Chapter 4

6.7K 91 3
                                    

Love. Sex. Insecurity.

[Chapter 4]

By: Crayon

***AKI**

2:00 pm, Sunday

March 13

Kakatapos lang ng meeting ko with clients. Naging maayos naman ang lahat and things are finally falling into places. Sobra din akong nagpakalunod sa trabaho ko for the last 12 mos. After ako idestino ng accounting firm ko dito sa Davao, wala akong inatupag kundi trabaho. More than 1 year akong walang social life, pero ok lng sakin yun. Sanay ako sa ganitong buhay.

My name is Aki, at the age of 26 im pretty much satisfied with what i have accomplished in my chosen field. Marami ang nagsasabing dapat na ko mag-asawa dahil may stable job na ko at kayang-kaya ko ng sumuporta ng pamilya. Tinatawanan ko lang ang mga nagsasabi sa akin niyan. Una, wala pa ang taong gusto ko pakasalan o mas tamang sabihin hindi niya pa ako mahal. Pangalawa, hindi legal ang same sex marriage sa Pilipinas.

Yes, the only person i happen to be romantically in love with is also a guy. Worst part is, im not the guy that he loves.

"Sir, may i have a word with you." wika ng aking sekretarya, matapos ang tatlong mahihinang katok.

Agad ko namang iminulat ang aking mata at inayos ang upo sa aking swivel chair.

"Yes, come in Samantha." sagot ko.

"Sir, i just need you to sign these papers for approval." magalang na sabi ni Samantha habang naglalakad papasok ng aking opisina bitbit ang mga papeles na tinutukoy niya.

"Are these the layouts presented to me the other day by Mr. Ferrer?" tanong ko sa aking sekretarya.

"Yes sir, after you sign these you're free to go." biro ng aking sekretarya. Ngumiti lang ako sa pahayag niya na yun. "Seriously sir, you can go after you've sign those. Wala na po kayong scheduled meeting for today or even for the following weeks. Everything is doing well in the site. Ultimo facilities natin is doing great, things hardly need your supervision."

"Are you telling me that my services are no longer needed here?" biro ko kay Samantha.

"Of course not! On behalf of all the women working in this building, let me tell you that we will always need you as our inspiration. We will always draw motivation from you to go to work even on weekends. You will always be the center of our work life. Hahaha" ganting banat niya.

"Inatake ka na naman ng sakit mo." sagot ko.

"Sir! Kung sakit man tong matatawag, cure me now pleaaasssee... Right now, right here in your office... Pleeaaaassseee."

Dun na ko natawa. Luka luka talaga tong sekretarya ko. Sa mahigit isang taon kong pagtatrabaho dito sa Davao itong si Sam ang naging isa sa mga kaibigan ko.

"Ms. Samantha Marie Tumandong! Umayos ka please. Mamaya may makarinig sayo baka kung anung isipin nila. Mapagbintangan pa kong rapist."

"Sir Aki, Una sa lahat, call me Samantha, Sam, Sammy, Marie, SM but please refrain from using my last name. Nakakabawas sa ganda ko eh" pakiusam ni Samantha, hindi kasi siya masyadong masaya sa apelyidong minana niya, tulad ng lagi niyang sinasabi, nakakabawas daw sa ganda niya. "Pangalawa sir, sa gwapo mong yan, walang maniniwalang rapist ka. Wag ka masyado mag-alala. Tsaka seryoso ako sir, wala na talaga kayo gagawin mamaya. Alam ko naman pong pagod kayo sa ginawa nating preparation para sa clients natin today. Im just letting you know that, the rest of your day is available. If you've got something in mind to do, you may do it today. Kasi waley na talaga tayong gagawin ditey. Kahit akiz nga-nga na lang later boom." mahabang litanya ni Samantha.

Love. Sex. Insecurity. (LSI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon