Chapter 21

1.5K 53 2
                                        

Love. Sex. Insecurity.

[Chapter 21]

By: Crayon

****Kyle****

4:30 pm, Tuesday

June 26

Pinapanood ko ang masayang paglalaro ng mga bata sa open field ng university habang hinihintay kong dumating si Lui. Nakatakda kaming magkita bandang alas sais ng hapon dahil napagkasunduan naming pumunta ng gym at mag-work out. Desidido ako na pumayat, alam kong may nais akong patunayan kaya ko gustong pagandahin ang hubog ng aking katawan. Sa aking paghihintay ay di ko maiwasang mahulog sa malalim na pag-iisip sa mga nagyayari sa akin.

Am i doing it right? Ngaun lang sumagi ang tanong na ito sa aking isip. Tama nga ba na lumayo ako at talikuran lahat ng problema? Tama ba na madamay pati ang mga nagmamahal sa akin?

Maaaring kaya kong tiisin na malayo sa pamilya ko ng matagal. Pero kayanin ko kaya ang isiping labis na nalukungkot ang aking ina dahil sa ginagawa kong paglayo.

Maka-nanay akong tao. I always care about how my mom feels. Alam kong sa pagtagal ng hindi ko pag-uwi ay hahanapin din ako nito. Hindi man niya sabihing nalulungkot siya alam kong labis siyang mangungulila. Ganun naman kasi si mama sa akin, kahit na may nagawa ako na nakasakit sa damdamin niya kahit kailan ay di niya ako nasumbatan. Sasarilinin lang niya ang sakit at saka sasabihing ok lang siya habang nakangiti. Never siya nagdemand ng kahit ano sa akin. Laging siya ang nagsasakripisyo.

Hindi ko mapigilang ma-home sick dahil sa aking iniisip. Nararamdaman ko din ang unti-unting panlalabo ng aking mata. Nilabanan ko ang pagtulo ng aking mga luha. Huminga ako ng malalim. Pagod na akong lumuha. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay hahayaan kong tumulo ang mga luha mula sa aking mata.

Si Aki. Alam kong apektado din siya sa mga ginagawa ko. Tumawag sa akin si Mama nung nakaraang linggo. Pumunta raw sa bahay si Aki at hinahanap ako. Binilinan pa ako ni Mama na i-text si Aki pero hindi ko na nagawa iyon.

Mababaw lang naman talaga ang tampo ko kay Aki. Hindi niya lang nagawang bumalik kaagad mula sa Davao. Kung tutuusin ay hindi ko naman siya dapat na obligahing makabalik agad. Nagkapatong-patong lang ang nararamdaman ko ng mga panahong iyon kaya hindi ko mapigilan na magtampo, dahilan para di ko magawa pang i-text o tawagan siya.

Sa ngayon ay wala na ang tampo kong iyon kay Aki pero may pumipigil sa akin na kausapin pa din siya. Gusto ko din kasi ang pakiramdam na nasa isang lugar ako na walang nakakakilala sa akin. Gusto ko yung wala akong nalalamang anumang balita sa iniwan kong magulong buhay sa Maynila. Sapat na yung tanging pamilya ko na lamang ang aking kinokontak at kinakamusta. Sa paraang ito kahit papaano ay nagagawa kong kalimutan o maisantabi ang mga hindi masasayang nangyari sa akin sa Maynila. Idagdag pa ang pagfo-focus ko sa pag-aaral.

Tuwing nakikita ko si Alvin ay saka ko lamang naaalala ang dahilan kung bakit ako nanditong muli sa unibersidad na ito. Pa-konswelo ko na lamang sa sarili ko na isang semestre ko na lang naman siya pagtitiyagaan.

Alam ko na kapag ipinagpatuloy ko ang pakikipagkaibigan o pakikipag-usap kay Aki ay lalo lang ako mahihirapan na maka-move on. Dahil sa tuwing titingin o kakausapin ko siya ay imposibleng hindi sumagi sa isip ko ang taong pilit kong kinakalimutan, kung hindi man makalimutan ay tanggaping wala na.

Am i really doing it right? Or is this just the easy thing for me to do? Hindi ako sigurado. Basta ang nais ko ngayon ay iwasan ang lungkot at maka-move on. Maaaring kailangan ko ngang lumayo na pansamantala para magawa iyon.

Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Bumalik ako sa pagmamasid ng mga naglalarong bata sa paligid. Namiss ko ang maging bata. Halos karamihan sa mga bata ay hindi alam ang salitang lungkot, mababaw lang ang kaligayahan at madaling mapatawa.

Love. Sex. Insecurity. (LSI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon