Nagdatingan ang mga kaibigan namin ng saktong 6:00pm. Ang iba sakanila ay nagdala ng kotse at ang iba naman ay nagpadrive lang sa kani-kanilang drivers."Kevin, shut up." Sabi ni Hillary habang hawak ang kanyang tenga. Nagdala kasi ng gitara si Kevin at kung anu-ano ang tinutugtog.
Pinahanda ko ang grill sa garden at nagrepresent naman si Brent na siya ang maggrill ng barbecues at steak. May burgers din na binila sila Joshua kaya para talaga kaming may celebration.
"Beau." Bigla kaming napalingon kay Lolo na nasa may pintuan. May hawak itong tungkod at nakasunod sa kanya ang nurse niya.
Bigla namang natahimik ang mga kaibigan namin pero agad siyang pinuntahan ni Joshua, Hillary, Angel at Kevin para mag-bless. Kilala na kasi sila ni Lolo.
"You enjoy yourselves ha. Nagpadala ako ng champagne, wine, beers and some hard drinks. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang gusto ng mga edad niyo eh." Agad namang lumabas sa garden ang mga guards na may bitbit na mga ice coolers na puro alak.
Nanlaki naman ang mga mata ng mga kaibigan ko.
"Lolo ano ba yan." Sabi ko at napakamot ako.
"When I was your age talagang ineenjoy namin ang weekends with alcohol. Kaya feel free madami namang rooms dito basta don't make babies ha." Kwento niya at natawa naman sila.
"Except for you Beau and Brent. Okay lang naman sakin magkaapo sa tuhod na kung gusto niyo." Sabi ni Lolo kaya napayuko naman ako. Hinawakan naman ni Brent ang dalawa kong balikat.
"Sige po, Lolo." Sagot naman niya kaya hinampas ko siya.
"Sabi nang wag gatungan si Lolo sa ganyan eh." Sabi ko at natawa naman sila pati si Lolo. Feels good na nakikita si Lolo na nageenjoy.
"Lolo, nagpadala po pala si Mama ng pagkain. Binigay ko nalang po sa mayordoma." Sabi naman ni Joshua.
"Tell your mom thank you ha. Hindi na dapat siya nagabala. O sya! Magenjoy kayo mga apo ha." Sabi nito bago pumasok na ulit ng mansion.
"Wow! You're lolo is so cool." Sabi ni Marty na parang manghang-mangha.
"Hehe ganon talaga yon." Sabi ko naman na parang nahihiya pa din sa mga sinabi niya.
"Mabait talaga iyan at gustong gusto ispoil si Vi pati kaming mga kaibigan niya, wag mo lang inisin." Sabi ni Joshua. Oo grabe mainis si Lolo. Pwedeng bumagsak ang gusto niyang pabagsakin in no time.
"It runs in the blood pala." Sabi ni Brent na natatawa pa. Mukhang may inaalala siya kaya inirapan ko lang ito. Siguro iyong incident sa CR before.
Nagbukas naman kami ng Jose Cuervo na gusto ni Joshua at nagikutan nalang shot. Syempre si Joshua ang tanggero.
Nakaupo naman si Brent kung saan ako nakaupo. Nung una ay nagtalunan pa kami kung sino ang mas malaki ang sakop kasi ang sikip.
"Ano sumapi pala sayo Kev at naging top 7 ka sa buong senior year?" Tanong ni Hillary kaya nakinig naman kami sa kanya. Napatingin naman siya kay Angel.
"Just wanted to prove something." Sabi niya at nagiwas na ng tingin. Napatingin naman ako kay Joshua. Napansin kong hindi ito komportable. Alam na alam ko ang itsura nito kapag hindi siya okay. Tumayo naman ako. Tiningnan ko si Joshua at bahagyang sinenyasan na sundan ako. Iyong hindi mahahalata ng mga kaibigan namin.
"Kuha lang ako chichirya." Sabi ko at naglakad na papasok sa back kitchen. Kinuha ko ang Lay's at Cheetos na paborito ko. Nang bumukas ang pinto at dumating si Joshua.
"Sige mga ate iwan niyo muna kami." Sabi ko sa mga maids na nandoon. Nagbow lang ang mga ito bago umalis.
"I know you're not comfortable noong tinanong ni Hillary si Kevin." Sabi ko at napabuntong hininga naman siya.
BINABASA MO ANG
Diaries Of Miss Perfect
Ficção Adolescente[COMPLETED] "Sometimes we are faced with problems to learn a hard and good lesson that will change our lives." Maria Victoria Beau Montenegre or Vi for short, the one and only heiress of the Montenegre group of companies, secretary of the student bo...