"Hi miss!" Sabi ni Zion sa isang babae na dumaan sa harap niya at halatang chineck-out pa ang pwet nito nang tumalikod na ang babae.
"Dirty playboy!" Sabi ni Hillary at umirap pa kay Zion."Excuse me, Ms. De Vega. I was just admiring her beauty." Sabi naman ni Zion kaya sarkastiko kaming natawa sa kanya.
"Admiring and simply flirting are two different words. Hook it up in the dictionary." Sabi naman ni James at lumiko na ito nang mapadaan kami sa classroom nila.
"Hoy Montemayor! Sinasabi mo diyan!" Sigaw ni Zion pero kumaway lang sakanya si James at hindi na siya pinansin.
"Ay putek!" Nagulat naman ako nang matapilok ako. Wala namang harang o bato sa sahig ah.
Nagtawanan naman ang mga kaibigan ko bigla.
"Brent Castro! I'm going to kill you!" Sigaw ko kay Brent at pinagpapalo siya.
"Kawawa naman si Vi. Natapilok pa. Baka may bato." Pangaasar pa ni Marty na halatang nagpipigil ng tawa kahit pinipilit nitong magmukhang malungkot.
"Isa ka pa!" Sigaw ko sakanya at tiningnan siya ng masama.
"Hay nakakamiss ang mornings na ganito." Sabi naman ni Joshua habang pinapaikot ang bola sa daliri niya. Inakbayan naman ito si Angel. "Diba, Angel?"
"Agree! Buo na naman ang tropang pochi." Sabi ni Kevin at nagtaas pa ng kamay. Hindi pa din siya natatapos sa group name na iyan ah.
"Kevin.." Sita naming lahat sa kanya at tumakbo na siya papasok ng room.
Pagdating namin ng room ay binaba ko lang ang bag ko at nakita namang nasa labas si President Andrew ng classroom.
"Uy, Pres!" Bati ko sakanya at lumapit na sakanya.
"How are you?" Deretso niyang tanong sa akin kaya nagulat naman ako pero mga ilang seconds palang ay nakarecover agad ako.
"I'm good, Pres. Sorry ah MIA ako sa council." Sabi ko sakanya.
"Okay lang. We understand. Here's the reports galing sa finance. Gawan mo nalang ng presentation para sa board." Sabi niya at may inabot sa akin na folder na sobrang kapal. Hay! Kakapasok ko lang dami na agad gawain. Nagulat naman ako nang may umakbay sa akin.
"What's happening here?" Tanong bigla ni Brent.
"Reports lang ng council." Sabi ko sa kanya.
"Kuya Brent! Ate Vi!" Napalingon kami sa tumawag sa amin. Si Bettina pala.
"Hi ate vi! Okay ka na? I was so worried about you ate." Sabi niya at tinulak si Brent para mayakap ako. Natawa naman ako sa gulat na itsura ni Brent.
"Bettina? What are you doing here?" Pagalit nitong sambit sa kapatid niya. Umirap naman siya.
"I came for ate Vi and not you, stupid." Sabi nito.
"Bettina Mae Castro from the first years, right?" Tanong sa kanya ni President Andrew. Nginitian naman siya ni Bettina at tumango. Binuksan naman ni President ang folder niya at mukhang hinanap ang pangalan nito. Oh no! Once na magbukas ito ng folder niya detention ang kasunod.
"When the bell rings and you're still not in your room, you will receive a detention slip." Sabi nito at tumingin ulit kay Bettina.
"Ha-ha poor kiddo." Pangaasar ni Brent sa kapatid niya. Halata namang nainis si Bettina kay President Andrew.
"So what?!" Sigaw nito kay President kaya napangisi si President Andrew. Tumingin siya sa relo niya.
"The bell will ring in 3...2...1!" Sabi niya at saktong nagring na nga ang bell.
"Have fun in detention." Sabi niya at binigay kay Bettina ang slip pero pinunit ito ni Bettina at tinapon sa sahig. Inapakan pa niya ito. Halata namang wala nang pake si President dahil naglakad na ito palayo sakanya.
"I don't care about that stupid slip! I am a Castro!" Sigaw niya kay President na naglalakad na palayo.
"Bettina, punta ka nalang sa room mo please. Wala kasing nakakatakas sa detention eh. Sorry." Sabi ko sa kanya nang nakapout pa. Nginitian naman niya ako.
"Okay ate!" Sabi ni Bettina at naglakad na papunta sa room niya pero nagulat ako nang batukan niya si President Andrew bago tumakbo paalis. Napatigil naman si President.
Looks like may makakaaway si Bettina this school year.
Naglakad na ako papunta sa upuan ko at nakipagusap nalang muna sa mga kaibigan ko bago dumating ang teacher namin.
"Okay class! Let's begin today's lesson!" Sabi nito.
After lunch excused ang lahat ng students ng AVU sa classes dahil opening na ng inter-school competition kung saan lahat ay required na suportahan ang school.
Nakarating kami ng Araneta Coliseum kung saan gaganapin ang opening. Nakatayo kami ni Brent sa harapan ng pila ng lahat ng players ng Academia dahil kami ang Muse and Escort since kami ang nanalo sa Mr. and Ms. Campus Senior Year.
"Let's give a round of applause for the players of Academia de Valley University!" Sabi ng host kaya naglakad na kami ni Brent palabas ng backstage at deretso sa gitna ng court.
Nabalot naman ng sigawan ng mga taga Academia de Valley University ang buong coliseum. Nakangiti lang ako sakanila at kumaway kaway lang kami ni Brent. Isa isa lang inintroduce ang mga kasaling school sa competitions.
Napatingin naman ako sa side ng HTU at nakita na escort si Brandon. Nakatingin din pala siya sa akin kaya nginitian ko nalang din siya nang makitang nakangiti ito.
"How do you know that Whitelock?" Tanong ni Brent sa akin bigla.
"Childhood friend namin ni Joshua." Bulong ko naman sakanya.
"Friend lang ha." Sabi niya nang seryoso pang nakatingin sa akin kaya bahagya naman akong natawa.
"Oo naman. Ikaw love ko." Sabi ko sakanya at bigla naman siyang ngumiti ng sobrang lawak.
"Good!" Sabi niya bago humarap sa audience. Nakita naman namin si Hillary, Zion at James na nasa bleachers kaya kinawayan ko ang mga ito. Hindi kasi sila sumali sa kahit anong Sports. Nang matapos ang opening ay nagpunta na kami sa backstage lahat.
"Manonood kami sa game niyo, Vi. Wala pa naman kaming laro today." Sabi ni Joshua kaya tumango ako.
"Goodluck on your game today, Beau. Kaya mo yan!" Sabi sa akin ni Brent. Hinalikan lang niya pisngi ko bago sumunod sa ibang players na papunta na sa bleachers.
Nang tinawag na ang school namin ay lumabas na kami.
"Goodluck sa atin, Angel!" Bulong ko sakanya.
"Oo paluin mo mga set ko ha." Sabi naman niya kaya nagapir naman kami.
Pagdating namin sa gitna ng court at nagulat ako nang may pa-banner pa ang mga kaibigan namin. Mas lalo tuloy akong ginanahan maglaro.
Maliit lamang na private school ang kalaban namin ngayon kaya ayon.
3 sets lang ang naganap at straight wins. Bonus pa na natambakan namin sila.
Nagkumpulan kami ng teammates ko at nagtatalon.
"Woo! Gandang buena mano!" Sigaw namin sa isa't isa. Nagulat ako nang may tumapik sa likod ko at nakita kong si Brent iyon. May hawak pa siyang bouquet.
"Happy 4th Monthsary!" Bati niya at inabot ang roses. Nanlaki naman ang mga mata ko. Hello? Medyo buong Araneta Coliseum at ang mga nanonood sa live broadcast ang makakakita nito.
Kinuha ko naman ang bouquet at niyakap siya bigla.
"Mas lalo mo lang ako pinapahulog sayo." Sabi ko sakanya at natawa naman siya.
"Mahulog ka lang. Sasaluhin kita parati. Mahal na mahal kita." Sabi niya.
"Mahal na mahal din kita." Sabi ko din sakanya.
"Baka naman gusto mong isurprise din ako sa game namin bukas." Pagbibiro niya kaya hinampas ko siya. Natawa din naman siya sa sarili niyang joke.
Hay! I love this guy so much! Sobrang full of surprises.
BINABASA MO ANG
Diaries Of Miss Perfect
Fiksi Remaja[COMPLETED] "Sometimes we are faced with problems to learn a hard and good lesson that will change our lives." Maria Victoria Beau Montenegre or Vi for short, the one and only heiress of the Montenegre group of companies, secretary of the student bo...