Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are changed to make the story more appealing to readers and there are scenes that were added to make it more exciting. Any events or scenarios that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.
Jeff’s POV
“Let’s go!” ang narinig ko na sambit ni JD nang makapasok siya sa loob ng kotse ko. Pinaandar ko naman ito bilang pagsunod. Hindi siya nagsasalita, mukhang galit ito sa nangyari sa amin kanina.
“JD, are you angry?” Mahina kong sambit.
“Hindi, I look so happy oh! Salamat sa inyong magpinsan sa souvenir ah?” Sarkastikong banat nito. Galit nga, hayyy!
“I’m sorry, hindi naman ako ang sumapak sa iyo eh”
“Hindi nga ikaw pero dahil sayo kaya ako ang nasapak” walang gana niyang sagot.
“Sorry na JD, hindi na mauulit. Nag init ulo ko eh.”
“Ano ba kasi nangyari Jeff? Hindi ka naman ganyan dati. Umalis ako kanina sa restaurant for you and Nicko to talk hindi para magpatayan!”
“We talked pero nagkainitan kami, normal naman yun”
“Normal? Normal na pala ngayon ang magpatayan in public, wow Jeff! WOW!”
“Ano kasi…”
“Ano? Sasabihin mo ba ang dahilan o uupakan kita?” Wala naman ako nagawa kundi ikwento ang nangyari.
________________________________________________________________________
Flashback
Nang makaalis si JD ng nagpaalam siyang mag CR ay agad kong kinausap si Nicko, I want to clear things out to him dahil nagkainitan kami kanina sa sasakyan. Ayaw ko na magkaroon kami ng away ng pinsan ko.
“Nicko, seryoso ako sa sinabi kong mahal ko si JD. Kilala ko siya since first year college ako at nung makilala ko siya mahal ko na siya. Sinasabi ko ito dahil gusto kong layuan mo si JD.” Utos ko sa kanya.
“Alam ko, kita ko naman sa mga titig mo sa kanya nung nagkita kayo sa bahay kuya Jeff. Ayaw ko lang paniwalaan hanggang di sa iyo nanggagaling.”
“Then why are you still pursuing JD kung alam mo naman palang mahal ko siya?”
“Mahal ka ba niya?” Nanghahamong tanong nito sa akin. Kilala ko si Nicko na pag may ginusto ito eh gagawin niya lahat para lang makuha niya ito. Umiiling ako sa tanong niya pero di ko inaalis ang tingin kos a kanya. Gusto ko malaman niya that I am serious kay JD.
“Kuya Jeff, pinsan kita at nirerespeto kita pero hanggang walang pinipili si Kuya JD hindi ako aatras sa gusto kong mangyari!” Matapang na sagot niya.
“Hindi mo ba siya narinig na hindi ka niya gusto?” Diretsyong tanong ko sa kanya.
“Hanggang nakikita kong single siya hindi ako susuko. Bakit ikaw? Harapan din naman niyang tinatanggi ang gusto mong mangyari hindi ba?” Balik na sumbat niya, nagiinit na ang ulo ko, bakit ba ayaw niyang magpatalo?
“Dahil may kasunduan na kami!”
“At anong kasunduan naman?” Naghahamong tanong niya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang kasunduan namin ni JD, argh!
“Puwede ba Nicko, layuan mo nalang si JD.” Galit kong turan sa kanya.
“Hindi!” Matapang na sagot niya. Di ko na napigilan ang sarili ko at kinwelyuhan ko siya. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun kay Nicko pero nagiging possessive ako kay JD kapag alam kong magiging kaagaw ko yung taong yun sa pagmamahal ni JD.
![](https://img.wattpad.com/cover/24547251-288-k718067.jpg)
BINABASA MO ANG
For What It's Worth Book 2 (BoysLove)
RomanceAfter Mike died, JD felt like his life is not worth it. He began changing himself to avoid having the same pain as what he have experienced from his past relationship. How can love change him back to his old self?