Chapter 11

204 4 0
                                    

Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are changed to make the story more appealing to readers and there are scenes that were added to make it more exciting. Any events or scenarios that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

“Anong ibig sabihin nito?” May diin na tanong ni papa sa amin. Parang tinakasan ng dugo ang pisngi ko sa sobrang pamumutla ko.

“Pa! I thought you’re in Davao?” Kabadong tanong ni ate.

“My flight was re scheduled. JD, ano yung narinig ko?” Striktong sambit ni papa.

“Pa…” Nanginginig kong sambit. Hindi ako ready mag out sa parents ko. Bakit naman sabay sabay? Hayyy.

“Answer my question!” Medyo napalakas na sigaw ni papa.

“Yes pa, I am Bisexual” pag amin ko ng nakayuko. Naramdaman ko na lang ang pag lapit ni papa. Pumikit nalang ako dahil alam kong sasapakin ako nito.

Naghihintay ako ng sampal or sapak galing kay papa pero iba ang nangyari, he hugged me tight na sanhi ng pagluha ko.

“I am glad na nag out ka anak. Tatay mo ako, nararamdaman ko na may kakaiba sa iyo. Oo lalaki ka kumilos at pumorma pero alam ko may ibang tinitibok yan.” Turo niya sa puso ko.

“Papa, I am sorry na ganito ako. Pinilit ko naman po na hindi maging ganito pero I really can’t.” Iyak ko kay papa.

“Shhh. I know and hindi ako galit. Mas magagalit ako kapag hindi ka nagsabi sa akin ng totoo. Tanggap kita kasi anak kita.”

“Papa!” Yakap ko sa tatay ko. I have never been this happy sa kabila ng mga problemang dinadala ko. Nakita ko naman na lumuluha din si ate at nakiyakap sa amin ni papa.

“Ano ba yan, nakakaiyak naman eksena niyo! Payakap nga.” Biro sa amin ni ate. Nasa ganon kaming ganap ng biglang pumasok si mama sa loon ng kwarto ni ate.

“Oh, JD, what are you doing here? And bakit kayo umiiyak?” Takang tanong ni mama. Lumapit pa siya sa amin ng puno ng pag aalala. Nagtawanan namin kami nila papa at ate na lalong kinagulo ng isip ni mama.

“What?” Lumapit sa kanya si papa and he told my everything.

“Mommy, alam ko alam mo kung ano talaga ang anak natin. Umamin na sa akin si JD.”

“Oh, eh di maganda, bakit kayo umiiyak? Sinapak mo ba si JD daddy?” pagtatanong ni mama kay papa na lalo namin kinatawa ni ate.

“Of course not! Akala lang ni JD hindi ko matatanggap pero iba ang kinalabasan kaya siya naiyak.” Pageexplain ni papa kay mama. Tila naman nakahinga ng maluwag si mama at humarap sa akin para makausap ako.

“Mabuti naman anak at umamin ka na, honestly matagal ko ng hinihintay na gagawin mo yun.” Ngiti sa akin ni mama.

“Talaga ma? Malambot ba ako kumilos?”

“Nope, pero sabi nga ng daddy mo, alam namin. Ako kaya nag ire sa iyo kaya I know. Basta tatandaan mo JD, ano ka man, ano man maging desisyon mo sa buhay, andito lang kaming pamilya mo na aagapay at susuporta sayo.” Niyakap ko din si mama. Ang sarap sa pakiramdam na tanggap ka ng pamilya mo.

“Ano, masaya ka na JD? I told you hindi laging problema ang sinasapit ng tao.” Ngiti sa akin ni ate.

“I am really happy that the whole family accepts me ate. Iba yung feeling eh.” Bumaba na kaming lahat para makapag dinner. Tinanong naman ako nila mama kung bakit ako lumuwas ng Manila.

For What It's Worth Book 2 (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon