Chapter 24

1.4K 41 1
                                    

Love. Sex. Insecurity.

[Chapter 24]

By: Crayon

****Kyle****

11:06 pm, Wednesday

June 27

Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig mula kay Alvin. They never had a relationship. I guess i should somehow be happy because of that. Pero sa dami ng nabuksang bagong tanong parang di ko magawang maging masaya.

Una, kung totoo man na hindi nga naging si Renz at Alvin, bakit hindi itinama ni Renz ang aking paniwala. Sigurado naman ako na alam niyang ipinakilala sila bilang isang couple sa barkada, so he knows that i'm under the impression that they are a couple. Naiintindihan kong may galit siya sa akin ng mga panahon na yon pero bakit nung nagpaalam ako sa kanya ng huli kaming magkita ay hindi niya ito nilinaw sa akin.

Maaring gusto rin niya ang ideya na iniisip namin na sila ni Alvin. Bagay naman din sila ni Alvin. Parehong gwapo, matangkad, maganda ang pangangatawan. Hindi alangan sa kanya si Alvin.

Pwede rin na kaya niya hindi sinabi sa akin ang mga bagay na iyon ay dahil sa wala naman din talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko. Hindi naman talaga niya obligasyon na ipaalam sa akin ang anumang nais niyang gawin sa buhay niya.

O baka tama rin ang sinasabi ni Alvin na baka nagseselos siya na kasama ko si Aki noong gabi ng birthday ni Gelo. Hindi ko alam ang tamang sagot, tanging si Renz lang ang nakakaalam ng totoo. Ngunit malaman ko man ang totoong dahilan ay hindi naman non mababago ang nangyari na.

Iyon rin ang pangalawang dahilan kung bakit hindi ko magawang maging masaya sa kabila ng aking nalaman. Kahit na sabihin natin na wala nga silang naging relasyon ay di naman ibig sabihin non ay mahal na ako ni Renz. The fact that im not the person he wants, he likes or he loves still remains to be true. Wala rin namang nagbago sa puntong iyon kahit na nalaman kong hindi sila nagkaroon ng relasyon. Im just like Alvin to him. Someone he slept with at some point in his life.

Isa lang ako tanga na umaasa pa rin na baka mabago iyon. Hindi ko naman masisisi ang aking sarili. Alam ko na sa sandaling ito na mahirap mag-move on dahil kahit katiting na pag-asang nakikita ko ay pinanghahawakan ko.

Hindi ko mapigilang mapabuntung hininga. Hindi ako makakausad sa nararamdaman ko kung patuloy kong papapaniwalain ang sarili ko na baka magkaroon kami ng chance ni Renz. Dapat matuto akong hindi magpaapekto sa mga bagay na malalaman ko tungkol sa kanya.

"Are you even listening to what i'm saying?", pagkuha ni Alvin sa aking atensyon. Hindi ko na namalayan na nagsasalita pala siya. Masyadong malalim ang ginawa kong pag-iisip at nawala ang focus ko sa mga sinasabi niya.

"I'm sorry. I just don't know what i'm doing.", paghingi ko ng paumanhin. Sinusubukan ko na hindi na maging masungit sa kanya kahit ngayong gabi lang. Nakakapagod din naman kasi makipag-away kapag ganitong problemado ka.

"Hay nako. Why don't you tell me your problem so i can help you.",

"Why would i?", hindi ko mapigilang mag-alinlangan sa pagkekwento sa kanya. Hindi ako masyadong open na tao pagdating sa problema. Minsan mas gusto ko na sinasarili ang mga saloobin kaysa ikwento sa ibang tao lalo na sa taong hindi ko naman kapalagayan ng loob.

"So you can practice the skill of trusting other people. Di ba sinabi ko na sayo na iyon ang problema mo. Hindi ka marunong magtiwala.", pangaral sa akin ni Alvin.

Hindi ako nagsalita. Dahil wala akong masabi at hindi pa ako kumbinsido na dapat ako magkwento sa kanya.

"Kyle, kapag nagmahal ka hindi pwedeng puro pagmamahal lang. Hindi ka magiging masaya sa pag-ibig kung hindi ka marunong magtiwala. Ang pag-ibig hindi laging happy ending gayunpaman dapat kang matutong sumugal at magtiwala. Magtiwala sa sarili mo at sa taong mahal mo.", mahabang paliwanag ni Alvin.

Love. Sex. Insecurity. (LSI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon