Chapter 16

212 6 0
                                    

Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are changed to make the story more appealing to readers and there are scenes that were added to make it more exciting. Any events or scenarios that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

Back to JD’s POV

“Hindi ba sabi ko tutulungan kita kay Jeff?”

“Oo, ano naman kinalaman ng pagsasayaw natin?”

“Look, 3:00 O’clock” Tumingin naman ako sa direction na sinasabi ni PJ at nakita ko si Jeff na masamang nakatingin sa amin!

“He’s looking at us!” Sabi ko kay PJ nang inalis ko ang tingin ko kay Jeff.

“Does he look angry?” pagtatanong niya sa akin.

“Oo, para niya tayong papatayin!” nagaalala kong sambit.

“Then our plan is working. Just go with the flow okay” ngiti niya sa akin na ikinangiti ko na din sa huli.

Nagulat nalang ako ng yakapin ako ni PJ ng sobrang higpit habang sumasayaw kami sa dance floor. Siguro nagtataka na yung mga nakakakita sa amin kasi party song yung pinapatugtog ng DJ pero mukha kaming nag susweetdance, dalawang lalake pa.

“Sigurado ka bang plano pa din to and you’re not taking advantage of me?” biro ko sa kanya.

“Asa ka!” Pagtawa niya sa akin na ikinatawa ko na din. Nagulat nalang ako ng may humila sa akin at sinapak si PJ.

“Gago ka!” inis na sambit ni Jeff kay PJ at sinapak ito sanhi para mapatras si PJ. Gumanti naman si PJ ng suntok, pilit ko silang inaawat pero parehas silang mas matangkad sa akin kaya nahirapan akong paghiwalayin sila. Buti nalang huminto sila at naawat ni Kiko at Nicko.

“Woaw, easy there!” Hila ni Kiko at Nicko kay Jeff na nagngingitngit pa din sa galit.  

“PJ, tama na!” Awat ko kay PJ na akmang susugod ulit kay Jeff.

“Yan ang sabihan mo nananapak na lang bigla!”

“Eh binabastos mo na si JD eh!” init ulong sambit ni Jeff. Nangiti naman ako dahil nag work yung plano ni PJ. Pinilit ko naman mag poker face.

“Tama na Jeff, wala naman kaming ginagawang masama!” pag awat ko kay Jeff.

“Walang ginagawang masama eh naglalampungan na kayo diyan?!”

“Magkaibigan kami Jeff, at ano ba masama kung maglampungan kami?” panghahamon kong tanong sa kaniya.

“Dahil ako ang boyfriend mo!” sigaw nito sa akin.

“Talaga? The last time I checked iniwan mo ako!”

“Dahil niloko mo ako!”

“Dahil hindi mo ako pinagpaliwanag!”

“Woaw! Teka, chill lang guys!” Pag awat ni Nicko sa amin ni Jeff. Bigla namang may lumapit na bouncer.

“May problema ba tayo mga boss? Nakakabulahaw po tayo sa mga customer eh!”

“Pasensya na sir, nagkainitan lang pero okay na.” pakikipagusap ni PJ.

“Tssss!” Pasaring ni Jeff kay PJ habang nakikipag usap sa bouncer na ikinainis ko kay Jeff. Parang bata!

“PJ, halika na nga!” hila ko kay PJ palayo kay Jeff.

“At sasama ka diyan sa ex mo?”

“Ano naman ngayon?”

For What It's Worth Book 2 (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon