Chapter 8

2.8K 63 3
                                    

Love. Sex. Insecurity.

[Chapter 8]

By: Crayon

****Renz****

4:30 am, Monday

March 14

12 bottles of beer. Kulang yan para tanggalin ang lungkot na nararamdaman ko. I'm a player. Sanay akong ako ang hinahabol at iniiyakan. I play this game so well, till i met my match. With my towering height, demigod looks, and lean physique, people from both sexes swoon over me. All but one, my sweet karma.

Kyle Angelo Quindoza.

Humithit muli ako ng yosi sabay hinga ng malalim. Matagal na din since nagyosi ako mag-isa. Nagkasundo kasi kami ni Kyle non na magyoyosi na lang kame kapag magkasama kame para mabawasan ang intake namin ng nikotina.

Damn! Pati sa pagyoyosi siya ang naalala ko. Pinikit ko ang mata ko. Pilit ina-analisa ang nangyari. Why is it so hard for him to say yes? Wasn't i good enough? Why in the first place did i even bother to ask him those stupid questions? All along i was telling myself that he's the kind of guy i don't want for a partner and yet i asked him to be his boyfriend.

Or maybe you were just convincing yourself he isn't your type. Bulong ng utak ko. Grrrrrr.... Fuck! Everything's so fucked up.

Napapansin ko na noon na parang may gusto siya sa akin base

Na sa ikinikilos niya. The first time Aki introduced him to us, i can tell he's attracted to me.

Aki. I know he's with Aki right now. I saw them earlier. Nang lumabas si Kyle ng bahay, nagpasya akong sundan siya. Hinanap ko siya sa buong subdivision, then i saw him sitting on the sidewalk, wet in the rain. Nang akma na akong lalabas ng kotse para puntahan siya, may tumigil na taxi at lumabas mula don si Aki. Then Aki brought him sa taxi, they drove out of the subdivision again. Knowing Kyle, they might just be having a steamy round of sex right now. Haayyy... maybe i wasn't good enough.

Ininom ko na ang huling bote ng beer, i'm ready to throw up. Sana sa pagsuka ko di lang laman ng tiyan ko ang lumabas. Sana maisuka ko na din lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Things were better when we were just fuck buddies, no emotions just sex. Pero di mo naman makokontrol ang puso, di mo pwedeng diktahan kung para kanino ito titibok. Lechugas! Ayoko ng ganito.

****Kyle****

9:56 am, Monday

March 14

Mga 10 mins na kong gising, pero ayaw ko pa idilat ang mata ko. Gusto ko pang matulog, kasi kapag tulog ako hindi masyadong masakit, wala masyadong pait.

"Kyle...", malambing na tawag ng kainuman ko kanina lang. Nakalimutan kong wala nga pala ako sa bahay. Kelangan kong bumangon para makauwi na. Tinangka kong tumayo pero napabalikwas din ako. Nahihilo ako. Konti lang ang nainom ko kagabe kaya imposibleng dahil ito sa alak.

"Huy, tara breakfast tayo.", yaya sa akin ni Aki, mukhang siya ang nagluto dahil may suot pa siyang apron. Nakatayo siya sa tapat ng dining table habang pinagmamasdan ako.

"Sige, sunod ako.", tinangka ko muli bumangon pero napaupo lang uli ako dahil sa hilo, at malakas na pagpintig sa ulo ko. "Nyeta.", napamura na lang ako sa inis.

"Are you ok?", mukhang narinig ni Aki ang pagmumura ko.

"Yeah, inaatake lang ako ng migraine.", hindi siya kumbinsido sa palusot ko. Lumapit siya sa akin at sinalat ang ulo ko.

"May lagnat ka. Saglit lang dyan ka na lang kunin ko yung pagkain mo.", hindi na ako nakasagot dahil dumiretso na siya sa kusina. Pagbalik niya ay may tangan na siyang tray. May hotsilog at egg drop soup. "Kumain ka na para makainom ka ng gamot."

Love. Sex. Insecurity. (LSI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon