuod naman ako ng laro at pinasok ni Joshua ang ibang benchwarmers habang siya ay nakikipagusap lang kay Brent na nakaupo sa bench.

Sinabihan ko kasi si coach na player namin ng volleyball si Brent kaya wag sana i-overwork ito. Nang matapos ang second quarter ay hindi naglaro si Joshua pero naging tie ang laro. Pumasok naman bigla ang mga HS PEP Squad para sa halftime show. Sila din daw ang nagperform kanina.

Napakunot naman ang noo ko nang napansin na nagpapasexy ang center nila sa side ng Class D. Hindi ko lang alam kung kay Brent ba o kay Joshua.

"Tingnan mo yang malanding yan." Sabi ni Hillary na ang sama ng tingin sa sinasabi ko.

"Prosaic yan eh. Third year Class 1 nominee for upgrade next school year." Sabi ni Kevin at tumango naman kami. Ngumiwi naman si Hillary sa sinabi ni Kevin.

"Someone cheap like her doesn't deserve to be upgraded as an Elite. Yuck!" Sabi naman ni Hillary. Si Angel naman busy lang sa pagsscroll sa cellphone niya.

Nanlaki mata ko nang maglabas ng roses ang PEP Squad at isa isa nilang binigyan ang players pero nagulat ako nang makita na iyong nagpapasexy kanina ay inaabutan si Brent ng rose.

Diaries Of Miss PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon