"Manong, nasan ka na po?"Tanong ko kay Manong sa text. Andito ako ngayon sa main entrance ng mansion iniintay si Manong. Usapan pa naman 9:00 nasa dance room na iba na kasi ang nakaschedule ngayon sa gymnasium kaya no choice sa isa sa mga dance room kami. 8:30 na at malalate na naman ako. 1 hour drive kaya papuntang Academia galing dito sa mansion.
Biglang may tumigil na pulang convertible sa harapan ko at bumisina ito. Umirap lamang ako.
"Sakay na. Late na tayo." Sabi niya pero hindi ko siya pinansin at nagtype lang sa cellphone ko.
Manong late na ako.
Nakaparada pa rin doon si Brent. Lumabas naman ito ng sasakyan at binuksan ang shotgun side. Nope.
"Sakay na." Sabi nito.
"Manigas ka diyan." Sabi ko at nagulat ako ng umacting siya na parang naninigas buong katawan niya. Napairap naman ako pero nagpipigil ako ng tawa. Nakakatawa kasi facial expression niya.
Bigla namang nagring phone ko.
Sorry madame. Si sir castro na daw maghahatid sundo senyo simula ngaun. :(
Nanlaki mata ko sa reply ni manong. End of the world na ba????? Parang umiiyak at sumisigaw ang kaloob looban ko pero wala na kong magawa kundi nagmartsa papasok ng kotse ni Brent. Napangisi naman ito nung sumakay ako.
Mabilis na nagmaneho si Brent kaya 40 mins palang nakarating na kami ng school.
Bumaba agad ako at naglakad na papunta sa dance room. Bahala siya diyan aba. Nasa hallway na ako kung saan ang floor ng dance room nang hinatak naman ako bigla ni Brent at may inabot saking damit. Pagtingin ko eh jogging pants pala.
"Wear that." Sabi niya.
"Ayoko nga." Sabi ko at binalik sakanya. Pero tinulak niya kamay ko pabalik sakin.
"Suotin mo nga lang sabi eh." Irita niyang sagot. Nilaglag ko ito sa sahig at tuluyan nang pumasok sa dance room. Bahala siya diyan.
Pagpasok namin ay nagsisimula na sila. Nginitian lang ako ni Hillary at sumali na kami sa likod.
Napansin ko namang sinisiksik ako ni Brent kaya napapaatras ako.
"Ano ba wag mo ko siksikin." Bulong ko sakanya.
"Eh masikip kaya umurong ka sa likod." Sabi niya.
"Kung uurong ako edi wala na sa blockings." Bulong ko pabalik.
"Eh bast umurong ka." Sabi niya.
"Edi natakpan na ko sa salamin."
"Edi mas mabuti." Sagot niya.
Tumigil bigla ang music.
"Lumabas nga muna kayo at magusap. Kung hindi kayo nakabusangot eh nagtatalo naman."
"Si Brent yon/Si Vi yon." Sabay naming sabi. Tumungo bigla si Hillary sa amin at sobrang bilis ng pangyayari ay tinulak kami nila Marty, Alex, Hillary, Angel at Joshua palabas ng room.
"Pagusapan niyo nga yang LQ niyo." Sabi samin ni Joshua.
"Q lang walang L." Sigaw ko. Napailing naman silang lahat at sinaraduhan na kami. Pinihit ko ang doorknob pero nakalock na ito.
What the heck????
Tiningnan ko si Brent at nakitang nakacross arms lang ito habang nakasandal sa pader. Naglakad na ako palayo sakanya. Bahala ka nga sa buhay mo.
Tumigil ako sa cafeteria at bibili na sana ng pagkain ng maalala ko...
"Shocks nasa room wallet ko." Bulong ko. Napakamot ako ng ulo at akmang ibabalik ang mga pagkain na nasa tray ko nang hawakan ako ni Brent.
BINABASA MO ANG
Diaries Of Miss Perfect
Novela Juvenil[COMPLETED] "Sometimes we are faced with problems to learn a hard and good lesson that will change our lives." Maria Victoria Beau Montenegre or Vi for short, the one and only heiress of the Montenegre group of companies, secretary of the student bo...