Chapter 19: Good day to Bad day to Worst day

387 10 0
                                    



Cancer is a malignant tumor of potentially unlimited growth that expands locally by invasion and systemically by metastasis. Colon is the part of the large intestine that extends from the cecum to the rectum.

Nagsesearch ako ngayon about sa sakit ni lolo. May mga nabasa naman ako na ways para icure ito at may mga lumabas na alternatives. Nakampante naman ako somehow pero hindi ito biro.

"Madame, maging maingat ho kayo starting today ah." Sabi ni Chief Bogo. Nasa kotse kami ngayon papunta na sa Academia. Late ako pumasok ngayon sa school kasi wala namang classes since recruitment week naman. Naka-PE uniform ako ngayon kasi magppractice daw kaming lahat ngayon in preparation for foundation week. Of course, shorts ang pinili kong pambaba.

"Bakit may tip na naman ba kayong nakuha?" Tanong ko habang nagbabasa sa cellphone ko about sa cancer at cure nito.

"Hindi po, madame. From now on, hindi na daw po kayo susundan ng mga guards sa school." Napatingin naman ako sakanya at unti-unting napangiti.

"Talaga ba? Bakit? Ano nangyare?" Tanong ko na tuwang tuwa. Natawa naman si Chief at si Manong sa reaksyon ko.

"Simula noong inannounce niyo ni Mr. Castro na ikakasal kayo, nilift na ni Lord ang guards mo. Pinagkakatiwalaan daw niya si Mr. Castro na babantayan kayo." Sabi niya at napapalakpak naman ako. Oh my god! A taste of freedom finally. Hindi na ako mangangaba kung may nakikinig ba sa usapan namin ng mga kaibigan ko or what.

"Yay! Thank you, Chief!" Sabi ko sakanya at ngumiti lang siya.

"Another good news, madame." Wika niya kaya napatingin ako sakanya ulit.

"Another one? Ano pa?" Pagtataka ko habang nakangiti na abot tenga.

"Nagkaroon na po ng enough evidence upang madiin si Sebastian Cruz and Julie Cruz at hinatulan po sila ng lifetime sentence sa kulungan." Sabi ni Chief at nanlaki ang mata ko pati ang ngiti ko mas lumaki pa.

"What a nice day indeed!" Wika ko.

"Isa ito sa mga rason kung bakit kampante na din si Lord." Tuloy pa niya. Pumalakpak naman ako at inalog si Chief.

"Thank you, Chief! Sobra! Napakagaling niyo. Akala ko hopeless na kasi hindi nakita ang mukha niya sa cctv pero nakahanap pa kayo ng enough evidence." Sabi ko na tuwang tuwa.

"Madame, pinadala na pala ng moving van ang mga gamit niyo sa mansion. Mamaya uuwi na kayo ulit sa mansion." Si manong naman ang nagsalita ngayon.

Good day, indeed.

I have decided na sa mansion na ko titira ulit tutal andon na si mommy at si lolo naman ay gusto ko makasama. Okay lang naman sakin gumising ng mas maaga if that's what it takes to spend more time with my lolo.

Masaya akong naglakad sa hallway nang nakasalubong ko naman si Joshua kasama ang dalawang lalaki na kilala ko bilang basketball players.

"Saya mo ata today?" Tanong nito.

"Sobraaaa." Wika ko sakanya.

"Una sa lahat wala na kong guards na nakabuntot see.." gesture ko sa paligid at ginala naman ni Joshua mata niya.

"Pangalawa, nahuli na ang may sala sa nangyare weeks before. And lastly, babalik na ko ng mansion." Sabi ko at natawa naman si Joshua.

"Wow himala mas madaldal ka pa sakin ngayon ah." Wika niya.

"Syempre!" Sabi ko sakanya at ginulo lang niya buhok ko. Napangiwi naman ako at hinawi ang kamay niya. Dumeretso kami sa cafeteria kasi andon daw ang barkada. Magbreakfast daw muna kami bago magpractice.

Diaries Of Miss PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon