Chapter 21

227 7 0
                                    

Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are changed to make the story more appealing to readers and there are scenes that were added to make it more exciting. Any events or scenarios that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

“Jeff, saan tayo maglalunch? Or gusto mo mag dessert nalang muna? Gusto ko yung specialty mo.” Malanding turan nung babae kay Jeff. Nakita ko naman tumingin si Jeff sa babae at ngumiti. Feeling ko para akong dinaanan ng pison sa nasaksihan ko. I know a statement kung double meaning ito at sigurado akong ibang klaseng panghimagas ang pinaguusapan nila. Naglalakad na sila palabas ng building at susundan ko na sana sila.

“Ui JD, ano ginagawa mo dito?” Sigaw ng isang kaibigan namin ni Jeff na kasama niya sa OJT na kinagulat ko sapat para marinig ito ng mga tao sa lobby.

Nakita ko namang tumingin si Jeff sa akin ng gulat na gulat. Hindi ko alam pero hindi ko na napigilan ang luha sa mata ko.

“Are you okay?” tanong sa akin ng kaibigan namin ni Jeff na sumigaw ng pangalan ko.

“Yap I am okay, sumakit lang bigla yung tiyan ko.” Pagsisinungaling ko sa kanya. Agad naman ako nag ayos ng sarili.

“I have to go, sorry to be rude.” Pagpapaalam ko sa kaibigan namin ni Jeff.

“Sige, are you sure youre okay?”

“Yes, thanks” Lalabas na sana ako ng building ng habulin ako ni Jeff.

“JD, saglit lang” Kita ko ang pagmamakaawa sa mga mata niya.

“Hindi na, baka busy kayo nung kasama mo.”

“Teka lang JD, let me explain please!”

“Bitiwan mo ako kung ayaw mo ng eskandalo.” Pagbabanta ko sa kanya.

“Jeff?” pagtawag sa kaniya ng babae kanina.

“Nagugutom na ako Jeff, sino kausap mo?” malanding sabi nito. Sarap upakan ampota!

“Ah, Janine, saglit lang.”

“Hi, I am Janine and you are?” Ngiti sa akin ng babae.

“JD, I am his FRIEND.” Umaasa ako na itatama ni Jeff ang sinasabi ko at ipapakilala niya akong BF niya pero hindi ganoon ang nangyari. Yumuko lang ito habang nag uusap kami ni Janine.

“Nice meeting you, would you like to join us?” pag aalok nito sa akin.

“Hindi na, baka maistorbo ko kayo ng BF mo.” Nakita ko namang napatingin sa akin si Jeff.

“HAHAHA! Hindi ko siya BF, friends lang kami though I want him to be kaya lang pakipot. Makukuha ko din yang kaibigan mo, malapit na!” kindat nito sa akin at tinignan ko naman si Jeff sa mata. Bakit hindi mo magawang sabihin na ako ang BF mo? Gustong gusto sanang ko itanong sa kanya.

“Ah ganoon ba? Sige, enjoy kayo.” Nagcacrack na yung boses ko.

“Okay, sige bye JD. Let’s go Jeff?” nagmadali akong umalis sa harapan nila at hindi na tinignan si Jeff, nasasaktan ako sa ginagawa niya.

Sumakay ako sa kotse ko at doon ako umiyak. Bakit ganon? Anong nangyari? Okay lang kami noong last time kami nagkita, bakit ganoon? Kaya pala may nararamdaman akong mali. Shit talaga, SHIT! Habang nasa sasakyan ako ay biglang may kumatok sa bintana ko. Si Jeff, hindi ako tatakbo. Gusto ko ng explanation, kasi ang sakit sakit ng ginagawa niya. Binuksan ko ang pinto at sumakay siya. Tahimik lang siya.

For What It's Worth Book 2 (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon