Nagising ako sa ingay nang naririnig ko sa paligid. Hinanap ko ang cellphone ko sa kama para tingnan kung anong oras na. May kumakatok naman sa pintuan ko at bumukas ito."Madame, breakfast is served." Sabi ng maid at sumenyas lang ako na lumabas na siya.
8:00AM
Maaga pa naman bakit maingay na sa labas. 4:00 kasi ang assembly ng mga contestants para sa blockings and preparation na tapos 6:00 magsisimula ang Mr. and Ms. Campus ng senior year. Umaga kasi ang schedule ng first year students tapos lunch time sa second year students tapos third year naman sa hapon kaya kami ang nakaassign sa gabi. Kaya din okay lang kahit late ako magising.
Napansin ko naman na madaming tao sa loob ng mansion at nagpapasok ang mga ito ng mga kahon. Ano kaya mayroon?
Pagdating ko ng dining hall ay nakita na doon si lolo, mommy at Brent na nagtatawanan. Pero napansin ko si lolo na lalo lang pumapayat habang tumatagal. Tsk.
Umupo na ako sa tabi ni Brent at nilagyan na niya ng pagkain ang plato ko.
"Good morning, hija! How was your sleep?" Tanong ni lolo. Wow somebody's in a good mood.
"Okay naman po. Ano meron bakit maingay?" Tanong ko sakanila at nagsimula na kumain.
"Ito kasi si Papa. Pinaayos ang isa sa mga guest room." Sabi ni Mommy. Sabagay madami kaming guest rooms at apat lang naman kami dito sa mansion.
"Into what?" Pagtataka ko.
"Para sa magiging apo ko sa tuhod." Sabi ni lolo.
"Sabagay—" Bigla akong napatigil sa kinakain ko. Apo sa tuhod? Eh ako lang naman ang apo niya.
"Lolo ano ba naman sinasabi mo." Sabi ko kay Lolo at tumawa naman ito.
"Excited na daw si Lolo sa baby natin." Sabi naman ni Brent kaya tiningnan ko siya ng masama. Nakangiti lang ito.
"Brent. Wag mo na gatungan si Lolo. Jusko kayo!" Sabi ko at nagtawanan naman ang dalawa.
"By the way, tita and lolo, ito po ang invitations para sa event later. Pwede po pumunta ang mga parents since sa auditorium naman po ito gaganapin." Sabi ni Brent at inabot sakanila ang invitations. Ay oo nga pala pinalagay ko sakanya ang invitations ko kasi baka makalimutan kong ibigay kela mommy at lolo. Which is, nakalimutan ko nga.
"Pupunta ba sila Bastille?" Tanong ni Lolo.
"Lolo and Dad won't make it but Mom and my sister Bettina will come po." Sabi ni Brent. Si Bettina siguro ang nakita ko noon nang magskype si Lolo at si Sir Bastille. Actually hindi ko na nakikita pa ulit sila Tita Tamara dahil sa sobrang busy namin. Namimiss din siguro ni Brent sila.
Pagkatapos namin magbreakfast ay umakyat na ako sa kwarto ko at naligo na. Pagkatapos ko maligo ay napagdesisyunan kong pumunta sa kwarto ni Brent.
Kumatok ako ng tatlong beses bago ipihit ang pintuan para buksan. Nakita ko namang nanonood lang siya ng tv.
"Yes, Beau?" Tanong niya. Lumapit naman ako at umupo sa kama niya.
"Don't you miss your family?" Tanong ko at biglang nagseryoso mukha niya.
"Honestly, I do but if staying here will make me closer to you then gagawin ko." Sabi niya pero napailing ako.
"You know, if you miss them you could go there naman eh." Sabi ko sakanya. Bumalik na ang mga mata niya sa tv.
"I'll just visit during the weekends." Sabi niya. Napabuntong hininga naman ako. Okay lang naman talaga sa akin na doon muna siya eh. Kung kami talaga ang para sa isa't isa malayo malapit ay okay lang sakanya. Kakayanin niya.
BINABASA MO ANG
Diaries Of Miss Perfect
Roman pour Adolescents[COMPLETED] "Sometimes we are faced with problems to learn a hard and good lesson that will change our lives." Maria Victoria Beau Montenegre or Vi for short, the one and only heiress of the Montenegre group of companies, secretary of the student bo...