Chapter 5

305 6 0
                                    

Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are changed to make the story more appealing to readers and there are scenes that were added to make it more exciting. Any events or scenarios that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

“Before you go, I need to introduce you to our newest member, kapalit siya ni Ronald. Lumingon naman ako pero imbis na ngumiti ay nabigla ako kung sino ang kausap ni sir Raphy.

“Nicko this is JD” Nakita ko na nagulat si Nicko pero agad itong napalitan ng saya. Patay na.

“Si Nicko! Yung pinsan ni Jeff.” Sabin g utak ko.

“Small world nga naman di ba kuya?” Ngising sambit ni Nicko. I need to act as if everything is normal.

“Nicko, nice meeting you.” Kalmadaong sambit ko sa kanya. Good luck sa magiging buhay ko sa RPG10.

“Nice meeting you” pagbati niya, mukhang na gets niya ang gusto kong iparating. Napatagal ang handshake namin, pinilit ko itong hugutin pero hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

“Ah Nicko, can you let go of my hand now?”

“Ah, OO sorry” Binitiwan niya yung kamay ko pero di pa din siya umaalis sa harap ko.

“Oh, nakatayo ka pa diyan Nicko? Go to James and rehearse your pop routine. Nahuhuli ka pa din!” panenermon ni si Raphy sa kanya pero nakangiti pa ding nakaharap sa akin si Nicko. Umiwas naman ako ng tingin at pinagpatuloy ko yung pinapractice ko.

“Nicko! Are you listening to me?” Batok ni sir Raphy kay Nicko na ikinatawa ko.

“Sir naman eh!” Kamot niya sa ulo niya.

“Para ka kasing sira diyan nakangiti ka pa! Halla sige, punta na doon sa grupo mo.” Umalis naman si Nicko sa harap namin at dumiretso siya sa grupo ni James.

“Mukhang tinamaan sa iyo yung bata JD, iba talaga ang kamandag mo, di kumukupas” Biro sa akin ni sir Raphy.

“Adik ka talaga sir Raphy, halika na, turuan mo na ako” patay malisya kong sabi sa kanya.

It’s been an hour na simula nung nagstart ang practice, grabe sa tagal kong di nagsayaw ay sobrang hiningal ako. Hindi na ako sanay na magsayaw ng ganito and I can’t keep up with them. Pinipilit ko naman eh pero I really can’t. Nakakapagod, nagstretching naman ako kanina pero bakit parang nananakit katawan ko?

“Sir Raphy, wait lang, napapagod na ako. Hayy grabe, di na sanay katawan ko” pagpapaalam ko sa kanya.

“Sige, naninibago siguro katawan mo. Why don’t you sit down for a while? Pahinga ka muna at papabili na din ako ng meryenda natin.”

“Sige po sir Raphy. Sorry, I just need 15 minutes of rest then pwede na ako ulit.” Ngumiti naman siya na ikinatango ko.

“Alright guys, let’s take 15 minutes of break okay? I will just ask someone sa labas na bumili ng meryenda natin. Just relax…” Lumabas saglit si sir Raphy at yung iba ay nagpahinga muna.

“JD, yosi kami ni Anna, sama ka?” Tanong ni James sa akin. Gustuhin ko man, hindi ako makatayo. I need to rest my legs first kasi nakakahiya naman kung ako ang cause of delay ng rehearsals.

“Hindi, okay lang.” Ngiti ko sa kanya at lumabas na sila. Nasa ganun akong paghihilot ng legs ko nang lumapit si Nicko.

“Hi Kuya JD!” Masayang bati niya. “Finally nalaman ko din name mo”

For What It's Worth Book 2 (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon