Book 2 : Chapter 14

1.3K 51 2
                                    

Love. Sex. Insecurity.

[Book 2 : Chapter 14]

By: Crayon

****Aki****

5:05 pm, Thursday

July 03

Katatapos lamang ng board meeting at pinasya kong magpaiwan sa loob ng meeting room ng makaalis na ang lahat. I need time to think. Napakarami kasing nangyari nang hapon na iyon maliban sa katatapos lang na meeting. Hanggang sa mga sandaling ito ay ramdam ko pa rin ang tensyon hindi dahil sa kaba sa meeting kundi dahil sa pinaghalong lungkot, pagsisisi at guilt.

Kinukwestyon ko ang aking sarili at ang aking mga nagawa kay Kyle. Kahit saang anggulo ko tingnan ay walang tama sa ginawa ko sa kanya kanina. Napakasamang tao ko kung tutuusin para masabi ang lahat ng iyon kay Kyle ng walang pag-aalinlangan. Kahit ako ay hindi ko na halos kilala ang aking sarili. Habang lumalabas sa bibig ko ang mga salitang alam kong nakakasakit sa kanya ay parang ibang tao ang nagsasalita, daig ko pa ang sinapian ng demonyo nang mga oras na yon.

Mahigit tatlong linggo na ang nakakaraan simula nang paasahin ko si Kyle na magiging mabait na ko sa kanya. Ngayon ay nagsisisi ako na ginawa ko pa ang mga bagay na iyon dahil lalo lang gumulo ang aming sitwasyon. Mula kasi noon ay hindi na ako muling kinausap pa ni Kyle kung hindi lang din naman tungkol sa trabaho. Ramdam ko rin ang pag-iwas na ginagawa niya sa akin. Wala na ang nakasanayan kong pagbati niya tuwing umaga at ang lagi niyang pag-aalok ng kape. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil iyon naman talaga ang gusto kong mangyari mula pa nung una kaming magkita muli.

Pero iyon nga ba ang talagang gusto ko na mangyari mula ng muli kaming magkita? Dahil kung gusto ko lang din naman ang lumayo siya ay maaari ko naman siyang tanggalin sa trabaho o di kaya ay ilipat sa ibang department para hindi na mag-krus ang aming landas. Pero the more na ini-insist ko sa isip ko na ayaw ko sa kanya ay lalo naman siyang hinahanap ng puso ko.

Alam ko sa sarili ko na mahal ko pa talaga si Kyle. Duwag lang akong tanggapin iyon kaya pinalalabas ko na matapang ako at pinaninindigan ko ang galit na nararamdaman ko para sa kanya. Takot lang ako na masaktan kaya mas ninanais ko na siya na lang ang mahirapan. Ayaw ko lang na umasa akong muli na mamahalin niya ako kaya emosyon niya ang pinaglalaruan ko sa pagkakataong ito. Hindi ako makapagdesisyon sa nararamdaman ko kaya siya ang lagi kong pinagmumukhang tanga. Mahal na mahal ko pa siya kay ako ang gumagawa ng paraan para ilayo ang loob niya sa akin dahil ako mismo sa sarili ko ay hindi kayang humiwalay sa kanya.

Mula noong magkita kami ay alam ng puso kong siya pa rin ang gusto ko, kahit anung pagkukumbinsi ng utak ko na hindi ko siya mahal at galit ako sa kanya ay balewala. Si Kyle pa rin ang hinahanap-hanap ko at alam kong hindi ko magagawang turuan ang puso ko na kalimutan siya.

Hindi ko mapigilang mapapikit at hayaan ang pagtulo ng aking luha. Pinili kong iyuko ang aking ulo sa lamesa para walang makakita ng aking pagtangis. Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng emosyon dahil sa dami ng realisasyon na ngayon ko lang pinaglaanan ng oras na isipin.

Napaka-selfish ko dahil all this time ay si Kyle ang pinasalo ko ng lahat ng bagay na dinedeny ko sa aking sarili.

Batid kong nagseselos pa din ako sa tuwing maiisip ko na magkasama sila ni Renz. Naiinis ako dahil hindi ko magawang hayaan ang aking sarili na maging close sa kanya tulad ng pakikitungo sa kanya ni Renz ngayon na parang walang masamang nangyari sa kanila noon.Naiinis din ako kaninang umaga dahil masaya siyang nakikipagkwentuhan kay John samantalang ako ay tatlong linggo niya nang hindi kinakausap.

Nagseselos ako.

Naiinggit ako.

Nasasabik ako sa taong mahal ko.

Love. Sex. Insecurity. (LSI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon