Chapter 14

185 4 0
                                    

Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are changed to make the story more appealing to readers and there are scenes that were added to make it more exciting. Any events or scenarios that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

“Youre gonna love what I will tell you.”

“Ano nga, makapambitin lang?”

“PJ is back!” Natuwa nga ako sa balita niya, of all news na naririnig ko, good news ang pinakakailangan ko.

“Talaga? Where is he?” excited kong pagtatanong.

“Nasa Baguio!”

“What?” takang paguusisa ko.

“Oo, dumiretso siya diyan para makita ka. Asan ka ba? Binigay ko address ng apartment mo kaya baka dumiretso yun dun!”

“Ha?! Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?” gulat kong sambit.

“Sorry na. Umuwi ka na baka andon na iyon, ibigay ko nalang yung number mo sa kanya.”

“Okay sige, uwi na ako.” Natapos ang usapan namin at nag paalam naman ako kay Kris.

“Kris, I have to go, balik na lang ako ah?” pagpapaalam ko kay Kris.

“Oo naman, oh kiss babye to tito JD baby” Binuhat ko naman si Mikey Jr. at hinalikan sa pisngi.

“Bukas nalang ulit baby.” Pagbababy talk ko kay Mikey Jr. at nakita ko nanaman ang cute niyang ngiti.

“Oh, heto na, go to mommy baby.” Iniabot ko na kay Kris ang baby at nag paalam.

“Sige, Kris.”

Umalis na ako at excited akong umuwi, namiss ko si PJ, more than 2 years kaming hindi nagkita. Kahit may hindi magandang nangyari sa amin noon ay friends na kami ngayon. Nang makadating ako sa apartment ay nakita ko na agad si PJ na nagaabang sa may gate. Pagkababa ko ay agad ko siyang pinuntahan at niyakap.

“PJ! Hindi ka man lang tumawag, I miss you!” masayang bati ko sa kanya.

“Woaw, easy there, I might get crushed!” Pagbibiro niya kaya kumalas na ako.

“Naks, may accent ka na!”

“Ikaw ba naman 2 years ka sa US ewan ko nalang kung wala ka pa din accent.”

“Sabagay!” Nagtawanan kami and I can’t keep but to notice na lalo ito gumwapo.

“You look good PJ!” ngiti ko sa kanya.

“Thank you JD, actually madami nakakapansin pag uwi ko eh.” Mayabang na turan nito.

“Wow! Ang hangin, di ka pa din nagbabago hayop ka!” pagtawa ko sa sinabi niya.

“You look good as always JD” biglang sabi nito sa akin.

“Bolero!” Pero nagulat ako ng niyakap niya ako ulit ng sobrang higpit.

“I miss you” bulong niya.

Ramdam ko sa yakap ni PJ that he really miss me. Niyakap ko din naman siya pabalik because honestly I miss his hugs. Don’t get me wrong, friends nalang ang tingin ko sa amin ni PJ. I don’t think maibabalik pa namin ang dati dahil mahal na mahal ko na si Jeff.

“I miss you too PJ! I am happy that you came here to visit me. Buti nalang tumawag si G sa akin that you’re here, nasa bahay kasi ako ng baby ni Mike.”

For What It's Worth Book 2 (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon