Chapter 9

227 5 0
                                    

Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are changed to make the story more appealing to readers and there are scenes that were added to make it more exciting. Any events or scenarios that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

“Hindi niyo naman ako ininform na pula dapat eh naka black ako.” Nahihiya kong sambit. Walang sumagot pero bigla akong nakarinig ng tugtog ng gitara. Hinanap ko kung saan ito galing and it was from Jeff!

“Hoy, ano ginagawa mo?” Pagtatanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot. Nagulat nalang ako ng lahat ng tao na nandon ay pumuwesto patabi kay Jeff. Naguguluhan ako sa mga nangyayari hanggang sa narinig ko ang isang pamilyar na song para sa akin.

Ibibigay ang lahat-lahat
Handa kong gawin
Lahat ng 'yong hiling
Sukli man ay sugat sa puso

Umpisa ni Jeff sa kantang “Kapag ako ay nagmahal”. Naalala kong ito ang kinanta ng banda nila ng nag audition sila noon sa RPG band na magpeperform sa isang event. Ramdam ko ang nais niyang ipabatid sa lyrics ng kinakanta niya. Pinipigilan kong umiyak, iniisip ko palang na pagbibigyan siya sa gusto niyang pagmamahal pero ito na at gumagawa siya ng paraan para mailabas ko na ang gusto kong sabihin sa kanya. Akala ko ay iiwasan na niya ako pero hindi pala. He was planning this all along.

Karamay ka
Sa hirap at saya
Masaktan mo man
Damdamin ko
Ako'y nandyan parin sayong tabi

Naalala ko yung mga panahong pinagtutulakan ko siya pero nanatili siya sa tabi ko. Yung panahon na namatay si Mike, siya yung matyagang umaalalay sa akin at walang sawang nagpapangaral sa akin sa lahat ng maling ginagawa ko. Kahit sobrang nasaktan ko siya ay hindi niya ako sinukuan. Unti unti lumapit sa akin yung mga kasabwat niya at nag abot ng chocolate bars. Each bars has a letter hanggang sa nabuo na yung ibinigay nila. Nakita ko na “Will you be Mine?” yung nabuo kong words. Natawa naman ako dahil alam ni Jeff that I don’t like flowers, lakas maka babae!

Kapag ako ay nagmahal
Ang lahat ng ito'y magagawa
'Di magbabago, 'di maghahangad
Ng anumang kapalit
Kapag ako ay nagmahal
Umiyak man ako hindi ko ito ikakahihiya
Handa akong magtiis
Kapag ako, kapag ako ay nagmahal

Sa pagkakataong yun ay hindi ko na napigilan ang maluha, kahit anong pigil ko ay kusa na itong lumalabas sa mga mata ko. Si Jeff na ba ang hinahanap kong sagot sa aking mga dasal? Akala ko ay mawawala na siya pero ito siya, kinakantahan ako.

“Paano kung masaktan ako ulit?” Yan pa din ang tanong na pilit pumapasok sa aking isipan kahit alam ko na mahal na mahal ko na si Jeff. Lintek na takot to! Napalingon ako kay Nicko at ngumiti ito. Nilapitan niya ako niyakap.

“Huwag kang matakot magmahal ulit.” Sambit sa akin ni Nicko na nakangiti. Napatingin ako kay Jeff na kumakanta pa din.

Sa 'yo lamang
Iikot aking mundo
Sa 'ki'y bale wala
Sasabihin ng iba
Basta't alam ko
Mahal kita

Gustong gusto ko sabihin na mahal ko na din siya, na gusto kong mag commit na kami sa isa’t isa. Ayaw ko na ng FUBU set up namin dahil gusto ko na siyang maging kasintahan na mamahalin ko at mamahalin ako.

Kapag ako ay nagmahal
Ang lahat ng ito'y magagawa
'Di magbabago, 'di maghahangad
Ng anumang kapalit
Kapag ako ay nagmahal
Umiyak man ako hindi ko ito ikakahihiya
Handa akong magtiis
Hindi ka man maging akin
Lahat ng ito'y gagawin
Kapag ako, kapag ako ay nagmahal

Umiiyak pa din ako, para akong tanga. Sigruo kasi para sa akin na tinalikuran ang tunay na pagmamahal ay hindi ko na ineexpect na mahahanap ko pa siya. Lumapit siya sa akin ng nakangiti at masaya. Binatukan ko naman siya na ikinatawa ng lahat ng andun.

For What It's Worth Book 2 (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon