Chapter 17

210 6 0
                                    

Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are changed to make the story more appealing to readers and there are scenes that were added to make it more exciting. Any events or scenarios that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

PJ’s POV

After I left the Philippines, matagal din ako nakapag adjust to fit in and to forget about JD. Tinanggap ko na kasi na kahit kalian ay hindi na kami magkakabalikan. Masakit na nakahanap siya ng bago at ako ito, miserable! Kasalanan ko naman kasi, akala ko wala nang ibang kayang mahalin si JD kundi ako lang. Masaya naman ako para kay JD kasi seeing him smile again is the best feeling na naramdaman ko after I broke his heart.

“Sigurado ka na ba na aalis ka without saying goodbye personally to JD? You know JD would feel very bad if he reads your letter na wala ka na.” Tanong sa akin ni G habang nasa NAIA terminal 1 na kami.

“It’s the best G, mas mahihirapan ako umalis kapag makikita ko siya sa pag alis ko.”

“It’s your decision ingat ka dun ha?”

“Salamat.”

Nagpaalam din yung ibang kasama namin na naghatid sa akin at lubos kong ipinagpapasalamat ang pagsama nila. Nakita ko naman si Anne na umiiyak. Actually, matagal ko ng alam na mahal ako ni Anne pero talagang hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman niya sa akin.

“Hey, don’t cry. Aalis na ako, paano?” Ngiti ko kay Anne at niyakap naman ako nito.

“Mahal kita PJ.” Sambit niya na ikinangiti ko.

“I know at nagpapasalamat ako Anne”

“Hindi mo ako kayang mahalalin kasi si JD pa din?”

“Oo eh, ginayuma kasi ako nun. You will find someone better Anne.” Biro ko sa kanya.

“Ingat ka.”

Pumasok na ako sa airport to check in and I am wishing my self a goodluck. I will be studying abroad with my ate and alam kong panibagong environment ito sa akin. As much as possible ay hindi ko bubuksan ang social media account na meron ako para hindi ko makita si JD. Ito ang naiisip ko na paraan para mabilis na makapag move on. Nakadating na ako sa San Diego at si ate ang sumalubong sa akin.

“Welcome lil bro!” yakap ni ate Cherry sa akin.

“Ate, namiss kita!”

“Bolero, halika na. Itotour kita mamaya, umuwi muna tayo at kumain!” tumango naman ako bilang pagsang ayon.

Naging masaya naman ang first month ko sa US. Kahit busy si ate ay lagi ako nito sinasamahan para kabisaduhin ang mga lugar sa bagong tahanan ko. Konti palang ang mga kaibigan ko, aside sa nahihiya pa ako ay gusto ko Pilipino ang magiging set of friends ko.

Months passed at nasasanay na ako sa US pero namimiss ko pa din si JD. Ewan ko ba, ang hirap niyang kalimutan. I asked my sister if she can find me a part time job pang alis ng lungkot.

“What do you need a job for? Pinapadalhan naman tayo nila mama ah?”

“Gusto ko lang maging busy ate.” Pagmamakaawa ko.

“PJ, pwede naman mamasyal nalang?”

“Please ate?” pagmamakaawa ko.

“Okay fine! Pero huwag mo na lang ito mabanggit kila mama okay?”

“Thanks ate.”

Nahanapan ako ni ate ng work sa isang restaurant as a waiter, masaya naman ang naging work ko at mababait ang mga nakakatrabaho ko. Nakakakilala na din ako ng mga bagong kaibigan. Nagstart na ang pasukan and ibang iba ito sa school sa Manila, kinakabahan man ako pero pinilit kong mag fit in at maging busy sa studies ko. I met some Filipino friends sa school and sila ang mga naging kasakasama ko.

For What It's Worth Book 2 (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon